Mukha Ka Lang Tanga. Sino, Ikaw? Hindi…. Ako!

Para ka lang tanga..

Bakit?
Eh kasi naman para kang kabute. Minsan andyan minsan ok fine! kadalasan wala. Pag magparamdam ka sandalian lang. magtetext ka ako naman patatagalin muna bago magreply para hindi mo maisip na sobrang atat naman akong magreply. Bibilang ako ng 2, 3, 4 na minuto.. 5minutes, magrereply na ko… matapos nun, wala na.. waka waka na.. wala ka na. O diba, antanga mo lang?

Pero, naisip ko, mas tanga pala ako. Kase alam ko naman na ganyan ka, sige pa rin akong umaasa at naghihintay. Wehnuhnaman ngaun kung ganun ako? Wala lang. Kung sa tingin ko tanga ka, mas tanga pala ko sayo, kasi hinahayaan kong magkaganito ako ng dahil sa katangahan mo. Hinahayaan kong maapektuhan ako maige ng kalokohan mong maglubog-litaw sa buhay ko. Hindi ba mas malaking katangahan un? Eh ikaw naman kaasssseee! Tinuruan mo kong maging tanga. Ah ewan ko sayo! Hmmmpppp! Hindi ko naman masabi kung anong dapat na solusyon ang gawin ko dito. Hindi ko rin kasi masabi kung kakayanin kong tumigil na sa pagpapakatanga, kung kakayanin kong tumigil na umasa at maghintay sa kung kelan mo gustong magparamdam.

Masakit ang ulo ko… kaya ako may post ngayon.. adik lang.. grrrrrr!

Nai-post sa sentimyento | 46 mga puna

Yanah’s 2011 List of Things To Do in Manila.. Yey!

Ang katotohanan eh madalas na kung saan-saan tayo nakatingin, kung anu-anong pinagpapansin na hindi naman relevant sa buhay natin kaya hindi natin nakikita kung ano ang siyang talagang kulang sa buhay natin. Kung ano talaga ang kailangan natin. At kung ano ba talaga ang dapat nating gawin.

Masyado kasi tayong busy sa pagoobserba sa mga tao, bagay, pangyayari na wala naman kinalaman sa buhay natin kaya nalilimutan na natin ung mga pansariling issues natin. Hindi na natin nagagawang pagtuunan ng pansin ung mga pansariling ahmmmm hindi ko maisip un

Hindi rin masama na kung paminsan-minsan eh bigyan natin ng konting oras ung sarili natin na magmuni-muni, isipin ang iba’t-ibang pangyayaring naganap/nagaganap at magaganap. i-assess ang sarili natin kung ano ba talaga ang gusto natin mangyari sa buhay natin. Para naman hindi umabot sa puntong ke tanda-tanda mo na wala pa ring direksyon ang buhay mo..

At dahil jan, naisipan kong gumawa ng listahan ng mga gusto kong gawin itong taon na to.. mga bagay na gusto kong gawin dito sa Maynila….walang konek to sa nasa taas, wala lang.. walang pakelamanan at basagan ng trip, blog ko to! bleh!

>>>>>Gusto kong sumakay sa PNR –  gusto kong maranasan sumakay sa tren na to, gusto kong lakbayin ung buong ruta ng PNR. (may mangilan-ngilang tao na kong nakausap na gusto rin nila to. ahihihi so, hindi ako nag-iisa! bwahahahaaha)

>>>>>Gusto kong sumakay sa ferry (ferry nga ba un?!) ung umiikot sa buong Pasig River. Gusto kong malaman kung maamoy ko ang baho ng ilog Pasig habang lulan ako ng “ferry” na to.

>>>>>Gusto kong pumunta ng Ocean Park..  ako na ang napakaloser na tao na hanggang ngayon eh hindi pa napupuntahan ang Ocean Park. Eh kase gusto ko pumunta kapag andito na rin sa manila ang mga “daga” para sama-sama together ang drama namin, diba?

>>>>>>Gusto kong magpapictorial sa Intramuros. Oo, pictorial.. walang pakealaman ha.. 50inches thick ang fez ko dahil blog ko to. kiber. bwahahahahahaahah

>>>>>>Gusto kong kumpletuhin na mapuntahan ang lahat ng malls dito sa NCR at patayin ang isang escalator nila. Nagawa ko ng minsan to sa glorietta, gusto ko ulit ulitin, sa iba’t ibang malls. Hindi naman sya dangerous or something, papatayin ko lang sya , at titigil sa pag andar ung eskeleyter. Wala naman masasaktan.

>>>>>>Gusto kong pilitin ung sarili ko na magustuhan ang MOA. Hindi ko gusto ang MOA. Bakit? Ewan ko din. Kaya, may pagngi-ngitngit ako pag sinasabi ng mga taong kikitain ko na sa MOA magkikita. Bukod sa hassle na mararanasan mo sa pagpunta dito eh kasi naman pihadong maliligaw ako sa loob. Ako na ang ligawin!

>>>>>Gusto kong magconcert sa Araneta Coliseum ng isang gabi, matupad ang pangarap kong maging singer for one night. tutyalin pa at sa Araneta Coliseum. Libre ticket para sa masa. Kaso siguradong walang pupunta dahil mas pipiliin ng mga taong matulog kesa pag-aksayahan ng panahon si Yanah wannabe songer lol. At shempre isang malaking joke lang yan! Oo nga, joke lang yan. wag ka mambasag jan!

>>>>>>Gusto kong alamin kung ilang oras/minuto/segundo ang itatagal ko sa MRT/LRT1/LRT2 kung susubukin kong magroundtrip ng 10 beses na sunod-sunod, ung tipong walang babaan.

>>>>>>Gusto kong dalhin ulit ang mga daga sa manila zoo. This time kumpleto na sila. Last time kasi, dalawa pa lang ang nadala ko dun, dapat ngayon, tatlo na sila.

>>>>>Gusto kong magvideoke ng bonggang-bongga kasama ang mga blogger friends na mahihilig bumirit sa pangunguna ni Josonnnn at ng blogger singer na si kuya Joel! ahihihi

>>>>>At shempre, gusto kong maibaba na dito sa Kamaynilaan ang mga “daga”. Super namimiss ko na sila. Dahil hindi sapat ung dalawang araw na inilalagi ko sa bahay. Nakakamiss ang pagbabangayan ng mga magkakapatid na “daga”. Ung tipong un ang gigising sayo sa umaga….hmp, ayoko na.. naiiyak na ko. hmp! lol

uhmmmm sa tingin ko, yan na lang muna.. dadagdagan ko na lang kapag nakaisip pa ko ng kabulastugang maidagdag dito. ahihihihi

Nai-post sa kung ano-ano lang, manila | 44 mga puna

Usapan. Nadinig. Text.

Overheard Conversation sa SM Manila Foodcourt

 

S1: tingnan mo tong fruit salad, may nakalagay na “E” sa ilalim, ano kaya ibig sabihin nun?

S2: Hala lagot ka! Antanga neto! Laki-laki na antanga pa! Wag mong kainin yan! “E” – means Expired! Bobo! Mamatay ka!

S1: Adik ka din eh! Bat nila ibebenta kung expired na?

S2: ah basta! Bahala ka! Kinain mo! Mamamatayyyyyyyyy ka na!!! Hala! Expiration date mo na today!

S1: Ewan ko sayo! Adik na to!

S2: akina na nga! Tingnan ko! (sabay tikim) (sabay subo ulit) (at sumubo na naman)

: Tang’nang fruit salad to, pinyapol salad to eh! Puro pinya! Di masarap! O sayo na! langya baka mamaya maexpired pa ko jan! Pwe!

 

*** kinuwento base sa pagkakadinig sa usapan ng dalawang estudyanteng ugok! Oo, ako na ang malakas ang pandinig!

 

 

Manila Post Office

 

Y: may mga requirements po bang kailangan para maclaim ko ung mail namin aside po from the authorization I have?

Post Master: wala na, Id lamang.

Y: ah ok po. Salamat naman.

Post Master: Sigurado ka bang ikaw tong nasa authorization letter mo?

Y: opo! Ako po yan, eto po ID ko oh, tingnan nyo.

Post Master: Hindi na kailangan, pwede naman mameke ng ID diba?

Y: eto po passport ko.. tingnan nyo.

Post Master: Eh hindi ba’t nababaklas ang Passport? Mangyari’y hindi ko masisiguro ang identity mo.

Y: Kaya nga po nagdala ako ng ID eh.

Post Master: Ineng, hindi nga sapat ang ID na dala mo para maniwala akong ikaw  tong si

*insert name here* na nakasulat dito sa letter na dala mo.

Y: eh anu ho ba gusto nyo para makasigurong ako nga yan?

Post Master: patingin nga ulit ng mga IDs mo..

(nilabas ang lahat ng IDs..isinama pa ang birth certificate at kung anu-anong resibo na nakapangalan saken)

: o sya sige, pupwede na siguro to.

Y: hayyyy, salamat naman po. So, pwede ko na po ba maclaim ung Mail ng PEBA?

Post Master: aba! Eh alamin mo muna kung andito pa sa amin, dun sa records section. Ibigay mo ung registered number at mailing date. Hala sige, pumaroon ka na.

Y: ha?! Eh wala po ako nun eh.

Post Master: Hindi mo sinabi agad. Nagsayang lang tayo  ng oras dito. Dapat may maipresent ka na registered number.bumalik ka na lang kapag nakuha mo na ung impormasyon.

Y: sige ho, salamat. (nanggigil na sa inis)

 

 

Nakakailang palit na ko ng numero. Kadalasan sa mga kapwa blogger ko binibigay ang numero ko, kasi baka may kakilala akong makapagbigay ng number ko ke Big Bad Wolf. Pero sa di malamang dahilan eh kada palit ko, nakukuha at nakukuha pa rin niya, sino ang salarin? Malay ko ba! Kainis

 

SMS received this morning:

 

Hoy Yanah! Si BBW to (shempre hindi yan ang sinabi nyang pangalan nya..) Kunin ko ung mga bata. Dalawa lang ha.

 

Ako: deadmatic epek.. kiber kung magtext ng isang milyong beses. Nag-isip lang kung kanino na naman nya nakuha number ko.

 

Another SMS from him, before lunch:

 

Leche ka Yanah sumagot ka! Alam kong narereceive mo tong text ko! Sabi ko kukunin ko ung mga bata, un dalawa lang, hindi kasama ang may sakit. Ayokong mag-alaga ng may sakit.Andito ako sa Baguio ngaun.

 

(at this point, hindi na ko nakapagpigil, kaya sinagot ko ng….)

 

Ako: “hu u?”

 

Ayun…hindi na nagtext ulit! Bwahahahahahahahahahaha!

 

***** at least busy ako.. sabi nga ni MPoy, “tnx ur busy” .. ibig sabihin daw productive ako. kalain mo un! at least hindi ko naramdaman ang depression this time.

natawa ko may nagtext kaninang hapon:

JK: kamusta?

Ako: basa ako.

JK: talaga.gud.

Ako: wla kasi akong payong.

JK: ah. bumili ka. kala ko nagbabasa ka.

**** di ko alam kung matatawa ba ako o ano..eto pa ang isa:

Mike: oy, musta?

Ako: Oy ka din! ok naman. musta din? balita?

Mike: ayos naman. manila ka na?

Ako: ahhmmm diba magkatext tayo kagabi? pati nung umalis ako ng baguio, diba magkasabay pa tayo sa jeep? ahmmm ok ka lang?

Mike: teka, yanah?

Ako: hindi, hindi ako si Yanah. ako ang iyong kunsensya. tanga! sino ba akala mo?

Mike: ay sorry kala ko kasi si Abby ka.. sorry ha.

Ako: jusko! ang lapit ng A sa Y.. adik!

*********

salamat pala sa mga nagnominate at bumoto saken sa TABA 2010 na pakulo ni Zyra!.. hihihihi.. salamat sa 4 na awards.. bukas na lang ako magkakabit ng burloloy sa blog kapag naturuan na ko ni Tsi. oo na, ako na ang tanga! bleh!

*********

Busy ako the whole day… kung san-san ako nakarating..

Mula umaga: Novaliches – Manila Post office – Project 3 – Makati – Manila – Novaliches… ang saya lang diba? salamat sa mga naging human google map ko na sina MPoy at Joson! salamuch!

at dahil sa wala ako sa mood magsulat ngaun, (oo wala pa ko sa mood nya.. bwahahahahahaha) tama na toh..

 

babushki!

Nai-post sa BBW, conversation, kung ano-ano lang, kwento | 22 mga puna

Anu daw? Kung Anu-Ano Lang. Wala Lang.

Oftentimes, we choose to remain friends with those people that we like – so that we can keep them FOREVER. you seldom find happiness now adays kaya when you find yourself looking at it… dont turn your back on it… it may never come back again…and it will leave you full of regrets and broken..

wag masyado mag fall ng mag fall, dahil alam naman natin na napakahirap bumangon… youve been there before, not just once, but a couple of times before.. you should have known better than to invest on something that shouldnt be

“kadalasan may explanation kapag sinasabing “i fell in love” pero kapag ang sinabi na eh “ive fallen out of love” paano mo ipapaliwanag?

“kapag buo ung loob mo sa isang desisyon na ginawa mo, kahit anong pangungulit at pang-aakit ng mga tao sayo, hindi magbabago ung desisyon mo.”

alam mong masakit malaman ang katotohanan.
kaya hinayaan mong maniwala ka sa kasinungalingan.

maraming bawal na bagay ang nagkalat.
pag ginawa mo..masaya ka..mahuli ka..patay ka!


Nai-post sa kung ano-ano lang, Random | 16 mga puna

And it goes on and on and on

 

I find comfort in doing simple things.. for other people… i love giving surprises, i enjoy making other people smile around me.. even those who were far away. There is this contentment feeling everytime i do things for other people despite the fact that im in deep shit. I love what Im doing. I feel and believe I’m a people person. I love interaction. I love conversation. I love companionship. The fact that I’ve got 457 contacts in my phonebook makes me smile. But at the end of the day, I still feel stupid, tired, battered and alone. Out of all those 457 contacts, how many would be willing to sit down and watch the sunset with me? How many of those 457 would be willing to talk about nonsense with me? Its sad.

Some people judge you with the way you handle things. They looked as if youre this kind of person with the things you do. I am 110% full of problems, believe me, they’re a lot and growing fast… How do i handle them? I sit, pray, talk, laugh and do things for other people. But most of the time, i get and feel scared and I cry, question and sometimes deny.. 95% of the time im depressed…..a few years back, ive been diagnosed with bein manic depressive.. there, the cat’s out in the bag already.. been into psychiatric treatment to help treat my overpowering depression, i wasnt able to overcome the depression, but I am not the suicidal type. I just get depressed most of the time. There were times when im sooooo depressed for several days… but thats just it, i dont do anything that will harm other people much more myself. I just tend to feel sad about a lot things, think a lot and feel sorry for everything, but after depression, im ok.. im alright. I know sometimes its not healthy to be that way, but I cant help it. Thats just the way I am.

I guess Ive written too much already. In this blog, you’ll see not just my positive sides ( as if there’s a lot of positivity to see in it hahaha) but also Yanah’s dark side.. Why am I doin this? I dunno. I just wanted to.

Why the english post? For a change…

Title’s connection with my post? Dunno. Photo’s connection with my post  or title? Dunno.

Nai-post sa shout | 11 mga puna

MRT To The Ends Of The Earth

Tuesday.

Bangag sa  puyat. Hindi nakatulog ng ayos.. alas tres na umuwi.. san galing? nagpalipas ng sama ng loob. Lol. parang pumi-pitik-pitik na ang sakit ng ulo. deadma. naligo, lumayas. nag-MRT..

MRT.

To the ends of the earth ang haba ng pila.. kaliwa’t kanan.. di mo makita ang dulo. Mula sa pinagbabaan ko ng FX, malayoooooong-malayo pa ang nilakad ko para marating ang dulo ng pila. Naipit ang paa sa loob ng MRT. Kamuning Station, may nagpasabog ng lagim. Sakit sa ulo. Samyo ko lahat. Maarte ako. OO. nagspray ako sa himpapawid ng alcohol. Matanggal lang ng kaunti ang kadiliman. Nakikipagbalahuraan ke MPoy sa text, at nakikipaglokohan ke Nafa sa txt din. Ang  bagal ng takbo ng MRT parang may prusisyon.. hindi tour train.. nagbasa, tinapos ang PS I Love You ni Salbe. Shaw blvd station.  Nasiko ang ulo, solid. Masakit. Hindi man lang nagsorry. Tinaasan pa ko ng kilay. Ubusin ko kilay nya pati mata isa-isa eh. At this point, masama na ang timpla ko. Ang pitik-pitik na headache, super throbbing na. Nararamdaman ko na ang panghihina. Lol.

Nakarating sa destinasyon. Nagawa ang dapat magawa. Lumipas ang maghapon, oras na ng pag-uwi. Well, actually hindi pa. Pero nagdecide na umuwi ng early dahil kay headache.

MRT once again. Nakaupo. (Swerte) Chaka ng katabi ko. Chaka na ang jontot pa.. (swerte pa rin ba?) lalong sumakit ang ulo ko. Oo, ako na ang choosy sa amoy ang ilong. baket ba?!

Trinoma. FX. jusko.. necessity na mas malaki pa sa akin ang tatabi saken sa harap? Hindi ako makahinga for how many minutes. Ewan. ang jurassic traffic pa. Hindi ko alam kung gano katagal ako comatose sa loob ng FX. finally, nakikita ko na liwanag handog ng Meralco. Lumiko na ang FX senyales na malapit na akong bumaba. Babaan na! yey! finally, Fresh………. walang fresh air! amoy sangkaterbang ewan. Headache tumitindi.

Tricycle. Wala ng bukas kung magpatakbo. wlang pakialam sa lubak. Natatagtag ako. (feeling jontis? hindi. mukhang jontis lang hahaha) nauntog pa ulo ko sa makalawanging tricycle. mamatay ka dun. hindi dahil sa aksidente kundi sa tetanu.. bwahahahaha ang bad ko lang.

Bahay. Idlip ng 10minutes. pagmulat ng mata….

Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
Sa batibot,
Sa batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)

Shempre hindi ako kumanta. tinesting kung makakareg sa unlimited net surfing ng globe.. swerte. nakapsok. nagpabili ng gamot ke Bb. Salbe. oras na ng kainan. lumamon sa labas. uminternet habang lumalafang.. eto, ginagawa tong walang wentang post na to habang sinasawsaw ung tapa sa suka na may sili.. SARAAAAPPPP!

Oras na umuwi. Pero tinatamad pang tumayo. Hindi ko pa ubos ung iced trea ko. adik lang. kaadikan binitbit sa tapsihan ang taptap makapag update lang? sauce! ako na!

O, tama na toh. I think dapat na akong umuwi. I think lang naman.

 

****arvin, by the time ok na ko.. wala ka na sa shaw.. 😦 bukas na lang

 

Nai-post sa kung ano-ano lang | 35 mga puna

Saturday. Caleruega. Realizations. Reasons. Life. Pain.

“its gonna hurt before it gets better”

Sabi nila yan.. maniniwala ba ko? hmmm siguro.. subukan kong maniwala.. what have i got to lose? umi-english.. oo, baket ba?  ung mga tao kase dun sa pinuntahan ko kanina umi-english.. mga konyotik fifol, nahawa tuloy ako.. they’re like super ingay u know, and they’re like all over the place, super kairita, kase i was like trying to relax, to soul search, to assess (mali yata sfell.. wanakoker!) myelf and my feelings tapos they’re were pakalat-kalat over there with lots of kairita noises. super kainis talaga.

i was up around 5:15 this morning, didnt even wait for the sound of my alarm, i was awakened by i dont know why.. basta bigla na lang akong nagising..kahapon pa lang ay naiplano ko na ng ayos ang lakad ko for today.. i needed time for myself.. i needed a quiet place where i can think and try to set my perspectives ng maayos.. masyado akong cluttered.. im all over the place.. im a mixture of everything, from confusion, to nonsense hanggang sa pagiging hindi organize kasama..i needed to hear myself think.. kase the past few days all i can hear eh ung puso ko.. sigaw ng sigaw ng kung anu-ano sa tenga ko.. nakakabingi..

Caleruega…

Dyan ako nagpunta.. I arrived around 10 in the morning na rin.. 1 bus ride from Pasay tas tricycle..akala ko hindi ko alam ung lugar.. hindi lang pala ako nakaabot sa part na ito dati kase naman hanggang bungad lang ng Evercrest, dun kase kami nag retreat sa Charles Huang. wala akong photo ng Caleruega Church may wedding kase kanina kaya di ko napuntahan, didnt bother na rin to make silip.. wala lang.. bitter-bitteran lang ang drama..

Nung makita ko ung hanging bridge, narealize ko kung ano ang similarities namin.. ang buhay ko right now parang hanging bridge… nakasuspend sa air.. kapag kinalas mo ang isang materyales, magiging mahuna, eventually bibigay..


kung kasing dali lang sana ng dumadaloy na tubig ang buhay ng tao..siguro magiging maayos ang lahat ng mga bagay-bagay.

Lantern yata eto.. honga, lantern yan..

Gusto kong magsilbing kakaibang klase ng ilaw na magbibigay liwanag sa mga madidilim na bahagi ng buhay ng mga taong importante sa akin, pero paano ko gagawin un kung ako mismo eh nasa dilim?

Sa dinami-dami ng inikot-ikot ko, hinayaan ko pang maconfuse ako at maligaw.. un din pala.. babalik din ako kung san ako nagsimula.. sa Kanya din pala ako babalik para makahanap ng sagot at kapayapaan..

Yesterday, all ive been thinking was how to get away from everything. I needed to get away.. and so the sudden Caleruega trip….when i Got there, i roamed around for a few minutes.. and in one of the ..

I sat, stayed for several hours.. i finished a book, i wrote something.. i ate my sandwich.. thought a lot.. and i cried and i talked to Him.. Weve talked a lot.. wala akong madinig sa sagot from Him pero alam ko kinakausap Nya rin ako…naramdaman ng puso ko eh. I cried a lot.. realized a number of things…. and i felt better…. Hindi ko man nakuha lahat ng sagot sa mga katanungan ko at least ngayon kahit papano, matatahimik ako pansamantala.. matutong maghintay kung anu ang mangyyari. Maaring hindi ung gusto ko ang mangyayari, pero bahala na.. Im lifting everything up to Him. alam Nya kung ano ang makakabuti para sa lahat, maaring maging masakit.. pero .. hmmm bahala na..

 

Live and Let God..

Nai-post sa acceptance, blessing | 17 mga puna