Buy me a daddy


this just happened a while ago over dinner:


Kahlil: mama, alis ka mamaya?
Ako: opo.
Kahlil: san ka punta?
Ako: rarampa sa kamaynilaan ng bonggang-bongga. may aasikasuhin sa manila.
Kahlil: kelan ka po babalik?
Ako: mamaya din.
Kahlil: mama, pasalubong ha?
Ako: ano ba gusto mo pasalubong?
kahlil: hhhhmmmmmm mama pwede ba pag-alis ka tapos pag uwi mo pasalubong mo kami ng daddy namin?
Ako: (nabilaukan habang lumalamon ng saging, epol at owenych..oo na diet-dietan.. wak mangelam) ha?! ano un nabibili sa supermarket? kung ano-ano sinasabi mo.
Kahlil: eeeeee bakit ung classmate ko may daddy?
Julyanah: classmate mo lang yun. saka hindi tayo pang-daddy.. pang-papa lang.. pangsosyal ung daddy eh. nag-aambisyon ka ng mataas kahlil.
Kahlil: mama, ano daw sabi ni ate? di ko intindihan
Ako: wag mo pansinin ate mo.
Kahlil: kase sira ulo sya?
Ako: hindi! sino nagsabi sayo sira ulo ate mo?
Kahlil: Wala po. nakuha ko lang sa tv.
Ako:bad yun. wag mo na sasabihin ulit un ha?
Kahlil: opo. eh pano ung daddy? hindi ka po pwede magpasalubong ng daddy sa amin?
Ako: hindi eh. di naman kase un nabibili sa tindahan eh.
kahlil: ahhhhhhhmmmmm eh si tito *insert name here* pwede ba naming maging daddy? mabait sya mama.
Julyanah: oo nga po, pwede ko sya ma-love kasi hindi ka nya pinapaiyak. di tulad nung totoong papa namin.
Ako: eh bilisan nyo sa pagkain.. gabi na..


-The End-

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

27 Responses to Buy me a daddy

  1. Poldo ay nagsasabing:

    hahahahahahaha… oo nga!!! si tito nalang…. opppsss…Julyanah khalil paguwi ko meron na kayong instant daddy bwahahahahaha putek yan… pero seriously mahirap ang ganyan.. kaya dapat umpisa palang e paliwanag mo na sa mga daga este chikitings mo ok??? Gow! kaya mo yan… WD mode ule.. hahaha

  2. renz bacani ginez ay nagsasabing:

    haha.. natuwa naman ako sa pagbasa..

  3. jc ay nagsasabing:

    cute kids. makulit yet they will make you think.nacurious ako sa katauhan ni "tito". next blog entry: Si Tito. haha. joke!

  4. Bino ay nagsasabing:

    Pa-LBC mo na lang yung future daddy nila. Ü

  5. YanaH ay nagsasabing:

    POLDOlecheeeee! tumigil ka.. mamaya ma-isyu tisyu tayo.. hahahaha maquestion pa ko ni *insert name here* nyahahahahhahaha@ RENZsalamat. heheheJCay superrrrrr hahahahaha they make me think a lottttt premises hahaha.. hmmm ung curiosity mo? matatagalan pa bago mafeed yan hahaha.. wala pang go signal from "tito" na i can blog about him.. he's reading my blog kaya.. baka nga he's reading yours too hahhahahahaBINOoi insan.. ang bilis mo hahahaha.. LBC talaga.. jusko.. sabagay.. door to door un noh? pwede… hahaha

  6. Unni-gl4ze^_^ ay nagsasabing:

    hunga si tito insert name lols~~~~nakakaloka si khalil madaldal diba…magkano na ba daddy now yaning?bwhahaha…teka nagddiet ka talga ng bongga ok payn ikaw na haha

  7. kiko ay nagsasabing:

    eh si tito *insert name here* ahahaah… nakakatuwa naman si kahlil 🙂

  8. Rhodey ay nagsasabing:

    pwede… hahaha kakatuwa naman mga anak mo ms. yanah…sarap sigurong makipag wentuhan sa kanila…

  9. khantotantra ay nagsasabing:

    sino kaya si tito?Mahirap pag nagiging curious na ang isang kid.

  10. KikomaxXx ay nagsasabing:

    hahaha… si TITO nalang kasi…

  11. Diamond R ay nagsasabing:

    ang cute naman ni khalil as kilala niya si tito insert name here.pero nakaka tuwa si julyanah about daddy na pang sosyal yon.ano pa ang ang hahanapin mo if you have kids like them.

  12. rainbow box ay nagsasabing:

    eeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!! ai sorry. hahaha!oo nga! pwede naman siguro si tito insert name here. kausapin ko nga ang mga bata. hahahahah! =P

  13. Xprosaic ay nagsasabing:

    Ahahahahha ang cute ng mga chikiting! hehehehehhe

  14. eMPi ay nagsasabing:

    hmmm… sinong tito *insert name* iyon? hmmm..si julyanah talaga, matured na matured kung magsalita.

  15. Lord CM ay nagsasabing:

    no comment 😀

  16. Axl ay nagsasabing:

    whaha LOL trip… halatang may pinagmanaman hehehe 😀

  17. Toilet Thoughts ay nagsasabing:

    haha. nasa taas ba sa mga nag comment kung sinong "tito" un? LOLbwahaha!

  18. sikoletlover ay nagsasabing:

    ang bibo talaga ng mga bata ngayon 🙂 ayun eh meron naman na palang future daddy :Dgood day ms. yanah!

  19. Super Balentong ay nagsasabing:

    di ko alam kung kabibuhan ba ang tawag jan. pero bibo sila at marunong mangarap. may punto sila, hindi mapapalitan ng kung ano mang materyal na bagay ang daddy. marami sa manila, buy one take one. por kilo, pwede rin. haha

  20. Kamila ay nagsasabing:

    aww… hi yannah, i'm back kung sakaling kilala mo pa ko. hahanakaka-touch naman mga baby mo..hayy.. actually ngayon masasabi ko na broken family na din kame..at yung sinabi nung mga anak mo, na ano ba yun, na at least di tulad nung papa nila pinapa-iyak ka.. waah that was touchy…naka-relate ako teh.kase naman, ganun din gusto ko mangyari sa mama ko ngayon, na maging masaya na siya, dahil ang daming hinanakit sa past lam mo yun.. hay good luck sa tito ****** na yan.. hahahahave a nice one yannah! ❤

  21. Tong-tong ay nagsasabing:

    (nabilaukan habang lumalamon ng saging, epol at owenych)OMG nabulunan din me dito sa pagcocomment.one day someday tomorrow mayreoon na silang daddy.

  22. Life Moto ay nagsasabing:

    smart talaga ang mga batang yan. but in reality ay nangyayari yan.

  23. Jinjiruks ay nagsasabing:

    kilala ko ba ang tito na yan ms. yanah?

  24. DRAKE ay nagsasabing:

    kakatuwa naman ang mga chikiting mo!hehehe! mukhang madami ng alam!hehehhe!Sana next issue may name na si TITO!hahah!Ingat

  25. Nortehanon ay nagsasabing:

    By this time siguro ay nasa Baguio ka na. So, may pasalubong ka bang daddy sa kanila? ahahaha!

  26. pusang kalye ay nagsasabing:

    mahirap pag mga bata kausap mo tapos mga agnitong realities. hirap paliwanag in such a way na maiintindihan nila na di sila masasaktan. **na curious tuloy alo bigl;a pero diko na tatanungin. ngtyn alam ko na kung bakit kailangan mong umuwi kinagabihan sa kabundukan pag rumarampa ka….pero yun—at ang dami nyo rw pala kagabi ha. 16? waaah!!!! namiss ko—weekday kasi. I hate living in another mountain!!!! (Rizal)hahaha

  27. salbehe ay nagsasabing:

    eOW p0wH, PwEde MKipG eXChANGE~ lInk, n0h?~ SLamt PO~

Sarado na ang mga puna.