Kwentong EB

Naalala ko nung highschool ako.. fourth grading na, ang topic namin thesis making.. practice thesis daw for college. eh di may topic na blah blah blah … eto ngaun preliminaries pa lang, bagsak na.. title pa lang.. wala na.. ano ang title?
“analyzation of drug rehabilitation blah blah blah” eh wala naman palang word na analyzation..etong si manong Webster hindi man lang ako tinimbrehan.
At dahil sa mali kong yan…eto ang nangyari the other day..(anu konek? Wala lang.. gusto ko lang konek-konektahin nyahahahahaha)

The other day eh bumaba ako sa kapatagan ng Kamaynilaan mula dito sa kabundukan para manggulo at rumampa kung saan-saan para mag asikaso ng mga ilang importanteng bagay tulad ng pakikipagkita sa mga kaututang keyboard, pagsakay sa masikip na MRT, makipagtaguan pong kay MPoy sa MRT boni station at magprayer meeting sa megamall foodcourt kasama ang mga baliw este mga pinagkakapitagang mga nilalang sa mundo ng blogosperyo pagpunta sa Baclaran at Divi para sa Proj Smile.. pagpunta sa alma mater para sa kung anung eklavoo na documents, pagpunta sa puntod ng aking paderder..

Sa bawat pagbaba ko sa kapatagan lagi akong may baong katangahan.. minsan 101%, minsan 50% kahapon parang nasa 45% ung naibaon ko.. wak mo ng tanungin kung san galing ung percentage. Wak ka na mangelam. isa na dito ang pagkaiwan ko ng request ni Kuya Berns na sundot kulangot straight from begyow sa taxi na sinakyan ko. ang talino ko diba? isama mo pa ang pagkawala ng ngelepowno ko. grabe.. im soooo smart na talaga..

Umaga.. nanggaling sa Phil heart center at inihatid ang dapat ihatid.. matapos nun nagpunta sa baclaran at humada.. inasikaso ang mga dapat tingnan duon.. tapos gumorra papuntang Pedro Gil para kitain ang napakabait-di mabasagang pinggan na si nafacamot..sayang dapat hindi muna ko ang almusal para nailbire ako ni kuya Christian.. next time ill know what to do nyahahhahahaha

Ang nasabing EB ay pagsasama-sama ng PEBA at SBA/wordpress at blogspot homeowners nyahahahahahaha 5 ofw supporter nominees ang aming nakasama sina Madz, MD, MP, Kikilabotz at BatangMangyan.(mamaya na lang links sa baba.. katamad eh) Bukod jan, ang haligi ng Saranggola Blog Awards na si Kuya Berns..so anong nangyari? Wala naman.. late lang naman ako dumating sa megamall.. late lang ako ng mga 1.5 hours. Di naman masyadong katagalan. Hmmmmm Poi, bakit nga ba tayo late? Hahahahahaha grand entrance talaga ang drama, ako ang nagsabi ng place at time.. ahihihih kung makademand pa ako.. un pala late ako nyahahahahahahha.. sorry naman po…too much Jurassic traffic my friends. Sa totoo lang biglaang hatak lang naman yan.. 4hours before ung travel ko pa-manila.. pinagp-PM ko yang mga taong yan.. di ko rin expected na darating lahat ahihihi.. yung iba kinabukasan ko na tinext. I was expecting more like 5-6 attendees lang.. nagulantang ako ng pagdating ko eh kumpul-kumpulan sila sa isang parte ng foodcourt at pagbilang ko…tadaaaaaaaaaaaaaaaaaan 15 sila hahahaha.. hanggggg saya.. bumaha ng pizza, ensaymada at kung anik-anik na food.. sa sobrang heksaytment ko hindi ako nakakain ng ayos.. (dapat laging too much excitement para laging hindi kumakain..) sige sige daldal.. kung kanino matapat hala cge daldal.. tipong wala ng bukas ang dramarama ko..nagpapatayan na ng ilaw around us sa food court hala cge pa rin ang chika…bago lumabas ng megamall, major major pictorial muna with the rest of the group..nagusap-usap wat happens next, since it’s a weeknight.. may mga pasok kinabukasan, walang nangyari hahahahaha uwian na sila.. ilan na lang kaming natira dahil sa invite ni ms salbe na numongga..oo, inuman on a weeknight.. ahihihi hindi ko na wewento kung anu pa nangyari.. nakakatamad kase eh.. uber high pa ko sa heksaytment at sa haba ng tulog.. OO, natutulog din ako paminsan-minsan.. mahirap paniwalaan noh? Nyahahahahaha mabagal tuloy ang takbo ng utak ko.

Heniweys highways my way..may mga napatunayan ako.. hindi lahat ng mga adikk bad people….. may mga adikkk na maraming kaibigan.. (tulad ko!) nyahahahahaha hindi lahat ng adik,(tenkyu for the friendship guys…lam nhyo na kung sino-sino kayo.. at sa mga new found friendshipsssssss) bad example.. (tulad ko! Nyahahahahaha wag lang tularan ung pagtulog ko) napatunayan ko ang “hatak” powers ko.. hopefully in the next coming days/weeks eh mapatunayan ang “hatak” powers para sa PROJECT SMILE: GO EB, GO CAUSE…

Marami akong gustong pasalamatan pero sa next post na lang ung wento at ung pagmention sa mga taong un at kung bakit (tinatamad kase talaga ko)… pero hindi pwedeng hindi magpasalamt sa mga nagpunta sa wala sa hulog kong blog meet hahahahaha



salamat po sa pizza kuya berns, sa krispykreme zyra, sa ensaymada kuya joel, sa brownies…poi, sa after dinner galore …ms salbe.. sa paghalf day..MPoy…(taguan pong sa MRT boni station amf).sa lahat-lahat ng nagpunta hehehe.. madaming tenkyu… may isa pa kong napatunayan… hindi lang ako ang kaladkarin hahahahahahaa… madami pala tayooooooo yahooooooo! till next EB guys.. had sooooooo much fun! thank you! lab.lab.lab.


Question of the day: may nabili ka bang daddy na ipapasalubong sa mga kidlets??ang sagot? WALA! hahahaha sana next time meron na. bwahahahahahahahaha

sa mga naghihintay ng post tungkol kay tito *insert name here* sorry wala kayong mapapala. nyahahahahahaha saka na.. baka mausog eh..

Have a blessed Thursday everyone! Life is is Beautiful! (and so am i! nyahahahahaahha)



**more EB photos sa FB ko.. sa mga hindi ko ka-fb sorry na lang..hahahaha eh di add nyo na ko! weeeee**
Advertisements
This entry was posted in blog event, Blogger, EB, friends, manila. Bookmark the permalink.

35 Responses to Kwentong EB

  1. jasonhamster ay nagsasabing:

    base!jusko pagkarami nga!!!!parang di ko kaya ganyan karami ang ka-eb!hahhaPPIZZAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAate yonohhhhepol ko 🙂

  2. MOKS™ ay nagsasabing:

    sayang nasa ortigas center ako last nov.23… galing ako Makti nung time na yan..namasyal lang sandali sa ortigas…sayang!!!! nameet na sana kita..hehe

  3. Tsiremo ay nagsasabing:

    PURO PAGKAIN AH, UY SAYA AH..BASTA SI BERNARD MAASAHAN YAN SA MGA LIBREHAN..

  4. salbehe ay nagsasabing:

    Oo Yanah, pagkakita ko sa inyo gusto ko na tumakbo. Sabi mo kasi apat lang tayo. Kaya ako nagpaka bad influence para gantihan ka. Hahaha!

  5. KUMAGCOW ay nagsasabing:

    next time, lagi namang may next time harhar

  6. eliment ay nagsasabing:

    ayun oh. di ako isinama. hehesana next time makasama din ako 🙂

  7. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    I had so much fun that night, though bitin. Magkagalit kami ni Yanah, and dahil sa EB na yun, nagkabati kami. hahaha

  8. Anonymous ay nagsasabing:

    At bakit wala ako dyan..choz!MB<—- Tamad mag log in 🙂

  9. nafacamot ay nagsasabing:

    Yanah napatunayan mo din ba na dahil sa EB eh may nagkakabati? hahaha… Dahil nag english si MD mag eenglish din ako. Thank you so much… oha oha….LOL…

  10. Bino ay nagsasabing:

    at dahil dyan, nabitawan ko ang salitang pupunta ko ng baguio ngayon! hehehe. seryoso to! next time eb uli ha. pero ung walang pasok para inuman to the max. at may hot seat uli hehehehehe

  11. AdroidEnteng ay nagsasabing:

    Waw.., mas maganda legend ni yanah…hahahahha./..salamat sa EB..sa uulitin..paxensya na din naubos ko ata pizza.hahah..^_^

  12. gesmunds ay nagsasabing:

    wow ang saya saya naman!astig! 🙂

  13. Poldo ay nagsasabing:

    wow! ang saya!

  14. Poldo ay nagsasabing:

    Pwedeng isa pang Comment??si tito insert here.. Laway lawayan para di mausog! GOW!

  15. kuri ay nagsasabing:

    kinapos ako ng hininga sa pagbasa yanah!nga pala, pahiram ako ng picture natin sa post nato ha. tinatamad rin kasi akong mag tag e at least eto may legend na.salamat ulet sa lengua de gato at strawberry jam!

  16. eMPi ay nagsasabing:

    yehey! bati na kayo. 😀

  17. Toilet Thoughts ay nagsasabing:

    haha ang kulet. had fun, sa uulitin. :Pbino, ung hot seat… hahahaha!!!!

  18. cheese ay nagsasabing:

    yung mga nasa left lang ang kakilala ko hehesana makasama next time 😀

  19. khantotantra ay nagsasabing:

    ANdami nio sa EB. Hoooooray!Konti lang kilala ko sa mga bloggers dyan pero sana madalaw ko ang blog nila :DTC!

  20. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Sos maryopes bopis, isang barangay na 'yan.Masayang masaya ka i'm sure.Buti na lang.

  21. Nortehanon ay nagsasabing:

    May premyo ba ako kasi parang yung Question of the Day ay winning entry ko! hahahaha!Isa lang ang masasabi ko sa post mo na ito, kinailangan ko pa ng magnifying lens para mapagmasdan ang kagandahan at kaguwapuhan ng mga andyan hihihi.Am happy that you enjoyed your day kahit alam kong pagod ka at kahit nawala phone mo.

  22. Xprosaic ay nagsasabing:

    Wow! andami niyo dyan… saya! pero di ko rin alam pano gumalaw sa ganun karaming tao… hehehehhehehe

  23. pamatayhomesick ay nagsasabing:

    huwaw!…hope na maranasan ko rin itong ganito..magkita kita ng personal…sinong magsasabing walang personalan…dito meron.. he he he.:)

  24. Diamond R ay nagsasabing:

    ang dami nga. fellowship of the bloggers.

  25. kikilabotz ay nagsasabing:

    buti at nakapunta ako at hindi ko namiss ang grand event ng ganito. hehe. nice meeting you all guys

  26. KikomaxXx ay nagsasabing:

    weee… ang saya niyo dito o.. tsk2… sarap naman…

  27. Unni-gl4ze^_^ ay nagsasabing:

    yaw ko sanang magcomment kasi naiinggit ako hahhhaa..jokes lng,,,teka bat wala kang nabiling daddy?ok payn si tito insert name nlng para masaya,,,pero kukulitin p din kita sino yan pag nagkita na tau sa peba wakukuku~~

  28. rainbow box ay nagsasabing:

    nakakainggit!!!!

  29. you know my name ay nagsasabing:

    wow, ang dami nyo…ang saya saya!!

  30. Kamila ay nagsasabing:

    wow kainigit naman sa mga eb eb na yan///

  31. WP ay nagsasabing:

    Kaw talaga Yanah di naman EB ang nangyari parang convention na sa dami ng dumating ahahaha. Ang mahalaga nag enjoy kayong lahat. Merry Xmas!!!!

  32. adodcespresso.com ay nagsasabing:

    galeng galeng hahaha

  33. ro anne ay nagsasabing:

    sa dec ulet 😛 hihi

Sarado na ang mga puna.