Pangakong Ngiti

“Good morning visitors. Its nice to see you. Mabuhay!” sa bawat silid aralang pasukin namin kaninang umaga ay yan ang bumungad sa amin.. mga grupo ng mga mag-aaral na masayang bumati sa amin ng isang magandang umaga. Grupo ng mga mag-aaral na siyang tatanggap ng aming mumunting pamaskong regalo. Kulang-kulang isang buwan ding pinaghandaan itong proyektong ito. Ang nagsilbing instrumento para makalikom ng mga supplies ay internet at kapal ng mukha. Oo, kapal ng mukha sa paglapit sa mga taong sa tingin namin ay makakatulong upang maisakatuparan ang PROJECT SMILE. Ganap na ika-siyam ng umaga  kanina nang aming umpisahang mamigay ng mga gamit pangeskwela sa mga mag-aaral ng Adiwang Elementary School sa Brgy. Balacbac, Sto. Tomas, Baguio City.

Nakakatuwa ang kasiglahan ng mga bata nang sumalubong sa amin. Apparently, they were not informed na may mga taong darating para mamigay ng kaunting gamit sa kanila.. Per classroom ang ginawang pagdidistribute para maging maayos ang pamimigay.. may mga klase pa nga na kinantahan kami. Nagsimula kami siyempre sa Grade 1 pataas ng pataas. May mga ilang mag-aaral pa na nahihiya magpakuha ng litrato sa amin. Pangit daw kasi at luma ang damit nila at makikita daw sa picture, ang sabi ko naman hindi importante un, ang importante ay ang mga matatamis na ngiti sa kanilang mga mukha.

Akala ko magiging madali lang ang pagdidistribute, sabi ko pa, madali na lang tong task na to, iaabot na lang tapos nun wala na tapos na.. uwian na.. Nagkamali ako. Hindi pala ganun kadali yun. Sa bawat pag-abot na ginawa ko.. iba-ibang mukha, iba-ibang ngiti, iba’t-ibang kwento. Hindi na nila kinakailangan pang magsalita para malaman mo kung ano ang nararamdaman nila. Sa likod ng mga ngiti, mababaanagan ang hirap ng buhay, sa murang edad makikitaan sila ng certain air of maturity tungkol sa outlook nila about life.

Matapos na mamigay ng ilang gamit sa grade 2, may isang batang lumapit sa akin, sabi nya: “‎”ate, balik po kayo ulit ha, thank you po sa bigay nyo, mahirap na po gamitin ung lapis ko ang liit na po, bigay lang po un ni teacher” ako naman, ngumiti, sabay sabing “oo babalik kami, wag ka mag-alala.” Telling myself na pipilitin kong makabalik.. nakakapanikip ng dibdib, alam ko sa sarili ko na hindi isang simpleng salita lang un na pwede kong kalimutan once na umalis kami sa lugar na un. Isang pangakong dapat na tuparin. Isang pangakong binitawan sa isang batang umaasa..aasa..patuloy na aasa sa bawat salitang mabitawan ng isang gaya ko na minsang nagmalasakit sa kanila.



Maswerte tayong mga nabiyayaan ng napakaraming rason para ngumiti, hindi masama na ibahagi natin ito sa iba. Maswerte tayong patuloy na pinagpapala ng nasa itaas, hindi masama kung magiging isa rin tayong “blessing” sa ibang tao in our own simple way.
Those happy faces.. the smiles… it will be forever etched in my heart…



Advertisements
This entry was posted in blessing, christmas, isang minutong smile, kids, project smile, sharing. Bookmark the permalink.

23 Responses to Pangakong Ngiti

  1. Lio Loco ay nagsasabing:

    ikaw na, yanah. ikaw na ang nagpasaya ng mga mag-aaral ngayong pasko. ipagtatayo kita ng rebulto sa tabi ni rizal sa luneta. ang nakalagay dun: most selfless blogger award goes to yanah from baguio city!

  2. khantotantra ay nagsasabing:

    like! parang fb lang.may award ka dahil sa pagtulong sa mga kids. :Dika nga sa kanta ng kc sa videokeman mo, ngiti lang. 😀

  3. Unni-gl4ze^_^ ay nagsasabing:

    sisteru~~~~~~~~d ko alam ang icocomment ko ayaw kong mag-ingay at seryoso ang poste mo,,,,pero masaya ako at maraming bata ang napasaya niyo,,,,sana next year makasama na ako,,

  4. Bino ay nagsasabing:

    honestly nung una ko to'ng nabasa ewan ko ba naluha ako eh. saya kasi pag nakikita mo ung ngiti ng mga bata

  5. red ay nagsasabing:

    Thanks for sharing your community program and that's Project smile. I like the name itself. Hindi mo kelangan gumamit ng brand ng toothpaste para makapagbigay ngiti sa mukha ng mga bata. Iba yung pakiramdam makakita ng sigla. Nakakawala ng pagod di ba? Keep up the good work. Saludo ako sa inyo.

  6. sikoletlover ay nagsasabing:

    congrats sa project simle ^_^

  7. empi ay nagsasabing:

    Proud ako sa inyo at sa ISANG MINUTONG SMILE.God bless!

  8. KikomaxXx ay nagsasabing:

    Congrats dito ha… alam niyo maraming naiinspire nito… katuad ko.. kaya God Bless sa inyo.. sana more t come pa nito.. wahehehe ^_^

  9. WP ay nagsasabing:

    Awww si Yanah na ang Oprah ng Pilipins. Nakakatuwa ka talaga Yanah, sana dumami pa ang katulad mo. Mabrook Madame Yanah!!!!

  10. ibañez ay nagsasabing:

    naku napakaganda namang poject yan . .sana magawa ko rin yan

  11. Jinjiruks ay nagsasabing:

    congrats sa project na yan!

  12. Tsina ay nagsasabing:

    Ito para sa'yo:Wow! Magpatuloy ka. =)

  13. Kamila ay nagsasabing:

    ang sarap naman ng ganyang pakiramdam na nakakatulong ka… sa maliliit at malalaking paraan… galing!!!!:)minsan dalaw ka DITO!!!🙂

  14. wow.. thats cool.. congrats sa operation smile 😀

  15. Nortehanon ay nagsasabing:

    Yeheeeeeeey! Ang saya-saya! Daming kids na naka-ngiti!Congrats sa lahat!

  16. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    congrats sa project smile.. ! 🙂

  17. Enjoy ay nagsasabing:

    congrats yanah sa successful project niyo! sad na hindi man lang ako nagkaroon ng chance na maging part nito. hopefully next time… may next time pa naman di ba? 🙂

  18. mr.nightcrawler ay nagsasabing:

    awww… what a nice thing to do… parehas tayo ng naraamdaman twing outreach programs namin. sapat na ang ngiti nila para mapawi yung pagod namin sa pangngalap ng funds. haaay… must ka na? sana nakarecover ka na dun sa nangyari sayo months back. advance merry christmas 😛

  19. duking ay nagsasabing:

    napakaganda namang project. humahanga talaga ako sa selfless acts ng mga blogger na gaya mo, juggling everything with their hands and time which an average person like me can't do.magiging isa kang inspirasyon lagi sa amin.magandang araw at sana hindi ka na nagkakasakit para tuloy tuloy lang lahat ng magaganda mong ginagawa! yan ang christmas wish ko para sa'yo.

  20. taga-bundok (animus) ay nagsasabing:

    Hi Ms. Yanah!Wow naman po. Napakalaking bagay na yan sa mga mag-aaral, sana'y sa susunod na pagdalaw ninyo makasama ako. Tiga-Baguio din po ako.Sana'y magpatuloy kayo sa pagpapangiti. :)Maligayang Pasko po at Mapagpalang Bagong Taon!

  21. topexpress ay nagsasabing:

    i lilililililike it!SMILE lang! share a smile and win a smile 😀

  22. Dhianz ay nagsasabing:

    awww… luvs koh yang ginawa nyoh…. sana makagawa ren akoh nang ganyan pag umuwi sa pinas… oh yeah btw te… luv ur profile pix… nd incase nde babati na ren nang advance merry christmas… nd a blessed new year na ren… *muwahugz*… ingatz lagi… Godbless! -di

  23. pagbasa ay nagsasabing:

    naku kung ako siguro bibigyan mo eh baka hangang tenga ang bunganga ko… sana hindi ka matakot sa ngiti ko. Naisip ko tuloy balikan and "Lagadlarin Olo-olo, Elementary School" dito ako nang aral. Kahit siguro mga pad paper lang eh isang malaking bagay na.

Sarado na ang mga puna.