Tulog

Kada mood ko, nagbabago din ang shout ko sa YM..tulad neto: KUNG NAKAMAMATAY ANG PAGIGING BUSY, MALAMANG NAKALIBING NA KO! HAGGARD MUCH!!! kanina, uber sa busy.. halos di makahinga.. sumideline kase ng slight.. ok fine… sideline ng sobra-sobra… santambak na paperworks.. and when i say papersworkssss… grrrrrrrr katumbas siya ng apat na layers ng normal (may abnormal ba neto?) na apat na filing cabinet. ganyan kadami ung dokumentong kelangan kong punit-punitin at sunugin i-sort out.. I’ll be working on those documents until next week. hang saya-saya diba? at dahil sa sideline lang sya, i get to do the job at home. meaning, nakatambak dito sa bahay yung kahon-kahong mga papeles na kailangan itapon ayusin. wala na kong time para sa ibang mahahalagang bagay tulad ng panunuod ng kokey pagluluto ng masarap na hapunan, pakikipaglandian sa mga paborito kong kalandian sa YM, makipaglaro sa mga makukulit na bubwitsss, magpakulot ng kilay, ayusin ang worktable ko, magFB-YM-bloghop buong maghapon, magbasa ng libro.. natatambakan na ko ng mga librong pinagbibili ko every week sa booksale. OO, every week ako bumibili ng libro.. i love books! kaya lang, these past few days, talagang walang time to read. (pero kahapon may time para magrecord ng kabulastugan para kay MP nyahahahahaha)
hanggg dame kong sinabi.. isa lang naman gusto kong tumbukin.. BUSY ako.. :))

kanina, nung pauwi na ko, may nakasalubong akong kakilala… eh di nagkabatian… wentuhan ng slight.. nung naisipan ko ng magpaalam, bigla na lang bumanat ung kakilala ko ng ganito: “Nasubukan mo na bang matulog?” ako naman si, HA? ANO? sabay sagot sya, “hitsura mo kase eh parang hindi mo na alam ung salitang tulog. hindi mo ba naririnig?” “ang alin?” sagot ko. sabi nya, “yung eye bags mo este eye-trucks mo na nagsusumigaw na jan sa mata mo” sabay humalakhak ng nakakabwisit. eh di ayun, nagpaalam na ko.. humirit pa bago tuluyang lumayo: “try mo minsan kausapin ung unan at higaan mo ha! mukha ka ng zombie” tawa ulit… sarap sapakin.. pagdating ko tuloy sa bahay, sinipat ko maige ang pagmumukha ko.. at may narealize ako… kelangan ko ng gumamit ng concelear (tama ba ang sFell? hahahaha) nang mai-conceal ang mga eyebags na naghuhumiyaw.

At dahil din dun sa project MP na kabalbalan ko kahapon, nawalan ako ng boses.. nyahahahahaha as in totally naglaho ang boses ko.. kaya eto.. panay ang inom ng salabat.. wala munang cold water, halo-halo at ice cream for me.. am craving for vanilla ice cream pa naman (ayun at bigla kong naalala si SuperB sa vanilla icecream hahahaha)alam na… wak kalimutan ang usapan hahahaha.. usapang vanilla icecream at keyk yata yun.. base sa pagkakaalala ko. teka.. konsultahin ko muna ang golden memorya ko hahahahahaha

o sya, ako’y back to work.. bukas ulit..

Advertisements
This entry was posted in busy, life, Random, toxic. Bookmark the permalink.

18 Responses to Tulog

  1. Jag ay nagsasabing:

    Ok lng yan coz that only means marami ding pera hehehe…pero ingat lng din tayo sa ating mga katawan hehehe

  2. Will ay nagsasabing:

    Haha, hinay-hinay lang, wag masyado magpagod. rest minsan. kung wala kang time sa pagbasa, short stories na lang muna para mabilis lang. hehe

  3. Rhodey ay nagsasabing:

    di bale, madami namang balik na datung yan pagnatapos, ang solusyon diyan tapusin agad, tapos pahinga mga isang araw tapos arangkada na ulit.. hehehehe… joke..pero watch out pa rin sa health side, dahan dahan lang..

  4. khantotantra ay nagsasabing:

    magpahinga ka naman yanah. Mahirap kapag maburn-out ka. Wag mag-kuracha(babaeng walang pahinga) :Dtc. take vitamins.

  5. Anonymous ay nagsasabing:

    saktong sakto kakauwi ko lang galing night duty. sarap matulog ahehehe. pahinga k muna ate yanah. -kikilabotz

  6. Lord CM ay nagsasabing:

    kayod ng kayod para may pamasahe papuntang PEBA Awarding 😀

  7. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    Parang gusto mong sabihin na pinagsisihan mo ang kagaguhan mo na feeling mo recording artist ka? na feeling mo video maker ka? lolSino may kasalanan? ikaw di ba? lolempi

  8. Mokong™ ay nagsasabing:

    Sana sa PEBA magkitakita tyo, sana makapunta ko…huhuhuhu gagawa ako paraan talaga.

  9. Poldo ay nagsasabing:

    DI lang naman sa YM kundi lahat ng social networking site pare-pareho status mo noh! LOL…Di naman nakakalason ang pagtulog! try mo yun..

  10. Yanah ay nagsasabing:

    JAGahihihi maraming pera? i wish! bwahahahaha salamat..WILLnakuuuu kahit short stories wala ng time magbasa hahahaha… thanks for dropping byRHODEYnatawa ako sa "arangkada ulit" parang usaping hadahan lang hahaha chureeeeKANTOjusko.. kuracha talaga! mygawd! hahahaa thanksMARVINbakit umaanonymousE ka? hahahaha natulog ka? :PLORD CMiba ang pinagiipunan ko hahahahhaaEMPItae ka! hindi ako nagsisisi niwewento ko lang ang resulta ng kabalbalan ko kahapon hahahahaKUYA MOKScge kuya hehehehePOLDYwak ka nga jan! di naman un all the time noh :-"akala ko kase binibili ang tulog eh nagmamakuripot ako. nyahahahahaha

  11. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Trabaho na naman. Ipamigay mo naman sa iba yan, para may kwarta din kami.Bc ka pero nakakablog ka pa rin. Asteeg

  12. Ayie ay nagsasabing:

    Sige lang ng sige, pasasaan ba–mararating din natin ang tagumpay! hehehe! luv luv luv para sa masipag na mommy!

  13. YanaH ay nagsasabing:

    JKULganun talaga.. time management.. nagtoo-toothbrush ako while drafting my blog post.. hahahaha time management and multitasking ang sikreto jan hahahahaAYIEhehhehe apir! para sa mga nanay out there everywhere hahahaaha

  14. pamatayhomesick ay nagsasabing:

    gaya ng kanta sa blog mo..Na sana'y dumating bago magdilimSa tuwina'y kandungan niyo ay duyanPanaginip na walang katapusanAng ilog hantungan niya'y pangakoNg 'yong pagbabalik…teka, ang layo ng comment.. para iba lang… ha ha ha.:)

  15. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    Try mo magpahinga.. haaayyyyy! Wag masyado busy ateng, bawal magkasakit ngayun. 🙂

  16. gesmunds ay nagsasabing:

    haha! nacurious naman ako sa 'kabalbalan' na un! hhmmm.. panu nga ba matulog?? naranasan ko na ba ito?? napaisip ako dun ah?! lol!

  17. Xprosaic ay nagsasabing:

    Parang nakakarelate ako sa ganung klaseng buhay… lol… isa na siguro ang matang tinubuan ng mukha! lol… malaki na nga mata ko malaki pa eyebags ko! ahahahahhahaha

  18. Anonymous ay nagsasabing:

    yaning hahha..haymback saglit sa pagbabasa ng mga poster hahhaa…gusto mo concealer nlng regalo ko sau?hahha,,,ang adik natutulog ka pa nga ba>?bat ang dami mong paperworks?nyahha~~ikaw na haha…oist miss ko na kau ni poldy ang busy natin noh..ai mali kau lang pala hahaha,,,kung ikaw patay na sa busyness mo…ako patay na sa uber boredom haha..pahinga naman ikaw kahit konti…^_*ingats sisteru-Unni-tinatamad akong maglog in haha

Sarado na ang mga puna.