I Lost My Ear When I Lost You.. And Yes, I Definitely Lost My Mind And Heart As Well…

Ang ingay sa labas.


Mga batang nagsisigaw habang naglalaro ng piko, habulan, taguan pong, patintero at langit-lupa. Mga nanay na nagchichismisan tungkol sa buhay-buhay ng mga taong nakatira within 5km sa kinatatayuan mismo nila. Mga tambay sa kanto na umaga pa lang eh nag-iinuman na. Mga naglalaro ng bingo habang karga-karga ang kanilang mga anak na uhugin. Di man lang pakainin muna at paliguan bago pumuwesto sa binggohan.  Mga naglalaro ng tong-its. Magdamagan, malakihan ang taya. Mga nagmimiron sa mga taong nagsusunog ng kilay sa paglalaro ng tong-its. Sa kabilang panig, mga binatang naglalaro ng basketball, habang nasa gilid ang mga kadalagahang nagsisipagtilian sa tuwing makaka”shoot” sa basket ang kanilang mga “crush”.

Maingay. Nakikita ng mga matang kong maingay sa buong paligid. Nakikita ng mga mata kong magulo sa labas, ala ng isipan kong isang napakaingay at napakagulong eksena ang naghihintay sa akin sa oras na itapak ko ang aking mga paa sa labas, pero….

Bakit hindi ko ito marinig?

Bakit hindi kita marinig?

Advertisements
This entry was posted in acceptance, broken. Bookmark the permalink.

16 Responses to I Lost My Ear When I Lost You.. And Yes, I Definitely Lost My Mind And Heart As Well…

  1. cheesecake ay nagsasabing:

    a typical filipino community hehe

  2. MPoy ay nagsasabing:

    naalala ko ang eksena na yan noong nasa pandacan ako. 🙂

  3. LordCM ay nagsasabing:

    malamang kinain ng emosyon mo ung tenga mo kaya di ka makarinig…try mo gamitin isip mo para kahit papaano makarinig ka lolzz

  4. Bhing ay nagsasabing:

    di mo marinig kc ikaw mismo nabibingi na sa katahimikan na iyong niyakap 🙂

  5. salbehe ay nagsasabing:

    Baka may nakasalampak sa tenga mo?

  6. Banjo ay nagsasabing:

    mayron ka lang isang pinakikinggan, kaya ang bagay sa iyong paligid hindi mo naririnig. sbi mo nga sa title pa lang. siguro ang awit ng ibon ang iyong inaantabayanan, ang kililing ng palamuti sa may halamanan. ang lagaslas ng tubig sa ilog. yan ang iyong nais na mapakinggan. ngunit paano? sa muling pagbabalik ng nawala sayo.

    gandang araw po… 🙂

  7. MidNytDriver ay nagsasabing:

    dahil baka hindi mo sya hinahayaang madinig?
    Wag mo kasing masyadong isipin para maramdaman mo ang mga nangyayari sa lugar na kung saaan ay naroon ka!

  8. dlittlegirl ay nagsasabing:

    namamanhid ka na siguro kaya hindi ka makarinig.
    kelangan mo nanaman sigurong mag-unwind. sama nga!

  9. khanto ay nagsasabing:

    baka kaya hindi marinig dahil…. dahil…. sya lang. sya lang ang musika na hinahantay ng tenga.

  10. Super Balentong ay nagsasabing:

    cotton buds lang katapat nyan.

  11. Bino ay nagsasabing:

    bka bingi o nagbibingi-bingihan

  12. kikomaxxx ay nagsasabing:

    kasi naman kasi nabibingi ka na sa ingay..w ahehehe

  13. kamil ay nagsasabing:

    parang iba yung naisip ko.. pero anyhoo… okay lang yan..time para maging silent ang buhay mo.. siguro yan ang sign na time yan para mag-isip isip at mag muni muni ka muna

  14. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Tanggalin mo ang headset mo, saka hinaan mo ang volume, baka marinig mo na siya.

  15. Yow ay nagsasabing:

    Synesthesia ata ang tawag dun. Nakikita mo ang ingay, naririnig mo ang kilos. Parang ganun. Ang epal ng comment ko. Haha

  16. jason ay nagsasabing:

    ganyan din sa building namen… yung kuya ko nga binansagan pang champorado girls yung maiingay sa labas

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s