Reclamation (reklamo) Day!

C is for? Cabanatuan City

C is for? Complains.. endless complains..

C is for ? Company… thanks Arn Arn

December 26.. araw ng lahat kareklamuhan. Lahat ng posibleng maging reklamo ko sa buhay at ganap na ganap ang pagpapakita/pagpaparamdam ngayong araw na toh. umpisa pa lang ng umaga ko… reklamo na… nagmulat ng mata ng alas por ey em.. para “gumayak” (salamat sa tangalog word Arn Arn) patungong Cabanatuan. Bago pala muna matulog eh nag-alarm ng dalawang ngelepowno.. sinet ang alarm ng alas 4:20 ng umaga.. sabay bumorlog. ano at alas wan ey em pa lang eh gising na.. borlog ulit.. nagising na naman ng 1:30 kada trenta minutos nagigising. parang adik lang binabantayan ung alarm.. di na nakatiis, bandang por ey em.. pinatay ang mga alarm at bumangon na.. sakit ulo sa pagising-gising. bumaba at nag-ayos sa banyo..SIRA ang heater.. grrrrrrr papainit na lang ng tubig sa kalan.. ang higpit ng pagkakasarado ng tangke ng LPG hindi mabuksan.. kaya iniligo ang malamiggggggggggg uberrrrr sa lamig na tubig.. inabot ng 10 minuto ang orasyon bago buksan ang shower at itapat ang katawan sa dutsa ng tubig, hinga ng malalim sabay tapat.. ilang segundo ding hindi huminga… hooooooooo! I SURVIVED! nagbihis.. lumayas.. naglakad paakyat sa highway para kumuha ng taxi. Unang taxi: ayaw maghatid sa gustong pagpahatiran ng hindi kontrata. Pangalawang Taxi: hindi daw alam kung san ang terminal ng van..

5:40 ng dumating sa terminal ng van.. sarado pa.. wala pang tao.. 6:05 ng magbukas at magpasakay. magpupuno pala ung van.. ano at past 7 na hindi pa rin napupuno. alas diyes ang kasal na dadaluhan.. 4 na oras na byahe.. mabuti na lang may dumating na porenjer.. binayaran ang 5 seats.. kaya gorabelles na kami.. pababa ng kennon road.. diyosmiong drayber.. hanggggg bilis-bilis magpatakbo.. pwede ang magslowdown kuya? kumukurbada kami eh kumakaripas.. hala cge ang overtake nasa harapan pa man din ako.. binalonan pangasinan, nawala ang a/c ng van.. napigtal ang selinyador.. major-major stop over ang nangyari., umubos ng halos tatlumpong minuto sa pagkumpuni ng nasira… sabay usad pagong.. nang maayos, gumorabelles na patungong cabanatuan.. tuloy ang endless journey.. nang makapasok ng nueva ecija.. smooth sailing na ang byahe.. nakaborlog ng slight.. ang adik na Arn Arn tumatawag pala.. nag-aalala daw dahil nagtext at hindi ako sumagot.. eh tulog nga! pano magrereply sa text ang tulog???? nakarating sa cabanatuan ng 12.. oo tapos na ang kasal.. derecho na sa reception.. parang paglamon lang ng lunch ang ipinunta ko sa cabanatuan….matapos kumain… at nakichika ng slight sa nag-imbita.. lumayas na kami para magkape.. nagpunta kami sa mall Pacific yata ung name.. something-something.. cant remember.. ive to buy paper bag pa para kay Arnie.. kaya may-i-enter-the-dragon ako sa loob ng mall hinanap ang national  bookstore at nakita ko naman.. nabili ang dapat bilhin.. ang problema.. hindi na malaman kung pano makalabas ng mall sakto sa pinag-iwanan ke arn arn.. OO, ako na! ako na ang naliligaw sa di kalakihang mall.. ako na ang uber sa tanga at walang sense of direction.. nahanap ko ang tamang daan sa pamamagitan ng magical powers ng takure.. joke! tinawagan ako ni arnie at nagbigay ng instruction. eh di nagkape at nagwentuhan ng slight.. wento dito..wento dun.. tawa dito…. tawa dun… it was really nice meeting u arn arn.. finally! after ilang tampo at kung anu-anong shit—masamang hangin echos at blog post intended for me na kinomentuhan ko pa bwahahahaha… misunderstang na walang basehan kase naman pala were not n the same page pala.. hahaha… ayun.. (at hindi tayo sa YM nagusap nun kase nihahanap ko sa archives ko …wala) alas 3:30 kailangan ng umalis at may date pa si arnie.. ahihihihi kinumbinsi nya kong magbus papuntang tarlac tas from tarlac magbus ulit paputnang baguio.. mas madali daw.. *eye roll* 152 years bago umalis sa terminal ung bus. tas nung finally umusad na.. tigil naman ng tigil.. di masyadong hayok sa pasahero considering ng puno na.. ultimo poste yata na dinamitan eh titigilan. nakarating ng tarlac.. umeffort ng 102% sa paghintay ng bus pa-baguio.. punuan eh.. ayoko naman tumayo.. hmp.. nakasakay at nakauwi.. yun lang..

*****

perstaym ko sa cabanatuan city.. hindi ako humalik sa lupa tulad ng sinasabi mga matatanda na dapat gawin kapag navirginan mo ang isang lugar.. pero hinalikan ko ung kasama ko… jokeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! hahahahahahaha..

*****

after how many years ngaun lang ulit ako nakakita ng kuliglig…gusto ko nga sana bumaba ng van kanina at sumakay na lang sa kuliglig nung makakita ako kanina.

*****

ngayon na lang din ako ulit nakakita ng rice fields na may mga nagtatanim.. ang tagal na.. naalala ko nung bata ako sa probinsya… (malapit lang actually sa Cabanatuan.. sa cuyapo.. nueva ecija din sya) ung mga nagtatanim ginugulo ko. binabato ko ng mga pinutol-putol na sanga ng kahoy. maldita ako eh.

*****

may nadaanang mga nakabilad na palay sa kalsada.. dati nung bata ako tuwing bakasyon ko nakikita yan kapag umuuwi kami ng cuyapo..tas sinisipa-sipa ko.. ako na ang bad girl…

******

nag-balik tanaw sa nakaraan pagkakita sa mga bagay na dati ay madalas makita..

*****

Bakit ka nagwordpress Yanah?

Advertisements
This entry was posted in Gala Moments, Perstaym and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

31 Responses to Reclamation (reklamo) Day!

  1. Zyra ay nagsasabing:

    ayaw ng typo grabe hahaha

  2. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Base ba ako? 🙂

    Parang napakatense ng experience mo kanina ah… hehehehe… Pero di bale, may saving graces naman – si Arn arn tsaka yung palayan… 😀

    Welcome to WordPress!!!

  3. WP ay nagsasabing:

    Nakakatuwa parang nagbabasa lang ako ng blotter sa barangay. Ikaw na ang reklamador Yanah ahihihi

  4. marco ay nagsasabing:

    hahaha… ikaw na ang REYNA ng naliligaw. pati ba naman sa loob ng mall? lol

    hmmm sino hinalikan mo? SAGOT! lol

  5. YanaH ay nagsasabing:

    wenkz.. sabi na magrereak ka dun sa part na un.. chismoso much? * eye roll* WALA! wala akong hinalikan.. di mo nabasa ung word na “jokeeeeeeeeeee”? umi-skip na naman yang mga mata mo adik ka! 😛

  6. arnie ay nagsasabing:

    hahaha…kasing haba na nman ng blogroll mo…sempre di ko na binasa maxado kasi nasabi mo lahat ng sentimyento mo from baguio to cabanatuan to tarlac pabalik ng baguio…whahahaha

    kuliglig pala tawag don,,,nyahaha di ko alam…syete naman oo…whahahaha

    puros kain at byahe lang ata ang ginawa mo kahapon at nakakatuwa sa isang malliit na mall e naligaw ka pa…lmao

    • YanaH ay nagsasabing:

      adik lang? hindi mo alam na kuliglig ang tawag dun? eh anu tinatawag mo dun?
      honga.. updated ka naman thru sa text sa mga hinaing ko nung mga oras na un diba? lol..

      oo na.. naligaw na ko.. tseeeeee

  7. rainbow box ay nagsasabing:

    bakit ka nakaWP ate? pang-ilang ulit ko na ba itong tinanong sayo? haha!

    masaya kaya ang adventure mo, very kapagod! attttttt… very aga kang gumayak, ery late ka naman sa wedding. sabagay ok lang yon, its the thought… :-j

    saka dahil umabot ka naman sa reception, winner paren. it’s never too late. hahaha! ♥♥♥

    • YanaH ay nagsasabing:

      eeeee nasagot ko na ung tanong mo kagabi diba?

      honggggg soyooo-soyooo nga diba? kaloka.. subukan mo rin minsan.. parang the night before eh amgkachat pa ko diba? at sabi mo ang aga ko naman umalis hahahaha maaga pa ba un? eh reception na lang ang inabutan ko.. im sooo early bird

      lablab rusmarii

  8. karen ay nagsasabing:

    hi miss yanah 🙂

    nagpunta ka pala sa cab. sayang hindi tayo nagkasalubong. haha 🙂

  9. khanto ay nagsasabing:

    wow, bago na link. update ko 😀

  10. BON ay nagsasabing:

    WELCOME to WordPress Yanah! =) nice move!! sarappp mag comment haha!! ayan mapapadalas nako bumisita at mag comment!

  11. jason ay nagsasabing:

    wahahahah ang kulet naman teka asan po pictures nyo ni teeto arnie?

    gagayak na ko. hohohoh

    naalaa ko rin pala yung daddy ko madalas madestino dyan sa cabanatuan. wala lang naishare lang

    oi ate yonoh yung plan na kitakitakitakits tayong tatlo

  12. salbehe ay nagsasabing:

    Welcome sa WordPress! Langya ka hindi mo man lang ako inabisuhan, kailangan ko pang malaman sa iba. How dare is you!!!

  13. antonio ay nagsasabing:

    tinalo nito ang PEBA night .hahaha. kaya pala pinagsamantalahan mo ang facebook that time–oras orsa kung makapag-update ng status malabas lang ang rants. hahaha. ganun ata tralaga. kaya naniniwala ako na better start your day right–kasi pag pangit ang simula. yun na. deretso na. pero chilax lang. dapat napapalamig ng wintery temperature ng Baguio ang ulo. panu pa kaya kung nasa manila ka na. every square inch ng Manila i tell you kasuklam suklam minsan. good luck.lol

  14. BON ay nagsasabing:

    isa pang comment

  15. khanto ay nagsasabing:

    bakit di pede magkoment dun sa new post mo… nawawala comment option. 😀

  16. arnie ay nagsasabing:

    nagkakalat lang…hohoho

    teka tawag ko kasi don Hand Tractor…never knew that kuliglig thing…hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s