Reklamo

kakahiwalay pa lang din ng setyembre sa oktubre eh puno na yung bayong ko ng reklamo. OO, napakamarekalamuhin kong tao nitong nagdaang araw. aaminin kong aburido ako masyado these past few days, bawat kibot ko may reklamo ko. lahat ng bagay na nakikita ko pinupuna ko at napagdidiskitahan ko. iritable masyado. bakit? hindi… hindi gaya ng iniisip mo.. its not the time of the month.. hindi nakataas ang red flag. sadyang ganito lang talaga ko kapag dumadating itong panahon na to. hindi lang minsan kong sinabi na I HATE OCTOBER.. at hanggang sa mga panahong ito.. yun pa rin ang sasabihin ko. kung pwedeng burahin sa kalendaryo ang oktubre ginawa ko na. kaninang umaga habang nakabreak ako mula sa paghahanapbuhay, para akong sira ulong nagchachant sa isang sulok, “skip october, skip october, skip october” wala lang feel ko lang. sa totoo lang wala sana ko balak magblog ngayon kahit na napakaraming pangyayari na worth iwento, kaso gusto ko sanang mailabas lahat ng kaburyuhan ko nitong mga nakaraang araw.


naalala ko nung elementary ako, tuwing oktubre naman kase ang celebration ng United Nations. naiinis ako sa okasyon na toh kase naman i hate dressing up. ayoko ng mga costume-costume, yung mga tipong kung anu-anong ipinapasuot suot sayo.. tas kung sino-sino nagiging partner mo sa pagparada.. ang haba-haba pa ng lalakarin tapos masusundot ka pa nung karayom ng sash mo kung san nakasulat ung bansang nirerepresent mo dahil sa kalikutan ng partner mo na kung minsan mamalasin ka matatapat ka sa partner na sampung taong gulang na pero ano at nagtutulo pa rin ang laway kahit mulat na mulat at hindi naman natutulog. minsan naman natataon na ang kapartner mo eh pakiramdam nya siya lang ang anak ng DIyos na may karapatang magpayong. kebz kung matusta ka sa init ng araw habang naglalakad, basta wag lang siyang masinagan ng araw. ang isa pa sa kinaiinis ko eh hindi ko gusto ung mga bansang na nabubunot ko. hindi ko na sasabihin kung ano ung mga un.






– nung nakaraang saberdei, tinanggal na ang semento sa right foot ko… sa kadahilanang balik trabaho na ko kinabukasan.eh kase naman kawawa naman ako kung papasok ako sa trabaho na may semento ang paa…haller nasa 4th floor kaya ung office namin.. tas hindi naman uso ang mga lifts(ngelebeytor) dito sa begyow.. sa SM lang yata may ngelebeytor… aakyat-baba ako sa 4th floor ng nakasemento ang paa.. kumustahin naman un?! .. eh di natanggal na.. uuwi na ko.. eh ang hirap maglakad lol.. hindi ako sanay na walang balot yung paa.. hindi ako pantay maglakad.. putek.. nagmukha akong penguin kung lumakad.. nanghihinayang ako kase ang linis nung cast ko. hindi ko man lang napapirmahan sa mga kaututang keyboard ko sa iba’t-ibang klaseng kamunduhan na sina UNNIversal remote, eMPty cartridge, kuya AIM, lukaret na Rainbow Colors, Polding Bed, SuperB at kung sino-sino pa.. sayang talaga… next time na lang!


– sunday, first day back at work….ok sana… despite sa pabago-bagong modules na pinagbibigay nila saken, keribelles naman sana kundi dahil sa isang estudyante ko na may malakas na sapak yata sa kukote nya.. tinapunan ba naman ng pepsi ung suot kong pants… intentional.. pagkatapon nya.. tinawanan pa ko ng muret. ang sarap pilipitin ng leeg..


– dumating dito sa begyow citeh si Big Bad Wolf kasama ang babaeng mukhang DOORMAT na tinapakan ng limampung kabayo. sino si Big Bad Wolf? eto basahin mo toh…. ONe..two…..three and last……. yan ang wento ni BBW.. sino naman si DOORMAT? siya ang chakang fiance ni Big Bad Wolf.. and when i say CHAKA.. talagang really chaka…. oo pintasera ko, pero bihira ako mamintas ng full force.. bihira talaga kung mamabalahura ako ng kahitsurahan ng tao ng todo-todo. kaya ko naman itinotodo ang panlalait eh dahil sa todo rin ang kachakahan nya. chaka to the 100th level.. and besides i dont like her… hindi ako nakikipagfriends sa mga tagasalo ng LATAK ko.. naks…. nagpunta sila dito para bwisitin ako. ginawa na nilang misyon ang bwisitin ako. gusto nilang kunin si Julyanah… shempre hindi ko ibinigay.sa pagkakaalam ko hang bukas sila dito sa begyow. nagbabakasakaling makita si julyanah.


may nakatampuhan akong isang blogero..naresolba din naman kanina.. ok na kami.. nagkaintindihan na. (i hope) pinakaayaw ko kase sa lahat yung nag-aassume.. pwede naman kase magtanong.. hindi naman ako nangangain ng mga taong nagtatanong.isa pa, libre yun, manong bang magtanong muna bago mag assume para iwas misunderstanding.


– at dahil sa katikatera ko, nakisawsaw ako sa isang isyu sa isang comment section ng isang kaibigan dito sa blogworld. hmmm eh kase naranasan ko na rin un ganun kaya mega react naman ako… sana ok na din.. natapos na rin sana ang isyu.


– dalawang tulog na lang.. ayawan na! waaaaaaaaaaaaaa can you please wake me up when October ends? yay!


tama na nga tong kalokohan na to. may thank you section as always..:


salamat sa mga sumusunod:


thank you kay ms gugel.. at kay mr. A.. alam nyo na yun hahahaha


salamat sa walang sawang pagpapangiti.. pakikipagkulitan kahit medyo madalang na ngayon… Poldy and Unning


thank you sa dagdag kumikitang kabuhayan MP (lagi ka na lang and2 sa thank you portion k. lol)


hekshuli.. madami pa.. tinatamad na nga lang ako.. next time na lang hahahaha
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

17 Responses to Reklamo

  1. Poldo ay nagsasabing:

    Hoy!!! wala lang gusto ko lang magHOY hehehehe..nakakainis naman kasi kung di pa ako gagawa ng kasalanan e di pa ako makakapagONLINe haysss i hate life… pero salamat sa laging pagbanggit sa aking napawagas na pangalan! lagi akong kinikilig!! alam mo na kung saan hehehe..puro ka reklamo! be thankful ok?? hihihi.. haymishue big yanahbanana!

  2. Unni-gl4ze^_^ ay nagsasabing:

    lol dun oh na parang penguin maglakad ang dami kong tawa pwamis hahaha,,,di pa makaget over lols~~teka may work ka pag sunday???tsk tsk,,,,waahhh ganito nlng gawin mo pag sasapit na yung october..isipin mo na january ulit yun tapos pag tapos na ang october ayun year 200001000013200 na pala bwahhaa jokes lng yanahbanana….di ko talaga mapiktyur out kung ano itsura ng gf ni big very very bad wolf rawr~~haha,,,ayun so ok na kau nung nag aassume?lols wala lng nakikiepal lng ~~~SMILE yanah banana~~~

  3. maginoongbulakenyo ay nagsasabing:

    para di ka ma badtrip sa October, isipin mo na ang October is the month of the HOLY ROSARY.

  4. rainbow box ay nagsasabing:

    syempre may pasasalamat section din dito. kaya may i cry the tears ako ulit. hahaha! ako na talaga ang dramatic actress. lol!o diba! pati ikaw napapa2 days nalang!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!i told you! wag nega! expect something good on your birthday!!!!! yiheeeeeeeee!!!!!!!!! me love you! =)

  5. Axel ay nagsasabing:

    parang ayoko na tuloy mag-comment tatakot na ko.. hehehe.. cool ka lang ate yanah..

  6. Bino ay nagsasabing:

    pag november na, birthday ko na! tatanda na naman, kaya october muna pede? hehehe. Joke lang ^^

  7. khantotantra ay nagsasabing:

    i remember the united nations day sa skul noon, pero ligtas ako kasi mga good lookings lang ang pinag-cocostume, bawal daw average looking :pchillax lang yanah….

  8. Benh ay nagsasabing:

    Start na nga BERfest kaya okei lang daanan na ang October para naman mahaba-haba ang BEERfest.. hehe! peace! πŸ˜€

  9. =supergulaman= ay nagsasabing:

    awayin ba ang october…. ahahaha! pero sabi sa chismis ang october 2010 ay isa sa pinaka-espesyal na october sa loob ng 1000 taon…ang sabi daw kasi…ngayon buwan lang daw kasi meron 5 friday, 5 saturday at 5 sunday all in one month na nangyayari lang tuwing ika-823 taon… at bukod sa mga yan, ngayong october lang din magaganap ang 10-10-10 (October 10, 2010)… oh ha! ^_^

  10. Axl G. ay nagsasabing:

    patay tayo dian… relax ka lang yanah ung puso mo… hehe πŸ˜€

  11. YanaH ay nagsasabing:

    POLDY-at para sa isang super restricted sa office, bume-base ka pa sa blogpost ko hahaha.. salamt sa isang makabuluhang "quickie" kagabi hahahahahaymisyutu poldy *hugs-hugs*UNNIversal REMOTE- medyo-medyo naintindihan ko ng slight ung comment mo anuver hahaha penguin at assume lang ang nagets ko hahahaMB- honga… thanks for reminding me.. ;)) nakakapanibago.. ang ikli ng comment mo, siksik pa sa sense. :PRAINBOW COLORS-sabi ko nga.. eto na oh, abutin ang trophy sa pagiging best actress nyahahahathank you thank you.. ;))AXEL- wag ka matakot.. hahahaha sa mga impakto lang ako ganyan.. hehehe maka-ate naman toh.. hahaha basa ka ng basa.. kelan ba ko makkpagcomment sa page mo?INSAN BINO-naks.. nobyembre pala.. adbans hahahaha…ayos alng yun.. sana berdey mo na! hahahahaKHANTO-kaloka to, may mga ave-average looking pang nalalaman hahahahaBENH-di masyado makarelate sa octoberfest ngaung naandito na ko kabundukan. pero nung nasa kapatagal pa ako.. aba talaga naman.. inuman kung jinuman ang eksena hehehe joke lang..SuperG- wow.. naks may bagong kaalaman na naman ako.. iba talaga pag may mga SUPER sa pangalan eh.. lagay din kaya ako…SUPER yanah.. wahahahaha ang sagwa…hindi ko naman syado inaaway ang october eh, slight lang πŸ˜›

  12. Unni-gl4ze^_^ ay nagsasabing:

    sorry namen kung di mo nagets kahit ako din di ko nagets bwahahhaa,,ang adik ko lng at mejo lumilipad pa ng slight utak ko slight nlng pwamis hahaha,,,,

  13. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    kandado mo ang gate…. ang bahay… magkulong sa kwarto. bawal kumilos. bawal umalis. πŸ™‚

  14. Mokongβ„’ ay nagsasabing:

    Yanah, inhale…. exhale…. inhale… exhale…. inom ng malamig na malamig na tubig…

  15. pamatayhomesick ay nagsasabing:

    halos pareho pala tayong senti ngayon oct. hingang malalim lang daw ang katapat..;)

  16. kikilabotz ay nagsasabing:

    ate yanah ok lng yun. ^_^. everything will be ok. focus m lng sarili mo sa mga happy thoughts ok? sta th same. be happy

  17. ~B~ ay nagsasabing:

    "dumating dito sa begyow citeh si Big Bad Wolf kasama ang babaeng mukhang DOORMAT na tinapakan ng limampung kabayo."tawa ng tawa si khate :happy birthday Ate πŸ˜€

Sarado na ang mga puna.