Conversation

Masama bang humiling ng isang simpleng bagay?

Masama bang umasa na matutupad agad to?

Bakit ka naman kasi hindi aasa sa biglaang pagkakatupad ng hiling mo kung alam mong badly needed mo na to? Bakit kase ang unfair ng buhay? Hindi naman masyadong malaki ung hinihiling ko. isang pitikan mo lang ng mga daliri mo, tapos na.. mangyayari ang gusto ko. Bakit ba hindi mo po mapagbigyan? Dahil ba nagkakasala pa rin ako sayo paminsan-minsan? Hindi lang naman ako diba? Marami pa din naman diyan. Saka hindi naman para sa akin ung hinihiling ko. Para sa iba naman, wag mo naman sana akong/siyang tikisin. Just this once. Sabi ko naman sayo pagbigyan mo ko dito, pwede na ko mamatay.. kung gusto mo kunin mo na ko ngayon basta magbigay ka lang ng isang milagro. Alam ko hindi ako dapat nakikipagbargain sayo. Kaya lang kase pinaghihinaan na ako ng loob eh, kaya lang kase nahihirapan na kong kumapit pa, kaya lang kase napapagod na kong tawanan ang lahat at magpretend na okay pa ko.. okay pa ang lahat. Pagbigyan mo naman na ko, ngayon lang naman ako humihiling ng ganito sayo eh. Im running out of time… She’s runnin out not just with time but with everything. Sana naman mapagbigyan mo ko.. iparamdam mo naman sa akin na mapagbibigyan mo ko.. para makaya ko pang kumapit.. para masabihan ko din siyang kumapit..

bigyan mo kami ng senyales na maari naming kapitan para sa isang milagrong hinihiling ko..…………..

Advertisements
This entry was posted in prayer. Bookmark the permalink.

21 Responses to Conversation

  1. taympers ay nagsasabing:

    ang lalim… may pinaghuhugutan. kung anuman yun… keep holding on. makakaya mo yan.

    bumibisita.
    taympers

  2. bino ay nagsasabing:

    so hindi tao ang kausap mo. based sa previous post at dito. Kung anuman ang hiling mo, dalawa ang sagot dyan, yes or not now.

  3. Marco Paolo ay nagsasabing:

    Cheers!

    Pray, pray, and pray!

    Nakikinig SIYA sayo.

  4. uno ay nagsasabing:

    yanah thanks sa pagbati…

    add kita sa blogroll ko since ikaw ang unang blogger na bumati sa akin…

    sana mafollow mo din ako… thanks yanah… natuwa ako kasi ikaw ang una bumati hahahhaa

  5. Banjo ay nagsasabing:

    wala naman imposible sa Kanya eh, un nga lang, hindi lang tayo basta dapat hiling, gabay ang maibibigay Nya sa atin.. hindi instant, yan na gad. Just always pray, and make an effort sa hinihiling mo. Napadaan ang tambay.. at salamat din po sa pagdaan..

  6. LordCM ay nagsasabing:

    hintay hintay lang, ibibigay nya rin yan..kung hindi man, sigurado namang may mas maganda syang plano…

  7. MidNytDriver ay nagsasabing:

    awww… antay lang po.. baka busy lang muna sya sa mas nangangailangan.. pagbibigyan ka din nya pag nakikita nyang hindi mo na kaya pang mag-antay 🙂

    OT: natagpuan din kita 🙂

  8. salbehe ay nagsasabing:

    Hindi ko alam ang sasabihin ko. 😦 Smile na Yanah.

  9. dhianz ay nagsasabing:

    thank u te.. ‘ur so sweet.. thanks sa pagbati… aww i luv ‘ur new page… so neat so clean parang smells so fresh… lolz.. lavet… i think gusto koh nang umalis sa blogspot koh… parang nagsawa na akoh sa pink… lolz.. gusto koh tong ganitong lay out… simple… lavet…. nd hmm… sige te… before i sleep tonight… pag-pray koh ren yang prayers mo sa Kanyah… sabihin koh alam Nyah nah kung ano ‘un… namiss kita te… *isang big hugz*… Godbless! -di

  10. Moks ay nagsasabing:

    Naks bagong bahay…sige add ko to sa link ko…
    Happy New Year Yanah!!!!

  11. adang ay nagsasabing:

    antay antay lang at ma ppgbigyan ka din ni bro..thanks nga pla sa pg dalaw sa blos ko..

  12. Madz ay nagsasabing:

    kaya mo yan ate, kapit ka lang. Nakikinig SIYA at sigurado magiging ok din ang lahat 😀

  13. karen ay nagsasabing:

    naniniwala ako sa miracle dahil walang imposible kay god. just keep on praying ate yanah. 🙂

  14. duking ay nagsasabing:

    may pananampalataya ka,ako wala. yun ang meron ang marami na kinaiinggitan ko. huwag mo yung babalewalain. sa lagay ng laban mo ngayon, alam ko na ibibigay mo ang kahit ano para sa hinihiling mo.

    be strong yanah. alam ko na mahirap pero sana makakuha ka ng lakas para maging mas matatag pa lalo na ngayon.

  15. Nortehanon ay nagsasabing:

    Hi Yanah!
    Wala akong idea kung ano ang hinihiling mo. Pero kung ito man ay hindi ibibigay, please know that His wisdom is unfathomable. Meron at meron Siyang dahilan kung sakaling ibibigay Niya ang miracle that you are asking, or kung hindi Niya ibibigay. At maaaring kung hindi Niya ngayon ibigay, tama si Bino, the answer could be “not now.”
    Email ka lang kung sakaling puwede akong makinig, or find your way to me through Smart hehehe. Smile naman dyan, o.

  16. kamila ay nagsasabing:

    At yanah.. kamila to from road to kill… wordpress ko gamit ko dito..pero walang kwenta blog ko..

    at ate Yanah sorry sa mabigat na pinagdadaanan mo ngayon.. hindi ko alam kung ano yan.. pero tama si kuya Bino.. may mga sagot sa panalangin mo.
    OO, HINDI o LATER.

    Kung masasaktan ka man ngayon Ate Yanah… may reason po yan.. wag ka mawalan ng HOPE… ha Ate Yanah.. sana malagpasan mo kung ano man po yan….

  17. J. Kulisap ay nagsasabing:

    May mga salitang magagandang basahin Yanah, pero ang mga salita kung minsan isa lamang itinuturing na display/pampaganda lamang para masabi ng isang nagbabasa na. Awwww, maganda ito.
    Mas nanliliit ako na kahit anong isipin/idura ng utak ko sa bahay mo ay magmimistulang walang silbi dahil kahit ako hindi ko alam kung paano kita aaluin. 😦

    Nabuhay ka ng ilang taon sa mundong ito, dagdagan mo pa, hindi para sayo kasi nga, kailangan ka niya at NIYA. 🙂

    Naiintindihan mo? Oo, intindihin mo. Pramis 🙂

  18. WALTZ ay nagsasabing:

    EVERYTHING WILL BE FINE. ALL YOU HAVE TO DO IS TO TRUST HIM! 🙂

  19. Lhan ay nagsasabing:

    just believe. lahat ng nagyayri may dahilan. just believe yanah.

  20. Yow ay nagsasabing:

    Prayer ba ito? Ngayon ko lang Ate Yanah napalitan yung link mo sa bahay ko. Haha.

  21. khanto ay nagsasabing:

    nasabi ko nga sa text kani-kanina lang na di ko napansin na may new post ka.

    regarding the post… wow inglis, tama si bino, 2nd commenter, ang sagot ay either yes at not now.

    maybe nasa queue ka, malay mo, ikaw na pala ang susunod na diringgin ang prayers 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s