Saranggola

Ang buhay natin ay parang saranggola.. ang nagsisilbing pisi.. tayo mismo.. ang hangin na nagdadala sa saranggola para lumipad ng mataas ay ang mga bagay na nangyayari sa buhay natin. Mga pangyayaring nakakapagpabago sa atin at sa takbo ng ating buhay. tulad ng hangin, ito ang nagpapabago ng direksyon ng paglipad ng saranggola.. Gamit ang pisi.. nagsisilbing gabay natin sa pagpapatakbo ng sariling buhay natin..




Saranggola – buhay mo
PISI – ikaw mismo
Hangin – mga pangyayari sa buhay mo



Minsan ayos lang na makisabay ka sa agos, makiayon sa direksyon ng hangin, pero may mga pagkakataon din na dapat idirekta natin, may mga pagkakataon na kinakailangan nating gamitin ang pisi ng saranggola ng buhay natin para mas maging matayog pa ang ating lipad..

Nawa’y maging matayog ang pagpapalipad mo sa iyong saranggola.. kita tayo sa ere.. sabay tayong lumipad ng matayog sa himpapawid..Sabay tayong lumipad ng malaya upang abutin ang ating mga pangarap…
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

19 Responses to Saranggola

  1. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    natamaan ako…->may mga pagkakataon na kinakailangan nating gamitin ang pisi ng saranggola ng buhay ๐Ÿ˜€

  2. =supergulaman= ay nagsasabing:

    "matayog ang lipad ng saranggola ni pepe…matayog ang pangarap ng matandang bingi.." yung kantang yan ang naiisip ko habang binabasa ko ito…. kaya nga ang paglipad ng saranggola ay hindi magpapatuloy kung maputol na ang pisi nito, ikaw mismo…. ang buhay mo'y hindi na magpapatuloy kung mawala ka na sa mundong ito…kaya ingat sa pagbangga sa hangin at iba pang saranggolang katungali sa himpapawid…

  3. Mokongโ„ข ay nagsasabing:

    Yanah, ganda ng post mo na to, tinamaan din ako…"Sabay tayong lumipad ng malaya upang abutin ang ating mga pangarap…" <—ganda nito.

  4. siyetehan ay nagsasabing:

    tamang tama ka diyan.sabay tayong lumipad ng malaya upang abutin ang ating mga pangarap.magkikita tayo sa itaas, kung saan kamtan na natin ang tagumpay :)Cheers!

  5. Dhianz ay nagsasabing:

    lahat tinamaan te akoh nde… lolz… hmmm… patuloy lang sa paglipad… kc walang imposibleng pangarap… yon may masabi lang… lolz… yeah i agree sa twineet moh… puro may katuturan mga blogs moh te.. nd pansin koh lang.. kung nde super haba ang post moh eh super iksi… wehe.. ingatz.. Godbless!

  6. gesmunds ay nagsasabing:

    napaka-mapagpalayang mensahe… tama ka, minsan masarap nalang magpadala sa takbo ng hangin,, pero sabi nga,, lahat tayo ay masuwerte at nabiyayaan ng pagkakataon mamili sa kung saan natin tatahkin ang buhay natin.masaya ako, nagkita tayo sa ere! maligayang paglipad!

  7. Anonymous ay nagsasabing:

    ang adeeeeeeeekkkk mo REaNA MArIE!ang tino pala netong blog mo eh, bat ganun ung shout mo sa YM? nag-aaddeeeekkk ka na naman, tumira ng katolzki?Dee_jay

  8. Anonymous ay nagsasabing:

    HOYYYYYYYYYY YANAH! BAKITZ YUNG SARANGGOLA MO NAGING BALLS? ANU UN? ANING KA? SABI NAMAN SAYO TAMA NA ANG PAGSINGHOT SA SINUNOG NA PINETREES EH.-LETS-

  9. Unnamed Psalmist ay nagsasabing:

    iba ang dating talaga ang galing! sama ako sa ere sana makita ko kayong lahat! ๐Ÿ™‚

  10. Jag ay nagsasabing:

    Nice! Yannah! Yung mga correlations mo tugmang tugma hehehe…

  11. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Ang saranggola ay sumisimbolo lagi sa pangarap natin sa buhay. Hannga't hindi malakas ang hangin sa tamang direksiyon, nagpupulupot ang pisi, hindi tumataas ang saranggola,gayon din ang pangarap natin.Hi yanah. ๐Ÿ™‚

  12. khantotantra ay nagsasabing:

    matayog ang lipad ng saranggola ni pepe.Minsan kailangang labanan ang ihip ng hangin para maging mataas at matayog ang lipad ng buhay. Dapat ang pisi ay matibay at di agad makakabitaw. ๐Ÿ˜€

  13. Super Balentong ay nagsasabing:

    o sige, paliparin ang kamalayan!

  14. Poldo ay nagsasabing:

    ang ganda naman netong post mo! sa totoo wala akong masabi..Maaaring lumakas ang ihip ng hangin(problema) na susubok sa tibay ng pisi(ikaw) ng saranggola(buhay) mo, wag kang susuko. natural yun… pero pag nalampasan na ang malakas na hangin.. balik ule sa magandang lipad ng saranggola…putek di ko alam kung may co-relation tong comment ko! basta alabet!!

  15. kikilabotz ay nagsasabing:

    hahaha. ate yanah nice message po. pero cguro kapag maikli ang pisi does it mean na mababa lang ang lipad na kaya mo? ^_^ nagtatanong lang po?hehe. mwaah

  16. Abiel ay nagsasabing:

    Nice naman neto… if you don't mind quoted a line and posted it on Love Thoughts Love Lines…

  17. [ a n t h o n y ] ay nagsasabing:

    natuto akong magsaranggola dati sa mga kalaro kotapos ngayon natuto na akong magpalipad ng mas malaking saranggola ๐Ÿ˜€ love the post! para sa akin 'to, relate

  18. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    Aw.. Ang ganda nito. Isa sa mga pinakamaganda mong likha. ๐Ÿ™‚

  19. Benh ay nagsasabing:

    wowowee!! hehe! yup, dapat sabay lang tayo sa agos ng hangin (ang hangin may agos?) hehe! Pero dapat ang pisi ay matibay para di agad mapatid.

Sarado na ang mga puna.