Hindi Lang Ang Mga Broken Hearted ang Nag-Eemo Post….Ang Iba Pilit na Hinahabol ang Dulo ng Bahaghari….

Ang daya lang kung minsan.. wala kang choices.. wala kang options na pwedeng pag-isipan, pagpilian at pag-aksayahan ng panahon. Ang meron ka lang eh kung anoa ng inilatag ng pagkakataon sayo sa mismong oras na un. Ang unfair diba? Sana man lang nabibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng mga bagay-bagay after all ung magiging desisyon eh makakapaekto sa buhay mo ng matagalan.. nakakainis lang..

 

Merong mga panahon na parang gusto mo ng sumuko..times when you feel youre at the edge already, an accident waiting to happen….bitaw kung bitaw ang drama..

 

Hindi sapat ang sandamakmak na ngiti at halakhak na inilalabas mo. Hindi sapat ang sangkaterbang alak na nilalaklak mo. Hindi rin sapat ang napakadaming EBs na pinupuntahan mo para mapagtakpan o maitago sa sarili mo  ung sakit at kahungkagang nararamdaman mo sa loob mo.  Nararamdaman mo na ung napipintong pagbitaw mo.. nararamdaman mo na ung unti-unting paghulagpos ng iyong mga kamay….

 

Napapagod ka.. gusto mo ng matapos ang lahat…

 

Hindi lang ang mga broken hearted ang nag-e-emo post, hindi naman ako broken hearted. Wala naman na kasing heart na ibbreak.. ako lang mismo.. ako lang mismo ang mabe-break….. humulagpos na eh.. lumuluwag na ung pagkakakapit….

 

Naramdaman mo na ba ung kakaibang pakiramdam na sobrang sakit? Ung tipong masakit ung buong pagkatao mo.. nasabi kong buong pagkatao kasi hindi mo mapin point or hindi mo madistinguish kung aling parte mo—ng katawan mo ang masakit. Na kasabay nun eh merong parang bumubulong-bulong sayo ng kung anu-ano.. (hindi.. hindi ako nasisiraan) un pala ung puso mo na ung bumubulong sayo to the point na para ka ng nabibingi and you cant hear yourself think.. your heart is screaming… and you cant help but listen.. ..

Oo, pagod na ko.. Oo, nagsasawa na ko.. Oo pakiramdam ko bibitaw na ko.. walang nakalatag na choices.. walang nakahain na other options.. pagbali-baliktarin ko man ang mundo mo o mundo ko.. ganun pa rin iisa pa rin ang kababagsakan ko.. .. un at un pa rin.. so bakit pa ko nag iisip…?

sabi nila kung hindi ngayon, baka bukas ibigay na.. or baka daw nasa pila na ko.. kaya hintay lang ako.. kung ako ayos lang.. eh sya? mahihintay nya ba ung milagrong hinihingi ko para sa kanya? mahihintay nya ba na dumating ung time na un? pano ko sasabihin sa kanya na “wag kang bibitaw”, “kumapit ka pa”, “sasamahan kita, wag ka mag-alala” kung ako mismo eh hindi rin naman talaga alam kung kailan magmamaterialise ang lahat. kung matutupad ang isang simpleng hiling ko.  pano ko magagawang mapakapit pa sya ng mahigpit kung ako mismo eh malapit ng bumitaw? at pano kung dumating ung panahon na ibigay Nya ung hinihiling ko pero too late na.. paano na? paano ko tatanggapin ang lahat? bakit kase hindi na lang ako? Bakit siya pa? Pwede naman ako.. Sana ako na lang… oo nga.. un nga… sana ako na lang……..

 

hanggang kailan? until when will i keep on chasin rainbows?

Advertisements
This entry was posted in angel, broken. Bookmark the permalink.

17 Responses to Hindi Lang Ang Mga Broken Hearted ang Nag-Eemo Post….Ang Iba Pilit na Hinahabol ang Dulo ng Bahaghari….

  1. bino ay nagsasabing:

    hindi ko alam kung paano magcocomment. i’ve been there not once , not twice but many times. hehehehe. ganun talaga buhay eh. kahit gustuhin mo’ng bumitiw, hindi pwede . hayyyy

  2. rhyckz ay nagsasabing:

    base!

    just stop chasing for a while, have rest & look up, HE’s always there waiting for you to hear your sentiments & HE always have the answer ! (hahaha, may sense ba ang sinabi ko! sensya na lasing lang ako!)

    ingat ! kaya mo yan! smile na lang and everything! hahaha

  3. khanto ay nagsasabing:

    di ko p nraranasan ang paghabol sa dulo ng rainbow kya wala akong masasabi.

    all i can do is be here, and pray for you.

  4. kikomaxxx ay nagsasabing:

    kapit pa te… if di na kaya God is always here…

  5. Rainbow Box ay nagsasabing:

    let me just comment in a more realistic way.

    minsan kahit anung sabi sayo na kaya mo yan, wag kang magalala everything is going to be alright, magiging ok din ang lahat etc etc, hindi mo parin mapigilang magdoubt. madali kaseng sabihin e, lalo na kung wala ka sa ganoong sitwasyon. madaling magbitaw ng salita, pero once na nandon ka na sa point na ikaw naman ang makakaramdam ng ganoong sakit, hindi mo rin maiiwasan yung pakiramdam na… tama na. pagod na pagod ka na. hindi mo na kaya ang susunod pa. gusto mo ng itigil ang lahat, gusto mo ng bumitaw. sana iba naman, hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo. meron pa jan, mas masama ang ugali, mas baluktot ang pananaw, pero bakit laging ako nalang?

    tama db?

    hayaan mong kausapin kita ng ina sa ina.

    kahit anu pa man ang inilaan sa ating pagsubok, kailangan nating kayanin. lalung lalo na kung nakasalalay dito ang kapakanan ng mahal natin sa buhay. sinu ba ang may sabing madaling maging isang ina? eto lang ang sa akin, kayanin mo. wala taung karapatang magreklamo, hindi na sarili natin ang mas mahalaga. anu’t anu pa man, bawal ang sumuko. hindi pwedeng bumitaw dahil mas marami ang nakakapit sayo. once bumitaw ka, lahat ng mga taong sayo kumukuha ng lakas mahuhulog kasabay mo. kaya hindi pwedeng lumuwag ang kapit… hindi pwede. marami ka ng napagdaanan, kaya mo yan. naniniwala akong kaya mo.

    hindi ko mapapagaan ang loob mo ng basta basta, wala akong magic. alam ko at naranasan ko na ang ganyang sakit. wala rin akong ibang marinig kundi ang sigaw ng puso ko at bingi ako sa lahat ng mga naririnig ko. wlang makapagpagaang salita sa akin. lahat parang balewala.
    hindi ko man mapagaan ang loob mo, alam mong nandito lang ako. kahit pa nasa cyber world tayo, alam mo namang nandito lang ako para tumulong… sa kahit anung paraang kaya ko.

    mahal kita ate, God bless you. =)

  6. MPoy ay nagsasabing:

    Lahat ng bagay may mga dahilan… hindi ko masasagot yong tanong mo na “bakit siya pa?”

    mahirap kasi hanapan ng sagot ang tanong na yan kasi siya ang nakakaalam kung bakit siya… masakit talaga yon… minsan di ka makapag isip ng maayos dahil sa mga bagay na nangyayari sa ating buhay. di ko na rin sasabihin na trials lang yan dahil marami ng trials sa buhay mo. sabi mo pa nga, pinaglalaruan ka na ng tadhana. ok, nc ako dyan. hehehe!

    it will pass, te… have FAIH! 🙂

  7. LordCM ay nagsasabing:

    Gaya ng mga nakaraan mo, malalagpasan mo yan, Ikaw pa! 🙂

  8. Banjo ay nagsasabing:

    Yanah, all you can do si pray. sa mga pagkakataong ganito, SIYA lang ang nakakpitan natin.. Nagdaan na din ako sa ganyan, ung feeling eh kawalan.. ikaw naghahabol sa dulo ng bahaghari samantalang ako, naglalakbay ng walang patutunguhan na sa gitna ng daan, umaasang makapulot ng mga palatandaan.. at ewan ko na ba itong sinasabi ko.. pero totoo marekoy, SIYA lang ang makakausap at makikinig sayo.

  9. Bhing ay nagsasabing:

    “kumapit ka pa” iyan pa rin ang sagot sa pinagdadaanan mo.

    pasanin mo ang pagsubok kasama si Hesus! 🙂

  10. salbehe ay nagsasabing:

    Oo, nakakapagod mag-isip. Kaya hindi ko na lang iniisip ang pag-iisip. Hands down ako sa sinabi ni Rainbow Box.

  11. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Nag-usap na tayo, sana nakatulong kesa sa nagpagulo ng isip mo. 🙂

  12. Lhan ay nagsasabing:

    been here ulit yanah, dito na ko mag message ^^ wala ka kasi shout box. anyway thanks for the comment at sorry nahirapan ka po mag comment dahil wala url at name ^^ anyway welcome po sa votes. inaadd na nga pala kita sa 2 kong blog.

    http://www.lifemeetshappiness.blogspot.com at
    http://www.notbuknilhan.blogspot.com

    ^^

  13. kamil ay nagsasabing:

    naiiyak ako sa comment ni rose.

    Waahh. alam ko walang maidudulot na solusyon ang pagcocomment ko… pero kasama ako sa mga magppray para maging okay ang lahat sa kung ano man pinagdadaanan mo ate yanah.. huhuhu…

    minsan ang hirap din mag-emo… kase puro kalungkutan na lang ba ilalabas natin.. di ba? hindi naman sa nagseself-pity tayo.. pero kailangan lang talaga natin ng labasan ng sama ng loob.. o kalungkutan… o labasan ng problema… kaya ilabas mo lang yan Ate Yanah…

    makikinig kame.

  14. MidNytDriver ay nagsasabing:

    agree with ms. bhing.. Kapit LANg with him! 🙂

  15. karen ay nagsasabing:

    dearest miss yanah,

    your friends here super love you and always here for you as God does. though we cannot chase rainbows we can witness its beautiful colors always ready to lighten up our day. hehe. sori hindi ko alam icocomment ko but i pray for your happiness. kayang kaya mo ang mga pagsubok na yan. ikaw pa 🙂

  16. Jinjiruks Ikari ay nagsasabing:

    mahirap talaga ang sitwasyon na ganyan na parang suspended ka sa hangin nde mo alam kung anung gagawin mo, kung meron bang sasalo sa iyo pagbaba mo o patuloy kang lulutang sa hangin.

    been there done that. sana makita mo na ang kasiyahan na nararapat sa iyo mami yanah!

  17. adang ay nagsasabing:

    antay antay lang, malamang nasa pila kana, kaya lang ang masama e alphabetical order , letter Y start ng name mo, kaya malamng mejo matagal pa un..:)

    pero kapit lang dud darating din un, kung sino man yun..

    add nga pala kita sa Blog list ko 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s