Hindi Ko Alam Kung Anong Pwedeng Title ang Pwede Dito. Mahirap Mag-isip. Ayokong Mag-isip. Kung Ano Na Lang. Bahala Na.

Para naman akong isang lapis na tinasahan mo ng tinasahan hanggang sa maubos. Hinayaan mo akong maniwala na magtatagal ang lahat. Hinayaan mo akong maniwala na magiging maayos ang lahat sa atin. Sabi ko naman sayo nun ayoko eh. Pinilit mo lang ako. Ako naman nagpapilit. Ako naman nagpakatanga na naman. Ako naman nagpauto na na naman. If there’s one thing na masasabi ko na expert ako sa isang bagay, iyon ay ang pagpapakatanga.
Masama ba? Masamang mangarap at umasang may makakasama ako, na may masasandalan ako, na may magmamahal sa akin, na may hahawak ng kamay ko sa mga panahong kailangan ko ng karamay? Masama bang umasa akong ikaw yung taong un na magiging kagampanan ng pag-asa ko lalo na at ikaw ang lumapit.. ikaw ang nagbukas ng pinto para muling makaramdam, ikaw ang nagbigay liwanag sa buhay kong nanatiling nasa kadiliman dulot ng kahapon..


Bakit ba? Bakit ba nagkaganito? Bakit ba hinayaan ko pa ang sarili kong mahulog sayo?  Bakit ba hinayaan kong mahulog akong muli sa patibong ng pag-ibig? Bakit ba hinayaan kong maging alipin ako ng isang pangarap na napaka-imposibleng mangyari?
NOON
NITONG MGA NAKARAANG ARAW
NGAYON
To you: “im still wishing for you to be happy. I fervently hope and pray you’ll find what youre looking for, and be happy and contented. I sincerely wish all the best for you. I should be mad at you, but im not.. im just hurt..im just hurting.. and I know it will take a while or maybe a looooong time for me to heal (again), I can handle that (again)…been through it before….i just have one request, since youve walked out of the door, PLEASE….stop looking back…just turn around and walk away… dont look back again.. cos it hurts me more…it hurts me even more….for whatever its worth, i love you..”
Advertisements
This entry was posted in heal, heart, love, moving on. Bookmark the permalink.

26 Responses to Hindi Ko Alam Kung Anong Pwedeng Title ang Pwede Dito. Mahirap Mag-isip. Ayokong Mag-isip. Kung Ano Na Lang. Bahala Na.

  1. Bino ay nagsasabing:

    Makakarma din yun!

  2. Tsiremo ay nagsasabing:

    Ay, ito ba yun? Hehe at sinabayan ng isang James Ingram na music bg..lungkot..so kelangan ko bang mag suggest ng post title? hehe

  3. rainbow box ay nagsasabing:

    hindi masama magmahal. pero the best way to heal is to love yourself more. everything happens for a reason, gano man ka-shitty ang pangyayari na yon. learn to look at the brighter side.kaya mo yan, sabi ko nga andito lang ako lagi.girl power! i love you!

  4. Dante ay nagsasabing:

    well, perfect timing ah. with your charity works plus peba, all the many crazy, hurried things you have to do, you're dealing with a broken heart! yay!but hey, you're made of some tough stuff, remember that. and you're not gonna go sulking, pining, whining and crying more than needed. bukas, you're gonna wake up and smile thinking that yeah, i've made a fool of myself again. but hey, i'm getting better at recovering from it! at yong james ingram music, doesn't help! soooo mushy. besides, it's not right. there are sooooo many super easy way to break somebody's heart. being a jerk is one. yon lang. smile na? the little dagas are waiting for their pancakes!

  5. Diamond R ay nagsasabing:

    yanah for sure may katapat ang mga yan na magbibigay ng kakaibang happiness sayo. Just hold on.

  6. khantotantra ay nagsasabing:

    honestly speaking, i dont have enough info what happened in the past few days so i cant provide feedbacks and comments about the situation.All i can say is that, sometimes, you just really need to turn your back and never look back to the same spot and remember the pain.You need to walk forward and pick yourself up and try to mend the broken heart.I hope and pray that someday…. you will find the one that will hold you in his secure arms and won't let go.tc yanah.

  7. KikomaxXx ay nagsasabing:

    Sad.. but maybe God has a plan te yanah.. weee…..

  8. Rah ay nagsasabing:

    ang masasabi ko lang. Mahirap magsalita ng tapos 🙂 Sa tingin ko, pwede parin kayong maging masaya, basta wag niyo lang sasaktan ang isat isa. 🙂

  9. Unnamed Psalmist ay nagsasabing:

    I am happy for you Yanah, kasi maaga pa lang ay nagpakilala na siya sa 'yo, nahiya tuloy akong ipost ang bago kong tula, kasi somehow related sa post mo…

  10. Anonymous ay nagsasabing:

    Ms. Yannah – butterflies in stomach, flittering/excitements, happiness, love, cryings, pain, denial, pity……….then learn to love yourself and leave love in yourself/heart…………then again going into the same cycle……all over again……that's life…..

  11. Toilet Thoughts ay nagsasabing:

    Ok lang yan, dahil sa bago mong re-bonded na hair, makakahanap ka agad ng kapalit. gamitin mo lang ang pamatay mong… Hair flip technique! (pang sunsilk commercial lang)wahahaha.pero eto seryoso… *hugs*

  12. Nortehanon ay nagsasabing:

    and the "i love you" at the end didn't escape my eyes hehehehe (pinangingiti lang kita)sending warm hugs to you, iha.

  13. Nortehanon ay nagsasabing:

    ay magsa-suggest ako ng title. isang title na napalalim. isang title na unique. isang title na pinag-isipang mabuti. isang title na napaka-profound. heto: "i love you, good bye" LOLZ! O, di ba, parang title lang ng isang kanta hehehehehe

  14. salbehe ay nagsasabing:

    When break up comes and it’s time to say goodbye, don’t doubt the love just because it didn’t last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn’t mean di na ito totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang yon. Bless the parting and move on.Copy paste ko sa dating post ko. Okay lang yan, iinom mo na lang yan! Taralets!

  15. Poldo ay nagsasabing:

    Hindi nalang ako magmagbigay ng opinion o kung ano pa man… **********Power HUG!!!!********

  16. empi ay nagsasabing:

    Sabi nga ni KC Concepcion sa kanta…. Ngiti Lang. :)Uma-iloveyou ka sa huli oh. :D*hugs*

  17. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Tae lang.Tae lang. Pwede ba ang tae dito? Ahahahaha.Yanah, may tanong ako? Eh pano kung may nakalimutan sa bahay nyo? Paano niya kukunin yon kung ayaw mo nang palingunin man lang. Kalupit naman ng buhay.Parang madramang Nadia naman eh. Di bagay. Buhahahahahha.

  18. Dhianz ay nagsasabing:

    'te… sana may magic wand akoh para matanggal koh 'ung sakit sa puso moh… pero i believe may mga reason sa likod nang mga nangyayari sa aten… for now we can't explain it… but it's all connected to a wonderful plan that God has for us in d' future… yeah He got so much in d' store for you… be brave… and God has you in d palm of His hand… nd isipin moh ang mga taong nagmamahal sau… *muwahugz*… actually na-excite akoh kc nagbalik sa blog…yey!… lab lab te yanah… mwah! Godbless!

  19. J. Kulisap ay nagsasabing:

    May isa pa pala, ang title nito.Sana Binayo muna bago magka-stiff neck.aguy..ahahaha.Tawa na.

  20. Kamila ay nagsasabing:

    hi ms.yannah… wala akong masasabi masyado.. pero ang lungkot naman…hayy.. ang pinaka ayukong pangyayari sa lahat.. ang makita ang mga tao na naghihiwalay at nagiging heartbroken…hayyy.. sana maging okay lahat sayoo.. soon..mahirap hilumin ang puso.. dame mo ng sugat.. 😦

  21. Kamila ay nagsasabing:

    bisitahin mo ako minsan sa kamilkshake.blogspot.com ha ms.yannah?? 🙂

  22. Airhen ay nagsasabing:

    Smile pa din kahit ano mangyari.. 😀

  23. Jag ay nagsasabing:

    Everybody deserves to be happy kaya sitback ang chillax Yanah banana… 🙂 Natuwa nmn ako sa art mo hehehe…

  24. pusang kalye ay nagsasabing:

    awww!!!!, 1st sentence ko to sa kinokompose na blog entry pero ilalabas ko na para sayo…..""""For most of us, we love because we want to be complete. For me, the best reason why we love is because we have so much love in ourselves that we want to share it. ""when in love, when in a relationship, the first thing you should do is love yourself. you have to make sure you have enough in your reservoir so as not to feel devastated when the other person goes missing. eaiser said than done I know pero—easier to survive kung ganun. learn from this—-and next time. be wiser. I love the fact that I am going to turn 30 early next year coz age means wisdom. be wise. so that next time. love will be sweeter. don't wait. keep walking…..D:

  25. Ester Yaje ay nagsasabing:

    pag nagmahal ka ng iba, bigyan mo rin kahit konting pagmamahal ang sarili mo 🙂 sabi nga sa kanta, ngiti lang, maaayos din yan 🙂

Sarado na ang mga puna.