BookSale

Once a week nagpupunta ako sa Booksale sa SM para bumili ng maganda (at murang) librosssss… gusto ko kasing sulitin ung budget ko na 150php (oo, talagang 150 lang talaga ang budget ko every week para sa libro.pero kapag ung gusto ko talagang author.. pag-iipunan ko talaga yan. Pero weekly, I make it a point to buy 2-3 books. At sa Booksale ko madalas makabili ng mga librong hindi kilala ang author PERO.. maganda ang storya at mura pa. sa 150 ko (kung sisipagin ako mangalkal) makakabili ako minsan ng 3-4 na books.  Pero madalas, 2 hanggang 3.
Nang minsang magpunta ako ng Booksale at abala sa pangangalkal ng mga libro, may matandang babae ang tumabi sa akin para makikalkal sa salansan ng mga aklat. Napansin kong may hawak na siyang libro, nakyuryus ket naman ako, uu na,aminin ko na na umandar na naman ang pagkachismosa ko… pilit kong inaninag ung titulo ng libro ni lola. Si lola must be in her late 70’s already, she looks so fragile with her walking stick and her thin white hair. So,ayun nga, pinilit kong makita ung titulo ng libro, at nawindang naman ako sa nabasa kong title.. SEX MANTRA…kaloka diba? Shempre hindi ko pinaobvious ung pagkagulantang ko sa librong kipit-kipit nya. Eto ngaun, kinabog maige ung katinuan ko, nung mabasa ko ung librong binubuklat ni granny.. ano ang title?  A WOMAN’S GUIDE TO PASSIONATE SEX.. o san ka pa?! kinailangan kong lumipat ng pagkakalkalan na libro. Ive to keep my distance from granny kase baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko mapahagalpak ako ng tawa. Sa paglipat ko ng pwesto hindi ko pa rin hiniwalayan ng tingin si lola. At muntik na kong panawan ng ulirat ng makita ko siyang bitbit ang dalawang libro mabagal na naglalakad patungo sa cashier.  Naturalmente para bilhin ang librong un.
Sa cashier area:
Cashier: lola, alin po sa inyo?
Lola: eto ineng, etong dalawang eto. (sabay turo sa dalawang librong nasilip ko)
Cashier: alin po lola? Ito po ba? (turo sa dalwang libro tungkol sa mga hayop na nakapatas sa tabi ng counter)
Lola: hindi yan. Etong dalwang to. (turo ulit sa sex eklavarva na libro)
Cashier: sigurado po kayong etong dalawa na to? (binuhat at tiningnan ang sex eklavu)
Lola: oo yan nga.. pakibilisan mo na nga ineng at medyo nagmamadali ako.
(of course, translated into tagalong nay an.. heheh mas nakakatuwa sana kung hindi ko translate ung Ilocano kaso shempre di lahat ditto nakakaintindi.)
Matapos magkabayaran at magkaplastikan ng mga libro, marahang umalis si lola ng booksale tangan ang mga bagong librong kanyang nabili at marahil ay paglilimiang mabuti once makarating ng bahay. Naiwan ang kaherang nakanganga sa kabiglaanan sa mga librong binili ni lola.
Napaisip tuloy ako, si lola may asim pa? kumustahin naman un?! Ako na 27 years old, zero, nada, zilch ang sexlovelife, samantalang si lola dearest… ayiiiiiiiiihhhh! Di ko maimagine na may lover si lola..
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

14 Responses to BookSale

  1. KU-KI-RU ay nagsasabing:

    Naku sistur hindi kaya ikaw yun in the future?? like yung karaniwang nangyayari sa pilikula… yung old bumalik sa past at nakilala yung younger version nya??.. hahahauii… lola! May asim pa! medyo mapakla nga lang..-KI-

  2. Poldo ay nagsasabing:

    Sus! kunwari ka pa! inggit ka kay lola kasi naunahan kang bilhin yung librong yun! wahahahahaha…Infairness kay lola nagmamadali may appointment?? o gagamitin yung mga nakalagay sa libro??

  3. Axl ay nagsasabing:

    whaha ang kulit ni lola ha … pasaway :Dpero malay mo naman natin na prof yun at yung tinuturo niya di ba?

  4. Mokong™ ay nagsasabing:

    Yanah, masama ba loob mo at naunahan ka ni lola? hehehe joke

  5. kheed ay nagsasabing:

    hahaha si lola aktibo pa din. hang lupet!

  6. khantotantra ay nagsasabing:

    watdapak…. kabogera si lola. Mas may asim pa sa lemon at sukang paumbong. over!baka naman ireregalo niya sa mga apo niya… pamana para ang mga apo at anak ay may alam sa sex. 😀

  7. Anonymous ay nagsasabing:

    sounds ampalaya!!!hahaha! naunahan ka lang kamo sa book! lolan_indecent_mind

  8. Rhodey ay nagsasabing:

    hahaha nakakatawa naman si lola pero gayon pa man e ganun talaga hahaha..ilokana ka gayam?..keep sharing hehehe

  9. gesmunds ay nagsasabing:

    hahaha!kakatuwa naman siya,, buhay pa ang sexlife!baka kulang pa siya dun kaya naghahabol pa,, bago man lang madeds e maka-quota siya.. lol! ;)grabe,, ang dami mo na sigurong books! ma-try nga yang 2-3 books per week. makaya ku kaya?!

  10. Super Balentong ay nagsasabing:

    wala ka kay lola! panis ka… bili ka nun ganun libro, mag advance reading ka na rin. hahaha.

  11. hArTLeSsChiq ay nagsasabing:

    first time ko ata dito at nakakatuwa pa ang unang post na nabasa ko…huwaw taas ang kamay ko kay lola…may asim pa talaga…hahahahabooksale fanatic din ako, madalas readers digest tinitira ko para maraming mababasa…hehehe

  12. Nortehanon ay nagsasabing:

    pang-regalo ni lola yun! hehehehe.Yanah, iha, you got mail 🙂 Sorry late reply. Kasi ngayon lang ako nakapag-open ng mail.

  13. YanaH ay nagsasabing:

    KINakuu ayoko naman maging ganyan in the future.Kaya ngaun pa lang, buy na ko ng books hahahaha Para hindi dyahe.POLDYTseeeeeee hahahaha di ko na kailangan ng mga ganyangLibro noh :-“ bleh! HahahaAXLHmmm cguro nga.. pero base sa katandaan nya, I don’t Think she can still teach.KUYA MOKSTo be honest? Hehehe slight hahahahaKHEEDKaloka diba? HahahaKHANTOKorek! Tinalo ang sukang iloco hahahaha. Baka nga pangregalo.Mahadera lang si ako. HahahaKUYA AIMNaamoy mo ba? :PHindi kaya noh. Wak ka nga jan! RHODEYHaan manong. Tagalong siak.. :d makaintindi lang ng kaunti. Siak?PRETTY MADJPOTATO :DJusko.. natawa ako sa gusto pang makaquota hahahahaKaloka ka. Hehehe ung books di naman necessarily na babasahin mo agadYou can keep it tas read mo na alng kapag wala kang magawa. Collection ko kase talaga.SBWeh! Di ko na kelangan nun noh.. mas maganda ung natuto ka in action hindi ung base Sa libro hahahahahaHARTLESSCHIQSalamat sa pagbisita. Balik ka ulit ha heheheApir! Hehehe booksale fanatic.. marami na akse ko nakuhangReaders digest kaya more no novel books ako.MS. NCge na nga po pang regalo na ni lola un heheheYes po, got your email. Thanks po.. 😀 Youll be receiving more from me in the next coming daysWag po magsasawa hehehe..Get well soon Ms. N…Take care

  14. Lio Loco ay nagsasabing:

    150 per week? tangina, ang yaman mo na nun yanah! ako nga walang pambili ng libro kahit buwanan pa. puro na lang *ubo* bigay *ubo* ng mga kaibigan *ubo* yung mga librong *ubo* binabasa ko. hihi!inggit ka lang kasi si lola techie kaya pang makipag-jerjeran sa paboritong lolo ni karen. lol!

Sarado na ang mga puna.