Ulan at ang Kulisap

JKulisapPumapatak ang ulan at walang kausap

Puso’y kinabahan, nasaan ang kayakap?

Naglaho na lamang, dilim ay sumiklab


Paalam na, paalam na



Yanah: malamang nang dahil sa pag-ulan iyong kayakap ay sumilong
pansamantalang nanahan sa lugar na may bubong
o maaring naghihintay sa taong may dalang payong
marahil hinihintay niyang ikaw ang siyang makasalubong


JKulisapYaring puso ko’y nagsisilbing payong
Bakit sa iba naisipang sumilong
Naiwang nag-iisa at bubulong-bulong
Wala bang halaga itong aking habong?


Yanah:  Papaano kung hindi pala ito ang tamang panahon
Upang kayakap sa iyo’y makisilong
Paano rin kaya kung hindi pala itinakda
Matugunan ang pagsinta ayon sa tadhana


JKulisap: Muling maghihintay ang puso
Aabangan ang muling pagsuyo

Baka tumibok na muli ang puso

Itutuloy na ang wagas na pagsuyo




***FB wall convo between Yanah and Jkul…isang hapong umuulan…salamat kuya Jkul for allowing me to post this.. thanks much!***

Advertisements
This entry was posted in Blogger, FB, tula, ulan. Bookmark the permalink.

14 Responses to Ulan at ang Kulisap

  1. Anonymous ay nagsasabing:

    Mukhang inspired ka Ms. Yanah. poetic ka pala. makabayan pa at sariling wika ang gamit.May angking kalaliman ka din pala.Sino kaya ang nagbibigay inspirasyon sayo ngayon? Kung sino man siya nakakainggit siya.ABC

  2. Mokong™ ay nagsasabing:

    Inlove si yanah…. inlove si yanahhahahaha!

  3. rainbow box ay nagsasabing:

    very poetry ang ulan! hahaha! i like!! ♥

  4. Axl ay nagsasabing:

    yun oh.. inlababo nia sia oh….

  5. Rhodey ay nagsasabing:

    wow… makatang makata ang dating ni bibibining Yanah, inlab na nga ba ang marilag na binibining Yanah kay ginoong JKulisap? hehehe

  6. YanaH ay nagsasabing:

    ANG DAMEEEEEE KONG TAWA DITO.. NYAHAHAHAHAHAHAGUSTO KO LANG SABIHIN NA.. HINDI…. I REPEAT… HINDI INSPIRED SI YANAH… AT MAS LALONG HINDI, I REPEAT AGAIN, HINDI INLAB SI YANAH KAY G. JKULISAP.NAPAGKATUWAAN LANG NAMIN NA MAGKASAGUTAN SA FB WALL NYA NUONG NAKARAANG ARAW..KALOKA KAYOOOOOOOOOO LOL

  7. Unnamed Psalmist ay nagsasabing:

    y: dininig ng langit ang aking munting hiling
pagpatak ng ulan ay aking nadinig
mga luha't di mapigilang emosyon
humulagpos dulot ng mapait na kahapon…k: ngunit pagtila ng ulaniyong masusumpunganginhawa ng kaloobankahit na panandaliany: kalabisan bang masasabi kung aking naisingmapawi ang panglaw nitong damdaminkasabay ng walang patumanggang pag-ulannanaghoy na puso tungo sa kawalank: ligayang iyong ina asam asamiyong mararamdaman pagkatapos ng tag ulankirot ng nakaraan, unti unting maiibsanngiti sa iyong labi ay mararanasangaling din sa wall mo ate yanah :)kalokeee…

  8. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    Ang galing… Nakakahanga ang inyong pagiging makata. 🙂

  9. mots ay nagsasabing:

    hang kyut kyut naman nito 🙂

  10. Bino ay nagsasabing:

    hong gondo nomon ng tula!!! parang gusto ko'ng maniwala na inspired ka nga insan 🙂

  11. zeb ay nagsasabing:

    iba talaga nagagawa ng ulan hahay! 😀

  12. BlogusVox ay nagsasabing:

    Aba! Ikaw na pala ang pumalit sa trono ni Bn. Azel.

  13. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Natatawa ako.Kapag tumutula, dumadamubs?sadyang inilabas lamang namin ni Yanah ang aming usal. Wala ng iba pa.:)

  14. Nortehanon ay nagsasabing:

    Akala ko nagpa-praktis kayo ng balagtasan hihihihi

Sarado na ang mga puna.