Yanah’s 2011 List of Things To Do in Manila.. Yey!

Ang katotohanan eh madalas na kung saan-saan tayo nakatingin, kung anu-anong pinagpapansin na hindi naman relevant sa buhay natin kaya hindi natin nakikita kung ano ang siyang talagang kulang sa buhay natin. Kung ano talaga ang kailangan natin. At kung ano ba talaga ang dapat nating gawin.

Masyado kasi tayong busy sa pagoobserba sa mga tao, bagay, pangyayari na wala naman kinalaman sa buhay natin kaya nalilimutan na natin ung mga pansariling issues natin. Hindi na natin nagagawang pagtuunan ng pansin ung mga pansariling ahmmmm hindi ko maisip un

Hindi rin masama na kung paminsan-minsan eh bigyan natin ng konting oras ung sarili natin na magmuni-muni, isipin ang iba’t-ibang pangyayaring naganap/nagaganap at magaganap. i-assess ang sarili natin kung ano ba talaga ang gusto natin mangyari sa buhay natin. Para naman hindi umabot sa puntong ke tanda-tanda mo na wala pa ring direksyon ang buhay mo..

At dahil jan, naisipan kong gumawa ng listahan ng mga gusto kong gawin itong taon na to.. mga bagay na gusto kong gawin dito sa Maynila….walang konek to sa nasa taas, wala lang.. walang pakelamanan at basagan ng trip, blog ko to! bleh!

>>>>>Gusto kong sumakay sa PNR – ย gusto kong maranasan sumakay sa tren na to, gusto kong lakbayin ung buong ruta ng PNR. (may mangilan-ngilang tao na kong nakausap na gusto rin nila to. ahihihi so, hindi ako nag-iisa! bwahahahaaha)

>>>>>Gusto kong sumakay sa ferry (ferry nga ba un?!) ung umiikot sa buong Pasig River. Gusto kong malaman kung maamoy ko ang baho ng ilog Pasig habang lulan ako ng “ferry” na to.

>>>>>Gusto kong pumunta ng Ocean Park.. ย ako na ang napakaloser na tao na hanggang ngayon eh hindi pa napupuntahan ang Ocean Park. Eh kase gusto ko pumunta kapag andito na rin sa manila ang mga “daga” para sama-sama together ang drama namin, diba?

>>>>>>Gusto kong magpapictorial sa Intramuros. Oo, pictorial.. walang pakealaman ha.. 50inches thick ang fez ko dahil blog ko to. kiber. bwahahahahahaahah

>>>>>>Gusto kong kumpletuhin na mapuntahan ang lahat ng malls dito sa NCR at patayin ang isang escalator nila. Nagawa ko ng minsan to sa glorietta, gusto ko ulit ulitin, sa iba’t ibang malls. Hindi naman sya dangerous or something, papatayin ko lang sya , at titigil sa pag andar ung eskeleyter. Wala naman masasaktan.

>>>>>>Gusto kong pilitin ung sarili ko na magustuhan ang MOA. Hindi ko gusto ang MOA. Bakit? Ewan ko din. Kaya, may pagngi-ngitngit ako pag sinasabi ng mga taong kikitain ko na sa MOA magkikita. Bukod sa hassle na mararanasan mo sa pagpunta dito eh kasi naman pihadong maliligaw ako sa loob. Ako na ang ligawin!

>>>>>Gusto kong magconcert sa Araneta Coliseum ng isang gabi, matupad ang pangarap kong maging singer for one night. tutyalin pa at sa Araneta Coliseum. Libre ticket para sa masa. Kaso siguradong walang pupunta dahil mas pipiliin ng mga taong matulog kesa pag-aksayahan ng panahon si Yanah wannabe songer lol. At shempre isang malaking joke lang yan! Oo nga, joke lang yan. wag kaย mambasag jan!

>>>>>>Gusto kong alamin kung ilang oras/minuto/segundo ang itatagal ko sa MRT/LRT1/LRT2 kung susubukin kong magroundtrip ng 10 beses na sunod-sunod, ung tipong walang babaan.

>>>>>>Gusto kong dalhin ulit ang mga daga sa manila zoo. This time kumpleto na sila. Last time kasi, dalawa pa lang ang nadala ko dun, dapat ngayon, tatlo na sila.

>>>>>Gusto kong magvideoke ng bonggang-bongga kasama ang mga blogger friends na mahihilig bumirit sa pangunguna ni Josonnnn at ng blogger singer na si kuya Joel! ahihihi

>>>>>At shempre, gusto kong maibaba na dito sa Kamaynilaan ang mga “daga”. Super namimiss ko na sila. Dahil hindi sapat ung dalawang araw na inilalagi ko sa bahay. Nakakamiss ang pagbabangayan ng mga magkakapatid na “daga”. Ung tipong un ang gigising sayo sa umaga….hmp, ayoko na.. naiiyak na ko. hmp! lol

uhmmmm sa tingin ko, yan na lang muna.. dadagdagan ko na lang kapag nakaisip pa ko ng kabulastugang maidagdag dito. ahihihihi

Advertisements
This entry was posted in kung ano-ano lang, manila. Bookmark the permalink.

44 na mga sagot sa Yanah’s 2011 List of Things To Do in Manila.. Yey!

  1. kamil ay nagsasabing:

    gusto ko din sumakay sa PNR… di ko pa ntry.. maganda na daw ngayon kase aircon… gusto ko din mag picture sa intramuros at pumuntang ocean park (di ka nag-iisa). akala ko kung sinong mga daga na yung tinutukoy mo hahahahaha

    goodluck.. kayang kaya yan ate yanah!

    • Zyra ay nagsasabing:

      wahihihi dami badge —>
      hihi
      aku nakakasakay aku PNR, un kasi papuntang PUP ๐Ÿ˜›
      naku mamamatay ka dun dami tao, aircon nga, di naman ramdam.
      hihihi sama din ako manila zoo at ocean park.
      gusto ko rin magsama ng kuneho dun hihihi

      • YanaH ay nagsasabing:

        oks lang un ahihii.. ekspiryens lang ang hanap ko hahahaha
        dapat tutoong kuneho ang dadalhin mo para makalaro ng mga “daga” ko.. ilang kuneho ba ang balak nyong gawin ni lester? haha

    • YanaH ay nagsasabing:

      uu, kaya toh.. january pa lang naman.. may 11 months pa ko para magawa lahat yan hehe

  2. bino ay nagsasabing:

    gusto ko dumami pa ang awards mo tulad nung nasa right sidebar mo na pinakyaw mo lahat wahahaha

  3. Banjo ay nagsasabing:

    sabay tayo sumakay sa PNR.. gusto ko din yan, yun kaadikan na pagpatay ng eskaleyter eh ikaw na lang marekoy hehehehe… ung pumunta sa ocean park, ayaw ko na hehehe.. been there na, at tama na ang once lang.. hindi na uulit ulitin hahaha.. ingat lang marekoy sa MRT ha hehehe…

    gandang araw yanah… ๐Ÿ™‚

  4. jason ay nagsasabing:

    jusko! hahahahahahahahah

    tara game!!!

  5. kikilabotz ay nagsasabing:

    di ko nga rin alam yung pnr..hahaha. ako na ang kawalang alam..hehe. uhmm mga gusto mo gawin uhmm dalawa dun ang gusto ko rin. yung sumakay sa ferr at pnr. hehe

  6. jay ay nagsasabing:

    gusto kong hambalusin ka ng 5inches mong takong sa noo na may lagutok ng kaunti,at sa ilong para matauhan ka sa mga konsert konsert drim dream mo na yan,,,lolz

  7. LordCM ay nagsasabing:

    ayaw ko na mag stay jan sa manila, yun lang!

  8. bonistation ay nagsasabing:

    parang probability stat ang usapan! hahaha! natawa ko sa sirain ang escalator haha ikaw na nga ang panira!

  9. MPoy ay nagsasabing:

    nakasakay na pala ako ng PNR… mula Laguna hanggang Pandacan…

    ako ang nagsabi sa sumakay ng ferry… gusto mo na rin yon?

    tara… pictorial tayo sa intra intra muros muros….. hahaha… hiram ka cam cam… hahaha!

    SIGE, try mong alamin… tapos sabihin mo sa amin kung ilang oras.minuto.segundo. okey?

    very good… mag volunteer ka ng dalhin ang mga daga sa zoo.

    ikaw na ang singer!

    sinong mga daga? sila yong ilalatag mo sa manila zoo? lol!

    subukan mong isipin na ang MOA ay yong taong patay na patay ka… tiyak…. magugustuhan mo na ang MOA. hhahaha!

    feeling mo ikaw si ATE SHARON CUNETA?
    naka one point ka na sa escalator… ikaw ang salarin kung bakit nasira ang escalator sa ayala.. bwahaha.. syempre joke lang! Lol!

    • YanaH ay nagsasabing:

      leche ka! ayaw mo magcomment noh?
      wala ka sa mood hinayupak ka. major major *eye roll*
      si kontrabida ka! tseeeee
      ayheychu!
      bwahahahaha

      pero sinong nasermunan kanina? hahahah strike 2 lol

  10. Leah ay nagsasabing:

    Nakow!! Ako rin, gusto ko lahat. hahaa… pero dapat sa lakwatsa ko, dapat meron talagang kasama.. wala akong mamuwang-wang sa mundo ng mga tagalog. Baka maligaw ako at ma-reyp, mahirap na.. ๐Ÿ™‚

    • YanaH ay nagsasabing:

      ok lang maligaw! hahahahaha hobby ko yan eh.. pero ang ma-rape.. hala.. iskeyriiii! tama! dapat may kasama ka! police force.. tawag tayo ng pulis pang galaxy

  11. dlittlegirl ay nagsasabing:

    pers op all, anu ba yung PNR?

    second, since gusto mo aman din magroundtrip x10 sakay ang MRT/LRT, tara. kase gusto ko din yan.

    third, i looooooooove MOA. tseh! hahaha!

    fourth, meron ng ferry sa pasig?! *gulat*

    teka nga muna, pwede bang sumama kame ni Darryl ko sa ocean park??

    • YanaH ay nagsasabing:

      PNR – phil natl railway

      yey! gusto natin parehas!

      i hate MOA.. tse!

      uu, meron na! mukhang maganda

      eh di hintayin na lang namin ang bakasyon mo? lol mukhang riot toh, makakasama ng mga daga si darryl! yey!

  12. Madz ay nagsasabing:

    hindi pa rin ako nakakapunta sa ocean park :))

    • YanaH ay nagsasabing:

      magsked tayo ng pagpunta.. ahmmmm pwede bang antayin natin ang mga daga at sabay-sabay tayo magpunta? lol.. pwede nyo rin sila alagaan habang magkakaksama tayo hahahaha

  13. Bhing ay nagsasabing:

    yanah, baka pwd mo pa ako maantay papunta ng Ocean Park, gsto ko rn makarating dun ๐Ÿ™‚

  14. adang ay nagsasabing:

    di pa rn ako nkkasakay sa PNR hehehe, gusto ko din sumakay dun.
    gusto kung isumbong sa guard yung pumapatay sa escalator, hehehe, peace

    • YanaH ay nagsasabing:

      bad ka! hahaha
      nung time na ginawa ko un muntik na kong mahuli hahaha kase naman hindi ako nakalayo agad dun sa eskeleyter kase nakaheels ako nun may kadulasan, baka mamaya sa kakamadali ko eh makipagkissing scene ako sa sahig ng glorietta.

  15. SuperGulaman ay nagsasabing:

    wahehehe… gusto ko ding pumunta ng Manila Zoo… ahahaha… hindi pa ako nakakarating dun… pero pero taga Metro Manila lang nmn ako… ahahaha… ๐Ÿ˜‰

  16. salbehe ay nagsasabing:

    Bakit hindi ako kasama sa mga blogger friends na mahihilig bumirit? Hindi mo ba ako friend? O ayaw mo akong bumirit?

    • BM ay nagsasabing:

      oo nga, eh si salbe pa naman ang nag-aaya mag videoke. tara na lang salbe bumirit. haha.

      game ako dyan, huwag naman alas onse ng gabi ang simula, mga ala-una naman para tamang tilaok na ng manok!

  17. cheesecake ay nagsasabing:

    once pa lang ako nakapunta sa MOA.

    bakit pa kasi ako pupunta dun e malapit naman sa amin ang-
    SM Novaliches
    SM Manila
    SM North
    SM Fairview
    SM San Lazaro

    lol

  18. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Maganda ‘yan.

    Alam mo naman pala eh. Sige na. ๐Ÿ™‚

  19. xprosaic ay nagsasabing:

    UU bago na raw kasi ngayon ang PNR… hehehhehe at yung escalator nagawa ko na rin yan noong college pa! nyahahahhaha… at nakapagconcert na rin ako… hindi nga lang sa aaraneta pero maraming tao… dinaan na lang sa porma! wahahahhahahaha

  20. MidNyt Driver ay nagsasabing:

    ako din.. mtagal ko na gusto sumakay sa PR.. sama ko ha ๐Ÿ™‚

  21. Katt ay nagsasabing:

    try mo ung ferry. na-curious din kasi kami nung frend ko dati kaya sumakay kami, exciting sa una kasi first time, pero naboring din ako.bagal kasi.haha bawal camera pag nasa tapat ng malacanang. its a matter of national security. chos meganun?
    ayoko din ang MOA, di ko rin alam kung bakit. hindi ka nag-iisa, hindi pa rin ako nakapunta ng ocean park.lol tsk…gusto ko na tuloy umuwi.

  22. khanto ay nagsasabing:

    san yang PNR?

    yung ferry gusto ko din masakyan.

    di pa din ako nakakapunta sa ocean park.\

    pero mas gusto ko unahin mag enchanted, di pa ako nakakapag-ek :p

  23. duking ay nagsasabing:

    ako…gusto ko lang matupad lahat ng mga gusto mo.

    magandang araw!!!

  24. kikomaxxx04 ay nagsasabing:

    ahhhk ako din pacopy paste ako.. wahahahaha

  25. asiong32 ay nagsasabing:

    hahaha! nakakatuwa naman…nakikita ko sarili ko sayo yanah! hahaha! galing ako ng baguio at lumuwas ng maynila last week ng november last year para maghanap ng work at marami rin akong gustong puntahan gaya mo kaso puro mall of asia, mrt at ayala lang napupuntahan ko kasi walang tym…hehe

  26. Pingback: Intramuros Day Tour.. – Check! | Life's A Twitch's

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s