mumu

dala ng sobrang pagod at kawalan ng tulog ng nagdaang gabi, ang plinano kong pagpikit sandali dahil sa sakit ng mata sa mahabang oras na pagkakatutok sa computer ay naging tulog. mga bandang alas 8 ng gabi ng mapagdesisyunan kong ipikit sandali ang aking mga mata bago ituloy ang kung anu-anong kabalbalan na pinaggagawa ko, pero ayun nga..di ko namalayan na nakatulog na pala ako. mga bandang alas 11:30 ng maalimpungatan ako at tuluyang magising. at dahil nga disoriented pa dahil sa pagkakatulog, walang pakialam na bumangon at nagtungo sa banyo para magsepilyo sana at ituloy ang pagtulog. nang bigla akong mapasigaw!
nagulat, natakot ako sa nakita ko! nakita ko ang mukha ko sa salamin! AT NATAKOT AKO! literal akong natakot sa hitsura ko. kase naman nakatulog nga ako ng wala sa plano, hindi pa pala ako nakapagbura ng mukha ko. lumabas kase ako kahapon at kinailangang maglagay ng kolorete bilang paglandi sa pagmumukha ko. at nakalimutan ko ngang burahin yun.. nakatulog… at sa pagkakaktulog andyang nagsmear ang eye liner, ang mascarra at ang eye shadow.. black pa naman ang kulay na mga pinaggamit ko.. kaya nagmukha akong mumu nung makita ko sarili ko sa salamin. palpitation to the highest level. may sigaw epek pa. nagulantang ang mga daga at nagtanong kung ano ang nangyari. kung may sakit ako sa puso, malamang tepok na ko ngayon dahil sa mukha ko. (ang sagwa kung maheadline: Babaeng nadeadz dahil sa sariling repleksyon) i wouldve taken a photo of myself looking like that and posted it here.. kaya lang naisip ko na bigyan naman ng kaunting kahihiyan ang sarili ko. kaya… wag na lang.. hahahaha

lesson learned: wag ugaliing matulog.. este..wag ugaliing matulog ng hindi nagbubura….i mean naglilinis ng mukha..

back to sleep… minsan lang toh! sunggab agad!

*im okay now… kulang lang siguro sa tulog kaya napraning kahapon*

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

16 Responses to mumu

  1. Mokongβ„’ ay nagsasabing:

    Hahahaha katakutan ba ang sarili… mabuti na matakot sa sariling reflection sa salamin, kesa sa may kasama ka sa salamin…goodnight!

  2. rainbow box ay nagsasabing:

    walangyaaaa! hahahahaha! nangyare na din yan saken, lasing naman ako! hahaha!nung nagpapanic na lahat dahil wala ang isang babaeng kasama namin (na nalaman din namin in the end na naghatid pala ng ibang visitors kase sya ay may tsikot), ako naman e gulat na gulat sa nakita kong reflection sa salamin!hahahaha! taena nakaitim pa naman ako non! sows!

  3. Will ay nagsasabing:

    Again… wag masyado magpaka pagod! mas importante pa rin ang kalusugan above all things. πŸ™‚

  4. Bino ay nagsasabing:

    minsan try nating maglinis ng mukha para di na maulit hehehehe

  5. Lord CM ay nagsasabing:

    kailangan ba talaga malalakeng font? lolzzzbuti na lang ako binubura ko bago matulog πŸ˜€

  6. TINATAGONG PUSO ay nagsasabing:

    nakakalerkey ka!tnt!

  7. khantotantra ay nagsasabing:

    hilamos muna bago matulog πŸ˜€

  8. Poldo ay nagsasabing:

    Una sa lahat kailangan bang Malaki ang font sabay naka-color red?? tanong lang!..pangalawa.. Pano namin maaappreciate ang mga sinasabi mo kung walang mga katunayan! ilabas ang mga picture na yan!! pangatlo.. ang cute ng mga daga!! yun lang hihihi

  9. Dhianz ay nagsasabing:

    ur funny te yanah….=) ingatz… Godbless!

  10. zeb ay nagsasabing:

    ngayun ko lang nabasa tong post mo na ito, "kaya nagmukha akong mumu nung makita ko sarili ko sa salamin. palpitation to the highest level. may sigaw epek pa."dito ako tawa mode nyahahaha πŸ˜€

  11. Pong ay nagsasabing:

    hihihihihihikailangan mo ng R&R mam ng mahaba haba, rest ang relax lang natawa ako dun sa headline hihihihidi ba nakaka-allery iyon kapag di agad naalis mga kolorete? wala ako igea eh hihihibe blessed po mam, nakadalaw din ulit

  12. Benh ay nagsasabing:

    hahaha! matakot ba talaga sa sariling itsura? magandang headline yan yanah.. tapos parequest tayo si Ted Faylon ang magbabalita. haha! joke lang! sleep sleep!

  13. arnie ay nagsasabing:

    AWOOOOOOOOOO!!!hahaha…kakatuwa nomon yon Yonoh…lolsnaadik na naman ako..hehehe sa susunod naman maghawak ka ng kandila o walis…hihihih:-) tawa much

  14. Nortehanon ay nagsasabing:

    hehehe tawa ako ng tawa dito.Buti ako di naglalagay ng kolorete kaya walang buburahin haha!

Sarado na ang mga puna.