Usapan. Nadinig. Text.

Overheard Conversation sa SM Manila Foodcourt

 

S1: tingnan mo tong fruit salad, may nakalagay na “E” sa ilalim, ano kaya ibig sabihin nun?

S2: Hala lagot ka! Antanga neto! Laki-laki na antanga pa! Wag mong kainin yan! “E” – means Expired! Bobo! Mamatay ka!

S1: Adik ka din eh! Bat nila ibebenta kung expired na?

S2: ah basta! Bahala ka! Kinain mo! Mamamatayyyyyyyyy ka na!!! Hala! Expiration date mo na today!

S1: Ewan ko sayo! Adik na to!

S2: akina na nga! Tingnan ko! (sabay tikim) (sabay subo ulit) (at sumubo na naman)

: Tang’nang fruit salad to, pinyapol salad to eh! Puro pinya! Di masarap! O sayo na! langya baka mamaya maexpired pa ko jan! Pwe!

 

*** kinuwento base sa pagkakadinig sa usapan ng dalawang estudyanteng ugok! Oo, ako na ang malakas ang pandinig!

 

 

Manila Post Office

 

Y: may mga requirements po bang kailangan para maclaim ko ung mail namin aside po from the authorization I have?

Post Master: wala na, Id lamang.

Y: ah ok po. Salamat naman.

Post Master: Sigurado ka bang ikaw tong nasa authorization letter mo?

Y: opo! Ako po yan, eto po ID ko oh, tingnan nyo.

Post Master: Hindi na kailangan, pwede naman mameke ng ID diba?

Y: eto po passport ko.. tingnan nyo.

Post Master: Eh hindi ba’t nababaklas ang Passport? Mangyari’y hindi ko masisiguro ang identity mo.

Y: Kaya nga po nagdala ako ng ID eh.

Post Master: Ineng, hindi nga sapat ang ID na dala mo para maniwala akong ikaw  tong si

*insert name here* na nakasulat dito sa letter na dala mo.

Y: eh anu ho ba gusto nyo para makasigurong ako nga yan?

Post Master: patingin nga ulit ng mga IDs mo..

(nilabas ang lahat ng IDs..isinama pa ang birth certificate at kung anu-anong resibo na nakapangalan saken)

: o sya sige, pupwede na siguro to.

Y: hayyyy, salamat naman po. So, pwede ko na po ba maclaim ung Mail ng PEBA?

Post Master: aba! Eh alamin mo muna kung andito pa sa amin, dun sa records section. Ibigay mo ung registered number at mailing date. Hala sige, pumaroon ka na.

Y: ha?! Eh wala po ako nun eh.

Post Master: Hindi mo sinabi agad. Nagsayang lang tayo  ng oras dito. Dapat may maipresent ka na registered number.bumalik ka na lang kapag nakuha mo na ung impormasyon.

Y: sige ho, salamat. (nanggigil na sa inis)

 

 

Nakakailang palit na ko ng numero. Kadalasan sa mga kapwa blogger ko binibigay ang numero ko, kasi baka may kakilala akong makapagbigay ng number ko ke Big Bad Wolf. Pero sa di malamang dahilan eh kada palit ko, nakukuha at nakukuha pa rin niya, sino ang salarin? Malay ko ba! Kainis

 

SMS received this morning:

 

Hoy Yanah! Si BBW to (shempre hindi yan ang sinabi nyang pangalan nya..) Kunin ko ung mga bata. Dalawa lang ha.

 

Ako: deadmatic epek.. kiber kung magtext ng isang milyong beses. Nag-isip lang kung kanino na naman nya nakuha number ko.

 

Another SMS from him, before lunch:

 

Leche ka Yanah sumagot ka! Alam kong narereceive mo tong text ko! Sabi ko kukunin ko ung mga bata, un dalawa lang, hindi kasama ang may sakit. Ayokong mag-alaga ng may sakit.Andito ako sa Baguio ngaun.

 

(at this point, hindi na ko nakapagpigil, kaya sinagot ko ng….)

 

Ako: “hu u?”

 

Ayun…hindi na nagtext ulit! Bwahahahahahahahahahaha!

 

***** at least busy ako.. sabi nga ni MPoy, “tnx ur busy” .. ibig sabihin daw productive ako. kalain mo un! at least hindi ko naramdaman ang depression this time.

natawa ko may nagtext kaninang hapon:

JK: kamusta?

Ako: basa ako.

JK: talaga.gud.

Ako: wla kasi akong payong.

JK: ah. bumili ka. kala ko nagbabasa ka.

**** di ko alam kung matatawa ba ako o ano..eto pa ang isa:

Mike: oy, musta?

Ako: Oy ka din! ok naman. musta din? balita?

Mike: ayos naman. manila ka na?

Ako: ahhmmm diba magkatext tayo kagabi? pati nung umalis ako ng baguio, diba magkasabay pa tayo sa jeep? ahmmm ok ka lang?

Mike: teka, yanah?

Ako: hindi, hindi ako si Yanah. ako ang iyong kunsensya. tanga! sino ba akala mo?

Mike: ay sorry kala ko kasi si Abby ka.. sorry ha.

Ako: jusko! ang lapit ng A sa Y.. adik!

*********

salamat pala sa mga nagnominate at bumoto saken sa TABA 2010 na pakulo ni Zyra!.. hihihihi.. salamat sa 4 na awards.. bukas na lang ako magkakabit ng burloloy sa blog kapag naturuan na ko ni Tsi. oo na, ako na ang tanga! bleh!

*********

Busy ako the whole day… kung san-san ako nakarating..

Mula umaga: Novaliches – Manila Post office – Project 3 – Makati – Manila – Novaliches… ang saya lang diba? salamat sa mga naging human google map ko na sina MPoy at Joson! salamuch!

at dahil sa wala ako sa mood magsulat ngaun, (oo wala pa ko sa mood nya.. bwahahahahahaha) tama na toh..

 

babushki!

Advertisements
This entry was posted in BBW, conversation, kung ano-ano lang, kwento. Bookmark the permalink.

22 Responses to Usapan. Nadinig. Text.

  1. SuperG ay nagsasabing:

    wahehehe…ayuz pla ang mga katextmeyt mu…manang-mana…. ahahaha… si manong post office nag-aadik din… ahahaha…

    inde pa ako nakakatikim ng pinyapol salad… ahahaha… 😉

    • YanaH ay nagsasabing:

      hoy superG! naaalala ko pa ung mga posts mo abt sa usapan nyo ng kapaitd mo ha.. kaya tumigil ka.. parehas lang tayo bwahahahahahhahha

      Ako din hindi pa, kaya wag mo na pangarapin lol

  2. Bhing ay nagsasabing:

    ang daming topic sa post na ito yanah!
    nag enjoy sa pagbabasa. gudluck sa pagpapapayat 😛
    see you soon girl!

  3. mangpoldo ay nagsasabing:

    inferness iha, humor blog ka na. wala ng emo post! eheheh

  4. kikomaxxx ay nagsasabing:

    hahaha kung kanina ang daming epic.. ito naman ay mga epic fail.. wahehe.. official home mo na talaga to te.. wahehe…

    ps sabihan mo kasi ng SWIPER no SWIPING.. hahhaa

  5. bino ay nagsasabing:

    so babalik ka ulit ng post office! at ikaw na ang hakotera sa awards! at yun lang ehehehehe

  6. xprosaic ay nagsasabing:

    Bwahahahahahha tangina naman yung post office oh! lol… Buti na lang biglang libreng gala na lang din! ahahahhahahaha… Ingats ka lagi! Galing lumusot oh… hehehehhehe

  7. khanto ay nagsasabing:

    pasaway si manong guard. sarap tadyakan. wahahahaha

  8. halojin ay nagsasabing:

    hello po? hehe tawa naman ako sa expiration nung salad ^_^ ska kay manong guard.. naku hehehe kung ako lang ang andun.. ewan ko lang hehehe

  9. salbehe ay nagsasabing:

    4 na awards? Bigyan mo naman ako ng kahit isa! =)

  10. Midnyt Driver ay nagsasabing:

    yeah.. hayup na post master yan.. hehe.. kaya nga ID eh.. tsk tsk.. congrats ga pala sa mga awards na napaalunan mo. 🙂

  11. duking ay nagsasabing:

    hinakot mo na lahat ng TABA.ikaw na yanah…ikaw na!

  12. izeleon ay nagsasabing:

    Uzi ka jan ah pero minsan masaya talaga ang maki-uzi sa usapan ng iba hehe! at least may entertainment ka habang kumakain para kang nasa comedy bar haha!

    Congrats pala, ang dami mo ng TABA awards! hehe!

  13. Banjo ay nagsasabing:

    mga adik ang nakasalamuha mo, malamang tinira ang albatross sa banyo hahaha.. at ikaw na talaga ang malakas ang pandinig.. narinig mo pa yon.. hahaha.. ccchheerrrzz marekoy…

  14. kamil ay nagsasabing:

    nakakabadtrip post office… totoo lang minsan nakakabadtrip mga government office… mga walang pake… di malaman.. hahah parang may tinatagong galit eh noh.. pero panalo lang yung usapan tungkol sa salad… hhehehe

    hellow ate yanah.. sensya na ngayon lang nakadalaw ulit… at weeehh CONGRATSSSSSSS dame mong hakot!!!

  15. Yow ay nagsasabing:

    Parang ang dami lang nangyari. Haha. Ang sama naman ni BBW. Wag mo na nga lang pansinin, nairita ako sa sinabi niya na ayaw niya daw mag-alag ng may sakit. Haha. Bwiset! Affected? Haha. Nar kasi eh.

    Ate, penge naman pic greet? 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s