Halo-Halong Whatever 4

MULTI-TASKING GALORE

Naglalaba ako (gusto ko sanang titigan na lang ung tambak ng labada ko, wishing and hoping na kusa silang luminis kung tititigan ko lang sila…kaso shattered dreams ako..) habang nagpprepare ng breakfast.. sabay na rin ang pabugso-bugsong FB at kaunting YM (yes, true yan, kaunti lamang)
Matapos makapaglaba, naglinis ng bahay at nagprepare naman ng food para sa lunch at ng dadalhin sa hospital, habang ginagawa ang post na to, slight FB, slight PEBA mode at slight YM na rin.. hehehehe

***
OVERHEARD CONVERSATION:

teenager1: uy, daan tayo ng SM, bili tayo ng bread.
teenager2: sosyal ka naman bread lang sa SM pa, mayaman ka te?
teenager1: tange! masarap kase ung tunaturntable sa SM eh bumili kami ni Kuya nung isang araw.
teenager2: tuna ano?
teenager1: tunaturntable! ung may palaman na tuna sa loob.
teenager2: ung parang croissant na may filling na tuna? un ba un?
teenager1:oo un nga. alam mo naman pala eh. yun nga yung tuna turntable
teenager2: kakahiya ka! tuna TURNOVER un..

***
November na! mukhang hindi epektib ang diet ko! pambihira naman kase.. kung kelan desidido na akong magdiet at may isa o dlawang MAJOR MAJOR reason para magdiet ako eh saka naman may mga taong nag-aayang kumain sa labas (shempre libre nila), kung kelan decided ka na magpapayat, saka dagsa ang mga kainan.. tae! kung anu-anong selebrasyon ang nangyayari, may berdey, binyag, kasal, blessing ng bahay, at kung anu-ano pa.. makatarungan ba yun?! HINDI!!!!

***
Hanggang ngaun pinag-iisipan ko pa rin kung baba ako sa kapatagan ng CAvite sa lunes para bisitahin ang puntod ng aking Fudang.. at napagdesisyunan ko ngaun lang.. as in a few seconds ago na.. next time na lang.. bukos sa napakahabang byahe… pihadong mahirap sumakay at ang gastos sa pamasahe.. pamasahe pa alng kulang-kulang 2k na ang magagastos ko.. nagtitipid much ako lalo ngayon at may pinaghahandaan akong pagbaba sa kapatagan ng kamaynilaan sa Disyembre. Isabay ko na lang siguro dun ang pgbisita ko sa aking tatay.

***
Nagggwapuhan ang mga hurado sa PEBA ngaung taon na ito.. ahihihihihi… andaming mga kalahok.. hindi lang sa blog kundi pati na rin sa photo contest. PEBA gets better and better every year. So proud to be a part of the PEBA team for 2 years now ;))

***
Malapit na ang pasko. gumawa na ko ng listahan ko para sa mga regalo, ung iba dun nabili ko na mga two months ago. nakuha ko ung tip kay MP na early pa lang bumili na. this year medyo less ang expense ko sa mga regalo kase malayo ako sa 36 na inaanak ko.. mga nasa cavite sila.. yes, 36 sila.. mataas pa sa edad ko . bawal daw kase tumanggi kaya sige na lang ng sige.. which reminds me.. ung mga ninong at ninang ni Lian jan sa tabi-tabi :-“

***
Nagbake ako kagabi ng sugar-free raisin oatmeal cookies. ibibigay ko sa Doctor ni K. Mabait kase ung doktor, mabait siya kay K.. (shempre saken na rin..) bonus point na yung gwapo din sya ahihihihi. at dahil sa isa siyang doktor, kaya raisin oatmeal cookies ang ginawa ko apra siguradong walang pintas, healthyng-healthy ang dating ahihihi.

aalis na ko.. punta pa pala ko hospital.. bukas ko na dadagdagan toh! nyahahahaha

happy saberdei everyone!

BUsyness… ;))

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

21 Responses to Halo-Halong Whatever 4

  1. Mokong™ ay nagsasabing:

    Mahirap magdiet kung masarap kumain… pareho tyo ng sitwasyon yanah…About PEBA, pag member ka na ba nun, anu gagawin mo? sumali ka ba sa contest nila?

  2. Dhianz ay nagsasabing:

    ayon! ang namiss koh… halo halo! lolz…namiss koh yang pagkukuwento moh te yanah… namiss moh ren pagkukuwento koh? lolz.. natawa naman ang akoh sa tuna turntables na yan.. well hey at least pretty close! turntable turnover.. parehong turn.. haha.. korni.. lolz.. anyhoo… at least magaling kang mag-multi task… nagagawa moh ang dapat mong gawin… nakapag-fb at YM at peba ka pah.. san ka pa… teka sino mga nagugugwapuhan sa peba? don si kuya EJ? eh teka wafu bah un.. eh nevermind.. lolz… san palah un?… anyhoo… poem akoh nang poem eh halloween na palah.. takte.. oh well.. sarisariling trip noh te… and uhhh… yang diet moh te panext year moh nah.. kc may christmas pah.. aysowz… aja! kaya moh yan.. at kung nde man eh kahit chubby kah eh pretty ka pa ren te… lolz.. regalo koh? haha.. nde akoh dapat mag-alala nde akoh ninang ni lian… lolz… mag-baby kah uletz then kunin moh akong ninang.. haha.. punta ka sa cavite te.. san kb ngaun?… hmm… sige nah… gumawa na akoh nang sarili kong post ditoh sa post moh.. haha… ingatz te… enjoy ur weekend.. Godbless! -di

  3. Dhianz ay nagsasabing:

    parang hangbarok nang pagkakomentz koh.. haha.. pansin koh lang.. lolz… kalerki… laterz te… have a super day! =)

  4. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    Type mo lang kasi kaya pinag-bake mo si Doc. Ikaw talaga! Nagpapahalata! LOL!Lian? sino yon?Mag reak pa talaga e gusto mo naman ding lumamon ng lumamon e. Ok lang yan… kahit papaano malusog ka. lol

  5. Poldo ay nagsasabing:

    Diet!! diet!! diet!! wahahahaha///

  6. Miss N ay nagsasabing:

    Hi Yanah!Hinay-hinay lang ha, wag naman masyado papagurin ang sarili sa mga pinaggagagawa mo, okay? Happy weekend sa 'yo, my dear.P.S.Nawindang ako 'nung makita ko ang picture ko dun, dun..basta doon sa pinaglagyan ninyo ng picture ko. Kasi masyadong mga kagalang-galang ang hitsura ng mga kasama ko tapos ako parang naglalaro lang hahaha. Mabuti hindi nila ako tinanggal dun hahaha.

  7. Ayie ay nagsasabing:

    It shows how many thoughts a woman can have in a speed of nano seconds. It also shows how we can do things like superhumans do.Palagay mo, may super power tayo? hahahah!

  8. Anonymous ay nagsasabing:

    Hello Yanah,sana ipag-bake mo din ako in the future. masarap ka siguro magluto at magbake.ok lang kahit na wag ka ng magdiet. maganda nga ang chubby, huggable. ABC

  9. [ a n t h o n y ] ay nagsasabing:

    nanigurado sa ibi-bake, para talga walang pintas! :Dnatawa ako dun sa turntable, turn ano? tnt!

  10. HalfCrazy ay nagsasabing:

    Hey there, bago ako dito sa blog mo. 🙂 Hahaha natawa ako dun sa Tuna Turnover. Makapang-ilang ulit pa ng Tuna Turntable! Buti nakorek nung kaibigan bago mapabili yung isang ate. Hahaha!Lagi kong nakikita yung 'PEBA' na yan. Kung hindi ako nagkakamali, asosasyon yan ng mga pinoy bloggers? Oatmeal Cookies? Mukang masarap yan ah. Bakit wala man lang litrato? Haha see you around! 🙂

  11. an_indecent_mind ay nagsasabing:

    nice post! blog on!

  12. tim ay nagsasabing:

    naku, ako nga habol ng habol sa katawan ko, pumapayat, then tataba naman ng konti. pero halos lahat, payat.. hahai

  13. Lio Loco ay nagsasabing:

    o eh di hapi halo-halong halloween na lang sa'yo kung ganun, yanah. parang halu-halo nga lang talaga ang blog post na 'to. may tinapay, may ospital, may patay na tatay. hohoho!ikaw na yanah. ikaw na ang busyness na lageng may update sa blog. ahihihi! hanglupet! \m/

  14. Tong-tong ay nagsasabing:

    happy holloween yanah. naglalaba ka nga i overheard it sa pag tambay ko sa fb last time. :))tama yung comment ng nasa itaas ko. nakakainggit you lagi may update

  15. Xprosaic ay nagsasabing:

    Naku nahiya na talaga ako sa inyo sa PEBA… buti nga nakagawa ako bago ang deadline… pasalamat rin ako at may sumusuporta sa akin…hehehehehe… pasensya na kung matagal ako nakakareply sa emails niyo… ala kasi akong internet connection sa work at sobrang pahirapan ang connection kapag nasa bahay… kapag nakakauwi lang ako sa amin ako nakakapaginternet talaga ng maayos… hehehehhehe

  16. BlogusVox ay nagsasabing:

    Mukhang very busy ka, day. Mabuti yan, it keeps the mind occupied.

  17. arvin bautista ay nagsasabing:

    tuna turnover pala un! natawa ako dun in fairness hahahahaha

  18. Anonymous ay nagsasabing:

    hehehe.. busy ka lagi yanah ah..

  19. pamatayhomesick ay nagsasabing:

    ganun din ang ginagawa ko, minamagic ko ang labahan…pero wala akong powers kundi hanapin si super washing machine.:)

  20. Traveliztera ay nagsasabing:

    HAHAHHAHA turntable wahoo! napatumbling ako! HAHAHHAHA!hay sna mkta ko rin yang nagagwapuhan na judges na yan! hehehehhe!at teka… kelngan tlg SUGAR-FREE raisin. hahahaha!PS anhirap nga magdiet 😦 pero kaya natin toh! pdeng next yr? HAHAHHA

  21. Axel ay nagsasabing:

    Ahahaha.. langya, natawa din ako dun sa TUNATURNTABLE na yun.. bwahaha..teka, hindi ko mapigilan tumawa talaga.. lolz!!

Sarado na ang mga puna.