Ang Muling Pagtapak sa Kapatagan ng Kamaynilaan at Muling Pakikipagkita sa mga Barubal na mga Kaibigan

At dahil sa lumaboy may inasikaso akong importanteng mahalaga kahapon sa Maynila.. halos buong araw-gabi akong hindi nakapagparamdam ng kaluluwa ko dito sa jinternetz world. OO, bumaba ako sa kapatagan ng Kamaynilaan kahapon. Matapos ang lahat ng kailangang gawin, nagdesisyong makipagkita sa mga fans na pakalat-kalat lang din kaibigang ilang buwan na ring hindi nakikita. Huli ko silang nakadaupang palad (naks!) eh nuong umakyat sila dito sa kabundukan para bisitahin ako.. (naks! special talaga!) at shempre dahil sa bisitang pandangal ako, late na naman akong dumating sa usapang alas eyt ng gabi (ako pa yata ang nagbigay ng oras, OO proud ako kebz mo?! :P) napagdesisyunan na sa Gateway mall na lang magkita-kita para dun na rin gumawa ng kabulastugan kumain ng hapunan at magcatch up sa samu’t-saring pangyayari sa mga buhay-buhay namin. First time namin mameet si Maginoong Bulakenyo… at super heksayted akong makilala tong nanggugulo sa akin gabi-gabi sa YM halos gabi-gabi eh kausap ko sa YM.. Lumafangga sa Pizza Hut. Nagtagal sa pag-order as usual inuna ang mga kalokohan.. at kumain…:

at nagpicture-picture

MB and Yanah
MP and MB

Lumabas ng gateway para magfrosty at mambulabog ng mga crew sa Wendys. (walang Wendys dito sa baguio. uber sa busog lang ako eh kung hindi ako busog lumantak na ko sa Wendys)

at nagpicture pa some more…

Kuya Jin and Yanah
May naligaw na dugyot na arabo, naki-table samin.. ahihihi
At matapos magkalokohan at magkabarubalan, napagdesisyunan ng ihatid nila ako sa terminal, although alas dos pa ang ticket ko minabuti ko ng magpahatid para makauwi at makapahinga na rin sila. Naunang mahiwalay si kuya jin at ung dalawang mokong eh hinatid ako sa terminal, tumambay pa ng slight. pagdating sa terminal bumili ako ng extra ticket para kay *insert name here* sumama kase siya sa akin dito sa Baguio. mga bandang alas 12:15 ng umalis ang dalawang mokong na nagmukhang bodyguard ko. quarter to twelve naman ng dumating si *insert name here*. Swerte naman kase ung 1am trip, merong 6 na pasahero ang hindi dumating kaya sumakay na kami ni *insert name here* at nagbayad na lang ng additional charge instead na hintayin ang 2am trip. (at shempre siya ang nagbayad ng extra charge. mukhanya! ahihihi) nung una hindi kami magkatabi, ang chaka ng katabi ko kainis. ang bilis pang makatulog dumadantay ung ulo nya saken. kaasar lang. pagdating ng Dau, bumaba ung mamang chaka na katabi ko, siyang lipat naman ni *insert name here*. kwentuhan galore. more or less three weeks rin kaming hindi nagkita at puro chat-text lang ang ginawa. kaya kwentuhan much. hindi rin kami nakatulog sa kakadaldal. Sumayad ang mga paa dito sa Baguio mga bandang 6:30. sinamahan siyang magcheck in sa Blue Mountain Hotel, mga 10mins away from my house at iniwan na siya dun. Malamang sa ngayon eh humahagok na yun wala ng reply sa text ko eh. mamayang hapon magsisimba kami sa Baguio Cathedral, sa ngayon sa tingin ko kailangan ko ng matulog.. time check: 7:23AM. kulang-kulang 68hours ng mulat ang mga mata. kaya bye muna for now…ahihihi…goodmornight… a blessed sunday everyone!



****sorry naman..pa-anonymousE ang epek ni MB.. para sa kaalaman ng lahat si kuya Jin at MP ang kasa-kasama ko sa kung anu-anong shit este kung saan-saang lakaran.. ayun nga at nagpaplanong bumalik ng Sagada early next year. At oo, hindi ko masyado gustong i-link sila.. bwahahahahaha****
Advertisements
This entry was posted in bonding, food, friends, manila, trip. Bookmark the permalink.

21 Responses to Ang Muling Pagtapak sa Kapatagan ng Kamaynilaan at Muling Pakikipagkita sa mga Barubal na mga Kaibigan

  1. Anonymous ay nagsasabing:

    Wow naman Yanah. Mukhang ang saya nyo ah. Sayang. Sana nakasama ako. hehehe Di bale malapit na. ABC

  2. pusang kalye ay nagsasabing:

    ikaw na!!!! ang reyna ng kabundukan na bumababa sa kamaynilaan para lang kumain ng pizza hut at makita ang mag mortal!!! hahaha. kala ko talaga lalanghap ka lang ng polluted air dito eh. next time, overnight ka naman dito. mahirap kayang balikan, lalo ganyan na maraming kain kain tapos me cheeze pa yung food. panu na kung nagtae ka sa daan? marami namang motel sa Cubao.bwahaha

  3. Moks™ ay nagsasabing:

    hahaha ayaw talaga magpakita ni MB…ka-babayan ko yan dito sa Bulacan…

  4. Jinjiruks ay nagsasabing:

    hahaha/ kakatawa naman yan/ walangya ka yanah. dapat ako din lagyan mo ng drawing. salamat ulit mami yanah sa experience.

  5. Dhianz ay nagsasabing:

    hangsaya nemen… next time sama nyoh akoh ha… pwamis? lol… ei… sumakay na kme ni *insert name* huhulaan koh… starts w/ eM nd endz w/ O… lol… date na naman kayoh? lagi kayong magka-date ah.. tsk! kainngit… haha.. well enjoy ur church together nd ur time together… for sure namiss nyo hang isa't isah… ingatz… Godbless! -di

  6. YanaH ay nagsasabing:

    @ ABCang tindi mo! kakapost ko pa lang nakacomment ka na agad.. dito ka na ba nakatira sa blog ko??? there's a whole n ew world out there.. subukan mong lumabas at subukan mo rin mang stalk ng iba. youre getting on my nerves.@ ANTONbleh! di ko pa nakakalimutan ung 10 dirty icecream ha.. kala mo…saka necessity talaga na isipin mong posible akong magtae? tseeeeeeee hahahaha sensya na.. yaan mo next time gagawin kong kwarto ang manila instead na banyo or kitchen ;)) @KUYA MOKSkorek kuya! hahahaha@KUYA JINtse! hahahahaha salamat dibn sa dame-dameng chika at assumptions.. alam na.. ahihihihi@ DHIANZsorry…mali ka po.. hindi po nagstart sa M at nag-end sa O. masabi ko lang may R sya sa name nya hahahahaha.. actually u dont know him ahihihihi…. uhmmm yeah, we actually missed each other a lot nga.. ;))

  7. Anonymous ay nagsasabing:

    Hindi naman. Hindi mo naman kasi ako pinapansin kahit yung mga e-mails ko kaya madalas akong magpapansin dito. Huwag ka ng magalit.ABC

  8. Ako si Yow ay nagsasabing:

    Ayos! Bonding. Haha. Ang saya. At sinadya talagang bumaba lang para makipagmeet? Haha.

  9. YanaH ay nagsasabing:

    YOWoi grabe much ha.. hindi kaya.. may niaasikaso po.. pangfinale ang bonding moments :))

  10. khantotantra ay nagsasabing:

    susyal. pa-pizza-pizza nalang. sino yung naka-hidden identity?

  11. Poldo ay nagsasabing:

    ahhh kaya pala… may naaalala ako sa wendy's… hmmmmm…

  12. KikomaxXx ay nagsasabing:

    naman.. hahah magkanong bayad sa pagpapaanonymos.. wahehehe… award na talaga si MB nito na isang Mystery person… wahehehe

  13. ♥superjaid♥ ay nagsasabing:

    wow ang saya nam,an iba talaga kapag kaibigan mo ang mga kasama mo ^^

  14. kiko ay nagsasabing:

    ahahaah, nadagdagan na naman ang kolestirol!

  15. YanaH ay nagsasabing:

    KHANTOsi maginoong bulakenyo yan.. pa mysterious epek eh ahihihihiPOLDOkaya pala ako? hekshuli, may naalala din ako sa wendys na yan! wahahahahaahaKIKOMAXXXnakow! kung may bayad ang pagpapa-anonymousE mauuna na kong maging anonymousEs lol..award kung award. hahahahaSUPERJAIDtrueness :DKUYA KIKOkuyaaaaaaaaaa makacholesterol ka!!! waaaaaaa wag ganun nakakasakit ka ng damdamin.. cge ka.. lalo sasakit ang fezloo mo.. bibigyan ko ng matindi-tinding tip ang mga fans mo nyahahahahahaKUYA Duu.. pag uwi mo kita tayo.. pasasayahin kita hahaha may ganun noh? :)) kumusta ka na? ok ka na ba? i hope ure okay now.. ingat po lagi.

  16. eMPi ay nagsasabing:

    halos lahat ata ng picture pinost mo dito.. ang panget ko pa. hmp!

  17. Axl ay nagsasabing:

    wow.. yun oh.. mukhang nag enjoy ka naman.. so cool 😀

  18. jc ay nagsasabing:

    ayuuus! lagare si papa mb pala nung sabado! ms. yanah, amoy isaw si papa mb nung sabado no? LOL.

  19. MaginoongBulakenyo ay nagsasabing:

    YanahSalamat sa pagtago ng aking pagkatao..naHIPO ako ching! Nag enjoy ako sa inyo. Sa uulitinMarcoAt sinu ang panget? Kukutusan ko LolJCHahaha..may tinga pa nga ako ng isaw Lol!

  20. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Naiintriga talaga ako sa Sagada.Mailista ko na nga rin 'yan sa mga dapat puntahan.:)

Sarado na ang mga puna.