Saturday. Caleruega. Realizations. Reasons. Life. Pain.

“its gonna hurt before it gets better”

Sabi nila yan.. maniniwala ba ko? hmmm siguro.. subukan kong maniwala.. what have i got to lose? umi-english.. oo, baket ba?  ung mga tao kase dun sa pinuntahan ko kanina umi-english.. mga konyotik fifol, nahawa tuloy ako.. they’re like super ingay u know, and they’re like all over the place, super kairita, kase i was like trying to relax, to soul search, to assess (mali yata sfell.. wanakoker!) myelf and my feelings tapos they’re were pakalat-kalat over there with lots of kairita noises. super kainis talaga.

i was up around 5:15 this morning, didnt even wait for the sound of my alarm, i was awakened by i dont know why.. basta bigla na lang akong nagising..kahapon pa lang ay naiplano ko na ng ayos ang lakad ko for today.. i needed time for myself.. i needed a quiet place where i can think and try to set my perspectives ng maayos.. masyado akong cluttered.. im all over the place.. im a mixture of everything, from confusion, to nonsense hanggang sa pagiging hindi organize kasama..i needed to hear myself think.. kase the past few days all i can hear eh ung puso ko.. sigaw ng sigaw ng kung anu-ano sa tenga ko.. nakakabingi..

Caleruega…

Dyan ako nagpunta.. I arrived around 10 in the morning na rin.. 1 bus ride from Pasay tas tricycle..akala ko hindi ko alam ung lugar.. hindi lang pala ako nakaabot sa part na ito dati kase naman hanggang bungad lang ng Evercrest, dun kase kami nag retreat sa Charles Huang. wala akong photo ng Caleruega Church may wedding kase kanina kaya di ko napuntahan, didnt bother na rin to make silip.. wala lang.. bitter-bitteran lang ang drama..

Nung makita ko ung hanging bridge, narealize ko kung ano ang similarities namin.. ang buhay ko right now parang hanging bridge… nakasuspend sa air.. kapag kinalas mo ang isang materyales, magiging mahuna, eventually bibigay..


kung kasing dali lang sana ng dumadaloy na tubig ang buhay ng tao..siguro magiging maayos ang lahat ng mga bagay-bagay.

Lantern yata eto.. honga, lantern yan..

Gusto kong magsilbing kakaibang klase ng ilaw na magbibigay liwanag sa mga madidilim na bahagi ng buhay ng mga taong importante sa akin, pero paano ko gagawin un kung ako mismo eh nasa dilim?

Sa dinami-dami ng inikot-ikot ko, hinayaan ko pang maconfuse ako at maligaw.. un din pala.. babalik din ako kung san ako nagsimula.. sa Kanya din pala ako babalik para makahanap ng sagot at kapayapaan..

Yesterday, all ive been thinking was how to get away from everything. I needed to get away.. and so the sudden Caleruega trip….when i Got there, i roamed around for a few minutes.. and in one of the ..

I sat, stayed for several hours.. i finished a book, i wrote something.. i ate my sandwich.. thought a lot.. and i cried and i talked to Him.. Weve talked a lot.. wala akong madinig sa sagot from Him pero alam ko kinakausap Nya rin ako…naramdaman ng puso ko eh. I cried a lot.. realized a number of things…. and i felt better…. Hindi ko man nakuha lahat ng sagot sa mga katanungan ko at least ngayon kahit papano, matatahimik ako pansamantala.. matutong maghintay kung anu ang mangyyari. Maaring hindi ung gusto ko ang mangyayari, pero bahala na.. Im lifting everything up to Him. alam Nya kung ano ang makakabuti para sa lahat, maaring maging masakit.. pero .. hmmm bahala na..

 

Live and Let God..

Advertisements
This entry was posted in acceptance, blessing. Bookmark the permalink.

17 Responses to Saturday. Caleruega. Realizations. Reasons. Life. Pain.

  1. Bhing ay nagsasabing:

    nakarelate ako ng bonggang bongga. 🙂
    sanga sanga ang daan natinahak ko.tama ka, babalik at babalik pa rin tau sa Kanya.

    goodluck in ur journey Yanah! God Bless!

  2. Bino ay nagsasabing:

    i super love it 😀 maganda ung place maliban na lang sa mga maiingay na estudyante. hehehe. God bless insan 🙂

  3. Rainbow Box ay nagsasabing:

    i’m at envy. i may post a lot of cheesy stuff, nakikipagharutan sa mga thread at parang wala lang, but i also need time to think. marami ding isinisigaw ang isip ko pero ipinagwawalang bahala ko. hindi ko pinapansin… ayaw kong pansinin. my problems are not as big as others, pero i too… am lost. i find comfort sa loob ng kwarto ko, pag naninigarilyo, at pag nandito sa cyber world.

    am happy that you feel na parang sinasagot ka Nya. the answers lie deep within your heart. mas maririnig mo Sya sa katahimikan. this Calaruega move is one of the best moves that you’ve had. sana the assessment of yourself went thorough. i will continue to pray for you. inaamin ko hindi ako laging nakakapagdasal, kaya siguro lagi din akong aligaga at nawawala. but i never forget to include you. 🙂

    love you!

  4. adang ay nagsasabing:

    very nice place..masarap cguro mag emote dyan, napaka peace ful..

  5. xprosaic ay nagsasabing:

    Wow! ano yan semi-retreat?! heheheheheh saya naman… nagpapaunwind… hehehehhe

  6. Kiko Maximillos ay nagsasabing:

    weee… ayan gala-gala ka lang te.. you need it.. wahehehe

  7. khanto ay nagsasabing:

    ganda dyan sa calaruega lalo na kung gusto mo ng time to relax and talk to the Lord.

    TC. 😀

  8. kamil ay nagsasabing:

    Happy ako sayo ate yanah na nakahanap ka ng peaceful place para pag-isipan ang mga bagay na nasa inner space mo… di ko lam bakit biglang nag-rhyming ako.

    Minsan yung sagot maririnig lang talaga natin galing sa katahimikan. Minsan din pag kinakausap ko SIYA.. yung unang pumasok sa isip ko.feeling ko yun ang sagot niya..Eventually feeling ko sumagot talaga siya.

    Sana hindi man ngayon..sana malagpasan mo lahat yan… no man is an island.. kailangan mo lang humingi ng tulong sa kanya.. hindi siya magdadamot… tutulungan ka niya buhatin ang cross mo…

  9. waltz ay nagsasabing:

    Live and let God, tama yan!

    HE is watching YOU always. God bless po.

    This is my first visit. Also, I added you in my blogroll so that I can read thoughts from you.

    Thank you!

  10. Pong ay nagsasabing:

    isa sa mga natutunan ko sa Missions Course na kinuha ko ay ang Lesson namin about Crying Out Loud to God. Because when we cry to God it means that we need help and God will be moved. We get His attention. It means surrender.

    magpaikot-ikot man ang buhay natin sa Kanya parin tayo babalik.

    He is with you mam yanah. God bless!

  11. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Like ko po ‘yong huling bahagi ng iyong artikel.

  12. sikoletlover ay nagsasabing:

    in His time malalaman mo rin ang mga kasagutan sa iyong tanong. tunay na sa Kanya lang tayo makakahanap ng tunay na kapayapaan…

    have a blessed week ms. yanah banana ^_^

  13. MidNytDriver ay nagsasabing:

    am happy for u yanah dahil kahit papaano ay may nakuha kang kasagutan galing sa kanya. hindi man ito ang karaniwan mong ninanais, masaya ako at muli mo syang kinausap 🙂

  14. duking ay nagsasabing:

    dahil nakagaan ng pakiramdam mo kahit papano… maybe pwede mong gawin lagi-lagi everytime na may pagkakataon ka.

  15. LordCM ay nagsasabing:

    gusto ko rin ng ganyan, hindi ung problema ah 😀 ung gumala mag isa ng walang kaalam-alam sa lugar na pupuntahan.kahit isang buong araw lang

  16. salbehe ay nagsasabing:

    Hanggang ngayon akala ko kaya ka nag-eport magpakaaga bumangon noong sabado ay may ka-date ka!

  17. nafacamot ay nagsasabing:

    bakit nahihirapan ako bigkasin ito : caleruega??? may macomment lang…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s