Hindi Ako Nagpayong Kasi Umuulan, Baka Mabasa. Sayang Ang Kawawang Payong Ko.


Ang payong, rain or shine nagagamit. Kapag umuulan, ginagamit mo yan para hindi ka mabasa at shempre kapag ‘shine’.. ano pa nga ba eh di pananggalang sa init ng araw. May iba pa ding silbi ang umbrella ella ella eh. Depende sa haba at laki nito. Kung maliit lang ung payong mo, tipong folding umbrella… pwede mo ng ipanghambalos yan sa ulo ng kinaiinisan mong tao.  Kapag naman mahaba…..ang payong mo.. pwde mong ipanungkit ng panty mo na nakasabit sa sampayan sa labas ng bintana mo. Diba ang useful ng umbrella ella ella eh sa daily living natin. Pero alam mo ba kung saan sya pinakamasayang gamitin ang payong? Kung makita mo ang sarili mo na may kasukob sa payong mo.. ung makita mo na may kagitgitan ka para magkasya kayo sa iisang payong para hindi mabasa ang isa ng pumapatak na ulan.  Ung tipong, magkapatong ung mga kamay nyong nakahawak sa hawakan ng payong. Yung tipong… nagtatawanan kayo kasi hindi nga kayo magkasya sa iisang payong at nagiging walang silbi na ito dahil parehas na kayong nababasa. Tila mga batang sira ulo na humahagikhik habang nakapayong (at nababasa) sa gitna ng ulan.

May nagtanong…

“Wala ka bang payong?” “Bat kasi hindi ka bumili ng payong mo?”

Sinagot ko ng:

“Meron.. hindi ko lang dala. Ayokong gamitin, mababasa eh.”

Parang ikaw lang.. ayaw kitang isipin.. kasi mababasa na naman ng luha ung mga mata ko pag inisip kita. Bwahahahahaahahahhahhaahhaha shempre.. joke lang yan! 😛 at walang konek to sa payong. lol

Advertisements
This entry was posted in kung ano-ano lang, love, love story. Bookmark the permalink.

25 Responses to Hindi Ako Nagpayong Kasi Umuulan, Baka Mabasa. Sayang Ang Kawawang Payong Ko.

  1. LordCM ay nagsasabing:

    mas maganda kung kapote, tapos dalawa kayo mag se-share sa iisang kapote 😀

  2. jay ay nagsasabing:

    sukob tayo…kaw dpat mabasa ..ako ndi…okies?:))

  3. MPoy ay nagsasabing:

    sabi ko nga sa officemate ko noong sabay kami umuwi (naulan noon e)….

    “wag na tayong magpayong…sayang mababasa e….tara na..takbo na tayo..”

  4. duking ay nagsasabing:

    very informative na post tungkol sa payong at mga gamit nito. sa susunod pag usapan naman natin ang tungkol sa takure.

    lilipad…lilipad! lily pod!!! takureeeeeeee!!!!

  5. Banjo ay nagsasabing:

    kapote din gamit ko, di pede payong sa motor hehehe.. joke

    maganda ang post mo, oo nga naman, maganda may kasukob ka sa payong, pero may magandang magpakabasa sa ulan na kasama mo ang kasukob sa payong.. 🙂

  6. kikomaxxx04 ay nagsasabing:

    how about magpayong ka nalang te pag-iiyak ka.. wahhahaha… una ang cheesy ngayon naman ang emo..w ahehhe..

  7. citti ay nagsasabing:

    ni-imagine ko naman ung magkapatong ang kamay na nakahawak sa hawakan ng payong…hang sweet! *kilig mode* lol

    cguro mas kilig kung wag ng magpayong at hayaan nalang mabasa pareho pero magkahawak ang mga kamay. hahaha!

    batukan mo nalang ng folding umbrella yung nagpapaiyak sau…ahahaha!

  8. Yow ay nagsasabing:

    Hindi pa tagulan. Haha. Kaya wala pa tayong mamasukob, hintayin natin ang maulan na panahon at tayo’y magsukuban ng walang humpay. Haha.

  9. dlittlegirl ay nagsasabing:

    kung hindi mo gagamitin ang payong mo sa ulan, anu pang silbi? para ka lang din bumili ng lapis na hindi mo tinatasahan dahil nga “sayang”.

    mas masarap ang meron kang kasamang nagtatampisaw sa ulan. lalo’t alam mo na hindi iindahin ng kasama mo ang magmukhang tanga kayo. meron at meron ding makikisukob sayo, who knows, baka willing pa syang hawakan ang payong mo para sayo. baka lang kase yung makikisukob sayo e tulog pa.

    :-j

  10. salbehe ay nagsasabing:

    Ang P, kapag hindi nababasa, nagsasara yan. Kaya kung ayaw mo gamitin, pagamit mo sa iba.

  11. adang ay nagsasabing:

    may gamit pa ang payong lalo na yung malaki, pantakip sa mga babaeng umiihi sa gilid ng kalsada, (minsan may nakita ako nyan sa gilid ng express way 🙂 napadaan po

  12. kamil ay nagsasabing:

    ganda ng banat.. “Parang ikaw lang.. ayaw kitang isipin.. kasi mababasa na naman ng luha ung mga mata ko pag inisip kita.”

    hahahah.. hmmmm marami akong kakilala na ganun.. hindi ginagamit kahit may payong… tinatamad na mabasa ang payong.. lol… okay lang ako pag-pawisan sa sikat ng araw…wag lang ako dumami sa basa ng ulan!

  13. MidNytDriver ay nagsasabing:

    Kapag hindi mo ginamit ang payong mo, hindi mo malalaman kung gaano to katibay. Kung kaya ba nyang sumagupa sa naglalakasang ulan ng buhay oh sa init na dala ng yong paglalakbay.

  14. jobologist ay nagsasabing:

    …sukob na…halika na…sabay tayo sa payong ko…napakanta lange hehehe

  15. Bhing ay nagsasabing:

    panungkit ng panty??? hahahaha! adik!

  16. Zyra ay nagsasabing:

    BEST EMO POST ito para next year, dapat may matching BG music pa to eh —- “tuwing umuulan at kapiling ka”

  17. khanto ay nagsasabing:

    ella… ella… e…e…

    madaming purpose ang payong sa life. Pero masaya pag ang payong ay yung dambuhala, pede kayong maramihan sa payong para hindi na mababasa ng ulan.

  18. mangpoldo ay nagsasabing:

    “not all the time kelangan mo/nyo ng payong. minsan mas okey pa nga na nababasa ka ng ulan kesa kasukob mo nga sya sa payong pero mababasa lang kayo pareho. okey na yong ikaw ang mabasa ng ulan wag lang sya”

    yan ang litanya ng emo kong clasmate nung college kami. hindi pa emo ang tawag nun, melancholic. ang lalim lang.

    pero sa akin, wala nang sasaya pa kung kasama mo ang taong mahalaga sa yo rain or shine man yan ng todo todo. 😀

    okey lang mabasa ang payong, basta bumalik lang sa dati… pwedeng gamitin.

  19. jasonhamster ay nagsasabing:

    may naisip na tuloy akong pandagdag sa tshirt mong nakabuhol sa harap at checkered na palda.

    mamamama yukero

  20. busyok ay nagsasabing:

    dapat lagi mong nilalagay sa plastic yong payong mo para di maalikabukan. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s