Di lingid sa mga taong malalapit sa akin ang angking talento ko sa katangahan. Iba’t-ibang klaseng katangahan tulad ng pagkaligaw (sa tingin ko ilang beses na ko nakapagwento tungkol dito), talento sa pagkaiwan ng mga personal na gamit kung san-san lang (sabi ng mga kaibigan ko madali daw malaman kung nanggaling ako sa isang parte ng bahay nila dahil may bakas daw akong naiiwan, nakakaiwan ako ng mga gamit ko dun hehehe) at kung anu-ano pa..Eto nga at matapos ng pinamalas kong katangahan sa Cabanatuan City nung isang araw eh heto at may panibagong kasyongahan na naman akong pinairal.
Ilang araw na rin kaming sa attic ng bahay ni lowlah nagstay, may mga dumating na mga aliens kamag-anak from somewhere out there for the holidays.. kaya naman napatapon kami sa attic kung san may malaki at mahabang sliding doors na nakaharap sa “forest”( sangkaterbang pine trees) na kapag gabi eh talaga naman iskeyrrrrriii ang environment. kaya mega takip ako ng kurtina.. anuverrrr at ang kurtinang ibinigay ni lowlah eh see through.. jusko naman! kaya nag effort to the max ako para patungan ng panibagong kurtina na hindi nakikita ung kaluluwa ng kwarto kasama na rin shempre ung hindi ako makakita ng engkanto na suamsabit-sabit sa pine trees outside. ay napalayo na… so ayun nga.. at sa attic kami nagstay.. yesterday morning, kinailangan kong bumaba para lumamon yata ng almusal.. (hindi ko sureness nakalimutan ko na..) pero bago ako bumaba binuksan ko ng benggalu ung sliding doors kase umaga naman to let fresh air and the sunshine in (oo, may ganung effect) tapos nun bumaba na ko sa kusina at ni-raid ang refrigeration… matapos mabusog muling umakyat.. pagdating sa tapat ng pinto ng attic.. nagulat dahil nakasara ito.. pinihit ang seradura (yes! tangalog!) pinihit muli at isa pa ulit pagpihit.. SYET! hindi ko mabuksan! nalock ang pinto ng attic! natulala ng ilang seconds bago nagsink un ung realization na ang susi nasa loob mismo ng attic, ang may hawak ng duplicate key eh gumorra sa labas at alas payb ng hapon pa ang balik, isama mo pa na ang mga ngelepono, taptap at kung anu-ano pa eh nasa loob din.. at nagsimula na akong magpanic.
Naalala ko binuksan ko ang sliding doors.. aakyatin ko na lang kako, tutal bukas naman ung sliding eklavoo on the other side of the earth.. inupisahan kong umakyat sa hagdanan, pero nang nasa medyo tuktok na ko, pinanginigan ako ng tuhod.. kase…
at nang mabuksan ang pintuan ng attic na nalock.. ninerbyos much ako nung nasa hagdanan ako, kaya i decided to make a call hanap a friendly neybor who can make akyat hanggang sa other side of the world ng housing galore ni lowlah dear para matapos ang kawindangan ko.. ayun nga at nakahanap naman ako ng aakyat.. kaya after 57 years 30minutes nabuksan na din.. problem solved.. si kuyang na umakyat sa bubungan namin eh pinagmeryenda ko naman ng napakasarap (shempre tangkilikin ang sariling gawa ahihihi) butterscotch brownies.. after nun kwits-kwits na kami.. “tenkyu and gudbye kuyang” sabi naman ni kuya, ” isabit mo sa leeg mo ung susi para hindi mo maiwan sa loob ng kwarto” lol..
diba, ang tali-talino ko? 😀 pwede na ko awardan! ahihihi
base!! shaks iskeri nga yan ate yonoh lalo na nasa gitna ng kagubatan. tapos nailock pa. tapos.. may alien. tapos may abduction. yay
kaloka sa pagpatol sa alien thingy ko ha.. at umabot ka sa abduction echos.. adik much joson? hahahaha
NC. NR.
ang ganda kaya tumira dyan.
eh di shempre anu pa nga ba sasabihin ko kundi..wala na naman substance ang comment hay naku.. nagbabalik ang NC NR. tnt ka
dpt ako ang based dito 😦 haha! anyhow, napagpag ang blog mo ng sa ilang araw/linggo na pananahimik. may similarity tau sa “katangahan” . happy new year!
naglipat ate eh kaya bagong-bago ang pundasyon ng bahay hahahaha
very mansion the bahay ni lola. in fairview, medyo mahirap akyatin ang attic na yan at tanging mga talented ninjas lang ang makaka-gawa non. sana pinikchuran mo na din yung umakyat teh! eto naman pasuspense pa sa bida! hahaha!
alam mo may point di kuya e. dapat isabit mo sa leeg mo ang susi. parang pendant lang? hahaha! teka, bat nga ba nasarado ang pintuan ng attic? sinarado mo ba paglabas mo? hinangin ba ito kaya sumara? o sadyang ay mga aliens at mga di nakikitang nilalang sa bahay ni lola? awooooo! =P
laaaaaab! ♥
sauce! kung nilagay ko pikshur nya dito eh di sya na ang bida, hindi na ako? naman! ayoko nga masapawan hahaha…
wak ka na! mananakot ka pa eh.. diba nga kase nibuksan ko ung sliding echos dun… may hangin kase kaya sumarado ng all by myseld ung pintuan.. ayun… un lang lol
Wow… wordpress ka na pala… hmm.. nice ganda nang bahay!!
wui! long time no chat errrr blog! kumusta na?
happy new year!
ang sosyal ng house. 🙂 pangarap ko magkaroon ng sariling bahay sa baguio, yung may attic din. 😀
hahaha house ni lowlah yan..
ako din pangarap ko magkaroon ng sariling house pero hindi dito sa baguio
at ayko ng may attic. ang hirap kaya linisin.. pahirap sa buhay
minsan kasi ang utak wag ilagay sa talampakan. wahahahahaha. at tama ka takpan ng kurtina dahil scary to the max ang view dyan pag gabi. hehehehehehe.
eeeeehhh kase…. ehhhhh hase…..
nuff said
hhahahaha
kitams sumesecond the motion ka sa scariness
nag enjoy naman ako sa pagread ng iyong post. damihan mo pa ang kain ng mani … hope to meet you in january
ahihihi ms carnation nagulat naman ako at napadpad ka dito hahaha
uu nga po, hope to finally meet u sa january.
ingat po!
buti na lang may spiderman savior ka yanah
come to think of it fads, may similarities nga sila..
well expect si kuyang mukhang spider web hindi spider man lol
“except” pala… sorry naman
Naks. Ang yomon naman sa itsura ng bahay. Haha. Marami rin akong bloopers ng katangahan. Bute na lang eh naibukas mo yung sliding door kung hindi eh naloko na. Haha.
Naliligaw nga ako kasi yung isang bahay mo ang nakalink sa akin. Tsk. Permanent ka na dito?
honga eh kundi hanggang hapon ang windangan moments. baka pag dating nung may hawak nung duplicate eh ready for pick na ko ng mental institution.. hehehe
uu permanent fixture na ako ditei ahihihi
Yehey!
Wow! daming pine trees! hehehehehhe… buti na lang may nakahandang butterscotch para suhol kay kuyang… lol… hehehehhehehe
naman!
hahahahaha
gusto mo ng isa? pwede kitang bigyan.. padalhan kita ng isang buo if u like..
isang buong pine tree lol
May abduction daw na nangyayari dito? Lol
ewan ko jan sa imahinasyon ni josonnnnn masyadong malawakkkk.. hahahaha
ayan ha, nasolusyunan ko na ung WP dilemma ko kagabi.. dahil iniwan nyooooo kong lahat.. hahahaha lahat kaung pinagtanungan ko iniwannnn ako! joke lang 😛
shempre hindi ako ganun katalinuhan para magawa un.. may tumulong shemperds hahaha pero iniwan nyo pa rin ako.. ikaw, si joson, si arn arn waaaaaaa hahahahahaha
nagflanax ka ba? lol
O di ba? Kamusta naman ang threaded comments! Ang saya!
Nabasa ko na ang kwentong ito sa FB, at binasa ko uli ngayon at natawa pa din ako. Ang tanga lang. Hahaha!
honga honga hahahahaha
alam koooooooooo! isa ka nga sa pinaka unang nag-like nung status ko eh hahaha.. tenkyu! lol.. at least dito mas detalyado ang wento
nice blog, ok rin ang wordpress. miss ko na ang Baguio!
hahahaha
babalik ka naman dito diba kuya?
ikaw na…
ikaw na ikaw na…
ikaw at ikaw na ikaw lng…
wala ng tatalo dahil ikaw na nga…
:)) alam mo na yun kung ano ang ikaw….nyahahaha
nagugutom ako kaya yan lang comment ko…
teka..
kala ko iskeri ang topic…
anyway…basta ikaw na nga…hahahahaha
oo na! ako na nga!akooooooo na!
hahahaha
taenang comment yan arn arn hahaha
ung blog mo.. inaamag na. *evil laugh*
Hahaha.. isabit mo sa leeg mo para hindi mawala..
shet parang yung pendant lang sa Mara Clara.. Mara ikaw ba yan? lol. 😀
ang totoo kase nyan talgang magkapatid si mara at clara, kapatid ko rin sila! triplets kami.. OO, ako ang nawawalang katriplet nila.. hahahaahaha
Nararapat pala sa’yo ang Unang Kalabasa Award hehe! (joke! joke!). Well, we all share some cute moments like that – sabihin mo na lang cute para di masakit pakinggan hehe!
Sa susunod gayahin mo kung saan tinatago ni Lola ang kanilang mga precious -gusto ko sanang magbigay ng naughty idea pero wag na lang hehehe! – tanungin mo na lang Lola mo saan best itago ang susi hehehe!
kuya parang alam ko na ung taguan na sinasabi mo hahaha.. may nakasabay ako sa jeep kanina na lowlah din ahihihi nakita ko ng di sinasadya kung san sya bumunot ng pambayad ng pamasahe hahahaha