VIRUS

at dahil “Ber” months na, ibig sabihn approaching na ang christmas season, ibig sabihin papalamig na talaga. dito sa baguio, malamig naman all throughout the year kaya lang hindi na kasing lamig before. ngayon, kapag nagkita kayo ni katanghaliang tapat sa gitna ng Session Road, tatagaktak din ang pawis mo. mainit sa daytime pero hindi ganun kainitan shempre, may some kind of “coolness” naman. pero pag pahapon, lumalamig na yan talaga. sa kinalulugaran ng aking tahanan, pagpatak ng alas wan ng hapon, literal na bumababa ang langit. minsan zero visibility pa sa kapal ng fog, minsan din umuulan.. abnormal kase dito sa parte ng bahay namin, parang ako lang.

Tababoy ang pangangatawan ko, pero lapitin ako ng sakit. mahina ang immune system ko kaya naman sila ubo at sipon eh ginagawa na akong permanenteng tirahan nila pagkaminsan. at yun nga ang nangyari.. nung isang araw, nakichika ako sa kapitbahay. dadaanan mo kase ang bahay nila bago ka makarating sa bahay namin kaya no choice kapag hinunta ka ni ate. swerte mo kung makalagpas ka agad. si ate kase hindi simpleng pangungumusta ang ginagawa. mas lamang ang chismis. chikadora to the 9th power ang level ni ate. kaya naman nung napadaan ako eh para syang buwakaw na LTO officer na nanghaharang para makapangotong at ng magkaron ng pangkape..hindi ko na iwewento ko kung ang mga chinika nya saken kase hindi niyo naman kilala ang mga taong involve, inabot kami ng 15 minitues na nakatayo sa tapat ng bahay niya habang wala siyang humpay sa pagdadaldal na may kasamang, singhot at haaaaaaatchinnnnnggggg! Feeling ko pa nga may tumatalsik-talsik everytime nagsneeze sya. (english talaga) kaya mega iwas naman ako in a not so obvious way ahihihihi.. at yun finally nakahanap ng tiyempo na makatalilis.. nakauwi ng mapayapa. kinabukasan ano at nakikipagpaligsahan ako sa pagsneeze.. kung may contest, malamang runner up ako.. kinahapunan, sumisinghot-singhot na rin ako kinabukasan, kumakahol-kahol na aso na parang hindi pinapakain at ngayon, ubos ang kabosesan.. tsk tsk tsk.. ang eksena ngayon dito sa bahay, lahat kami sumissinghot at kumakahol, i therefore conclude na ni-spread ko ung virus dito sa bahay.. at mas naging worst pa ung uncomfortability ko, dumagdag pa ung cast sa right foot ko,. limited movement, inaabot ako ng 20minutes para lang makababa from my room hang sa CR sa baba para umihi, ang hirap maligo, kanina it took me 1.5hr bago makatapos maligo. naiinip ako sa sarili kong kakupadan.

ayoko ng may sipon.
ayoko ng kumakahol.
makati ung paa ko, hindi ko makamot.
ang bigat ng pakiramdam ko.
at higit sa lahat, tulog ako ng tulog.
hindi ako to, nawawalan ako ng lakas at enerhiya sa sobrang dami ng tulog. nagiging slow motion ang takbo ng utak ko. ang tagal magproseso ng utak ko. inaabot ng ilang minuto bago mag sink in sa akin ang sinabi ng isang tao. napakaloser ko kapag andami-dami kong tulog.
at ayaw ko ng umiinom ng gamot.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

15 Responses to VIRUS

  1. Mokong™ ay nagsasabing:

    Wahhh may sipon…virus! Buti hindi nakakahawa ang sipon sa pamamagitan ng blogsite… heheheGet well soon Yanah! Ayaw na ayaw ko rin ang may sipon… hirap ng lagi kang sumisnga… masakit sa ilong.Pagaling ka! Try mo uminom ng Poten-Cee, gawa namin dito sa Pascual Lab. Effective yun. My plugging pa no? kahit na magreresign na ko dito

  2. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    HALA! certified abnormal ka na! kasi pag wala kang tulog sobrang hyper ka… tapos pag sobrang tulog ka… sobrang slow naman… ABNORMAL NGA! TSK!virus mo abot dito oh… LOL

  3. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    nag plugging si mokong… take cecon yanah! LOL

  4. Jag ay nagsasabing:

    naalala ko nung nagtatrabaho pa ako dati jan sa Baguio, para akong aso na parating basa ang ilong kasi sobrang lamig nun…na-try ko ang umulan ng yelo literally wayback 2008. at dahil shifting ang work ko nakakahina talaga ng body resistance ang ganun…kaya cguro mahina ang immune mo dahil siguro sa kakaadik mo hahaha…matulog k kasi ng maaga hehehe…water therapy lang yan…

  5. poldo ay nagsasabing:

    akala ko yung virus na sinasabi mo yung namumugad dyan sa taptap mo! wahahahaha..dito malamig narin! sarap may kayakap habang umiinom ng caffe latte nescafe 3in1 version… at dahil dyan…-ayos lang matuyo.. aanhin ang katas kung wala namang sisipsip nito..(pasok ba??)

  6. [ a n t h o n y ] ay nagsasabing:

    tama, rest tska gamot, di nga rin ako naniniwala minsan sa mga gamot na yan, lol pero malaki din naman ang maitutulong. plenty of water, mga 12 na lagok, vitamin c!, wag magpuyat tska umiwas sa stress. ang galing ko magpayo no? wala rin naman akong sinusunod jan eh :D, pwera yung 12 na lagok ng tubig

  7. EǝʞsuǝJ ay nagsasabing:

    pagaling agad! bawal magkasakit! :))

  8. Lord CM ay nagsasabing:

    malamang dahil yan sa pag wee wee mo sa forest na maraming damo 😀

  9. ~B~ ay nagsasabing:

    kagagaling ko lng s asakit Ate Yanah. Kakapoasok ko lng kahapon sa work. Ang hirap lalo na pag nasa abroad :(Pagaling ka

  10. rainbow box ay nagsasabing:

    nakaw!!!! sinisipon ka?? pano na ang video na ia-upload mo??! natapos na ba? inaabangan ko pa yon! tsk tsk tsk…

  11. Nortehanon ay nagsasabing:

    Hi Yanah!Pagaling ka. Drink lots of liquid—water and juice.By the way, natapos ko na ang aking piyesa bilang pagsuporta sa mithiin ng PEBA.

  12. Diamond R ay nagsasabing:

    Yanah, Yan ang lugar na gusto ko tirahan sa pinas.Wala ng iba.kaya ako nandito sa abroad kasi hate ko ang maalinsangan. gusto ko malamig.pero lamig na sana di galing sa aircon.Medyo palamig na rin dito sa Abu Dhabi.

  13. Axl G. ay nagsasabing:

    inom ka lang ng maraming tubig para mabilis mawala ung sakit mo 😀 pagaling kaagad ha 😀

  14. RJ ay nagsasabing:

    Magpahinga, at magpagaling agad. Hindi pwedeng magkasakit ang Mommy ng tahanan. Iwasan na ring makipag tsismisan kay 'Ate'. o",)

  15. YanaH ay nagsasabing:

    KUYA MOKSNaku! Super true! Napakahirap suminga, suminghot at huminga pag may chipon.Tas affected din panlasa mo. Haysss kaya ayaw ko ng sipon. Hehehe umadvertise pa. hahahaMPOo na! abnormal na ko! Oo na sabi eh! Ako na ang abnormal.. ako na!Happy now? HahahaAt umadvertise ka rin.. hahaha magsama kau ni kuya moks wahahahaJAG HEADSauce ka naman! Talagang nai-relate ang kaadikan ko sa pagkakasakit. HahahaWag ka naman maingay. Pambihira. HahahaPOLDYOi ang virus ng taptap at desktop nagamot na noh. Kaya magtigil ka jan.Natawa ko sa version mo ng café latteTONINGHahaha ayos alng. Parehas tayo ganyan din ako magaling sa advise di maaply sa sariliWahahahaha apir!JENTOTSo true.. thanks!LORDCMJusko di makagetover sa pag wee wee sa damuhan? Nalamigan ako sa forest hahahaBButi naman okay ka na B…honga mahirap nga kaya, ingat-ingat din janRAINBOW COLORSTaragis ka.. pagalingin mo muna ko bago ka magdemand ng kahihyan KO hahaha.Naghahanap ka alng ng damay eh hahaha saka boses bading pa ko ehMS. NSalamt po. Ive read your entry. It was really very touching. Naluha po ako.Thank yu for that. Sana isinali nyo lang po un hehehe (dip o ako namimilit pramis)KUYA RHonga.. magwinter na jan eh diba?At least hindi na ganun kainit jan..AXLThanks! AhihihiDOC RJWow! Ure beck! Hehehe naku, minsan napakahirap pong iwasanNi ate kase naman nauuna ung bahay nila sa bahay ko.. hehehe no choice Kundi dumaan sa tapat ng bahay nya makauwi lang.

Sarado na ang mga puna.