MRT To The Ends Of The Earth

Tuesday.

Bangag sa  puyat. Hindi nakatulog ng ayos.. alas tres na umuwi.. san galing? nagpalipas ng sama ng loob. Lol. parang pumi-pitik-pitik na ang sakit ng ulo. deadma. naligo, lumayas. nag-MRT..

MRT.

To the ends of the earth ang haba ng pila.. kaliwa’t kanan.. di mo makita ang dulo. Mula sa pinagbabaan ko ng FX, malayoooooong-malayo pa ang nilakad ko para marating ang dulo ng pila. Naipit ang paa sa loob ng MRT. Kamuning Station, may nagpasabog ng lagim. Sakit sa ulo. Samyo ko lahat. Maarte ako. OO. nagspray ako sa himpapawid ng alcohol. Matanggal lang ng kaunti ang kadiliman. Nakikipagbalahuraan ke MPoy sa text, at nakikipaglokohan ke Nafa sa txt din. Ang  bagal ng takbo ng MRT parang may prusisyon.. hindi tour train.. nagbasa, tinapos ang PS I Love You ni Salbe. Shaw blvd station.  Nasiko ang ulo, solid. Masakit. Hindi man lang nagsorry. Tinaasan pa ko ng kilay. Ubusin ko kilay nya pati mata isa-isa eh. At this point, masama na ang timpla ko. Ang pitik-pitik na headache, super throbbing na. Nararamdaman ko na ang panghihina. Lol.

Nakarating sa destinasyon. Nagawa ang dapat magawa. Lumipas ang maghapon, oras na ng pag-uwi. Well, actually hindi pa. Pero nagdecide na umuwi ng early dahil kay headache.

MRT once again. Nakaupo. (Swerte) Chaka ng katabi ko. Chaka na ang jontot pa.. (swerte pa rin ba?) lalong sumakit ang ulo ko. Oo, ako na ang choosy sa amoy ang ilong. baket ba?!

Trinoma. FX. jusko.. necessity na mas malaki pa sa akin ang tatabi saken sa harap? Hindi ako makahinga for how many minutes. Ewan. ang jurassic traffic pa. Hindi ko alam kung gano katagal ako comatose sa loob ng FX. finally, nakikita ko na liwanag handog ng Meralco. Lumiko na ang FX senyales na malapit na akong bumaba. Babaan na! yey! finally, Fresh………. walang fresh air! amoy sangkaterbang ewan. Headache tumitindi.

Tricycle. Wala ng bukas kung magpatakbo. wlang pakialam sa lubak. Natatagtag ako. (feeling jontis? hindi. mukhang jontis lang hahaha) nauntog pa ulo ko sa makalawanging tricycle. mamatay ka dun. hindi dahil sa aksidente kundi sa tetanu.. bwahahahaha ang bad ko lang.

Bahay. Idlip ng 10minutes. pagmulat ng mata….

Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
Sa batibot,
Sa batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)

Shempre hindi ako kumanta. tinesting kung makakareg sa unlimited net surfing ng globe.. swerte. nakapsok. nagpabili ng gamot ke Bb. Salbe. oras na ng kainan. lumamon sa labas. uminternet habang lumalafang.. eto, ginagawa tong walang wentang post na to habang sinasawsaw ung tapa sa suka na may sili.. SARAAAAPPPP!

Oras na umuwi. Pero tinatamad pang tumayo. Hindi ko pa ubos ung iced trea ko. adik lang. kaadikan binitbit sa tapsihan ang taptap makapag update lang? sauce! ako na!

O, tama na toh. I think dapat na akong umuwi. I think lang naman.

 

****arvin, by the time ok na ko.. wala ka na sa shaw.. 😦 bukas na lang

 

Advertisements
This entry was posted in kung ano-ano lang. Bookmark the permalink.

35 Responses to MRT To The Ends Of The Earth

  1. khanto ay nagsasabing:

    hirap sa mrt, sari-sari ang posibleng makasabay. pareho kayo ni nafa, may connect sa tren ang wento 😀

  2. ABC ay nagsasabing:

    Nandito ka na pala sa wordpress. Kaya pala akala ko hindi ka na nag-uupdate, lumipat ka na pala. Nahirapan akong hanapin ka. Kumusta ka na Yanah? ahhh huwag mo ng sagutin, magbabasa na lang ako ng mga past entries mo. Natutuwa akong nagba-blog ka na ulit. Namiss kita Yanah, sobra!

  3. Yow ay nagsasabing:

    Habang kumakain pala nagawa ang post na ito? Partida pang masakit ulo niyan? Haha

  4. Bino ay nagsasabing:

    oo bukas na nga lang! at wag kang uulit kumain ng apple at gatas ng sabay! 😀 hehehehe

  5. pusang-kalye ay nagsasabing:

    nalala ko uli yung Cabanatuan post .hahaha. sabi ko naman su diba mas maraming kasumpa sumpa sa Manila. lahat, usok, pila, crowd, MRT, trycy. sabihin mo ang mga kamuhi muhing bagay, nasa Manila yun.lol–maghanap ka na kasi bahay sa medyo centro ng mundo.layo ng Nova. peace salbe.hahaha

  6. LordCM ay nagsasabing:

    *mas pinagtuunan ng pansin ang kumento ni alphabet kaya nawala ung dapat kong sabihin lolzz

  7. MidNytDriver ay nagsasabing:

    aw.. pasensya na ha, di ako nakareply, hindi ako naputulan ng line promise!

    kamusta naman ang MRT.. hehehe

  8. salbehe ay nagsasabing:

    It’s almost I’m reading my own life story. Nakanaks english yan! Natawa ako sa tric ride kasi tama ka! Hahahaha!

  9. Vajarl ay nagsasabing:

    Bwahahaha. Tawa ko ng tawa sa nagpasabog ng lagim. Antapag ni kuya! Hindi na nasindak sa mga karpintero people na uber wildz makipagtulakan!

    • YanaH ay nagsasabing:

      jusko ung mga karpintero people pa nga yata ung nakapagpaipit saken kahapon. anuverrr.. natawa ko sa kanina.. sabi mo karpintero katabi ko.. well unless si ate chaka eh pumupokpok (ng martilyo). hahahahaha

  10. Rudolf ay nagsasabing:

    Ate Yanah, nabalitaan mo ba yung nangyari sa escalator dun sa Ayala Station? Nakita ko yun nangyari, nakakatakot 😦

    • YanaH ay nagsasabing:

      zwei, istatyu?

      waaaaaaaaahhhh amisyu… hala hindi ko alam.. sayo ko nga lang nalaman tas i read it in your blog awhile ago.. grabe.. i was in ayala dat day pero evening na..

  11. BlogusVox ay nagsasabing:

    Pag ikaw ang nag kwento, exciting ang isang araw mong “happenings” na para sa karamihan ay ordinaryong sakripisyo araw-araw sa pag pasok at pag uwi galing sa trabaho. : )

  12. Banjo ay nagsasabing:

    napagod ako sayo marekoy hahaha.. salamats ng many.. hindi ko napansin na nawala ka sa list ko kaya hindi ako updated sayo.. now ok na.. naadd na ulit kita.. chhheeerrrzzz

  13. J. Kulisap ay nagsasabing:

    It’s almost I’m reading my own life story.

    Copy paste ang sinabi ni Salbe, intended for MRT experience.

    Kapag may umutot, umaantak ang nasal allergy ko. 🙂

    HI Ms Yanah

  14. Lhan ay nagsasabing:

    kahit masakit ang ulo, at kumakain,… hehehe post pa din! natawa ko sa MRT nakaupo pero majontot ang katabi! ahahaha

  15. kikomaxxx ay nagsasabing:

    hahaha te batibot parin ba kahit nagkakagulo na.. wahehehe

  16. YanaH ay nagsasabing:

    yeabah.. sa batibot… sa batibot lol

  17. nafacamot ay nagsasabing:

    haiz… hirap tlga mag mrt at lrt napakadaming aberya… nakakaalis ng lungkot at antok pag nagbatibot… hehehe…

  18. Richard ay nagsasabing:

    na-miss ko na tuloy sumakay sa MRT. araw araw na ang eksena na yan sa maynila. nakakmiss kahit papano. hehe

  19. jobologist ay nagsasabing:

    …sa amin pinagkakasya ang anim na tao sa trek…winner….fc kayo sa loob nang sasakyan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s