Lapis at Papel

mula sa FB wall ko:

“Naisip ko lang yung bolpen at lapis. Kung sigurado ka sa mga ginagawa
mo at walang pag-aalinlangan, bolpen ang gamitin mo. Kung bukas ang
iyong isipan sa pagbabago at pagtanggap ng pagkakamali, lapis ang
gamitin (with pambura).”

-ninakaw ko yan dito.. kay toning.. sorry..walang paalam ahihihi 

LordCM:  pwede k rin gumamit ng liquid eraser kung sakaling bolpen ang nagamit mo at nagkamali ka πŸ˜€

YanaH: eh hindi naman lahat ng tao afford mag liquid eraser eh.. saka mas maganda pa rin ang result kapag lapis na ginamitan ng pambura

LordCM: ang tutuo di naman talaga kailangan ng pambura sa bawat pagkakamaling nagagawa ng isang tao…kung magkataong ganyan nga, masasanay lang tayong nagkakamali dahil may pambura naman..
Ang kailangan natin, matuto sa pagkakamaling yun, wag burahin at gamitin ito sa mga susunod mo pang gagawin.

At dahil ang tutuo, kailanman wala tayong pwedeng burahin sa mga nagawa na natin…

YanaH: sabagay.. may point ka jan.. tulad ng minsang nabanggit ko na, hindi naman eraseure means wrong policy ang buhay natin.. nagkakamali tayo.. pero hindi ibig sabihn na at the end of the day eh olats na olats ang result ng buhay natin, kase hindi naman tayo nasusukat sa dami ng pagkakamali natin kundi sa kung ano ang mga natutunan natin mula sa pagkakamali na yun..

 sabi nila….
ang buhay daw natin may

NO ERASURE POLICY……

sabi nila yun…ang sabi ko…. hindi man natin mabura ung mga pinaggagawa natin… ayos lang… as long as may gawin tayo para maiayos ung bagay na dapat na binura.. once na makita natin na mali.. na hindi akma sa sitwasyon at pagkakataon… hindi man tayo binigyan ng pambura… binigyan naman tayo ng Diyos ng isip… tamang pag-iisip (yun nga lang pagkaminsan sablay ung tamang pag-iisip! hehehe) para maisaayos ang lahat..

DRAKE:  Mukhang di naman eh! Minsan may mga pagkakamali tayo na mahirap burahin. Ano man ang gawin natin nakakatatak na yun sa buhay natin.
Pero ang mainam siguro na imbes na burahin ay itama na lang natin ito sa susunod.

Kung may naibibiling pambura para mabura ang mga pagkakamali ko, eh bibilhin ko yan!hehhe

BLOGUSVOX: Hindi pwedeng burahin dahil kung nakalimutan mo na, sa iba posibling sariwa pa. Ang pinakama-igi ay ituwid sa kasalukuyan at hinaharap kung ano man ang baluktot na nakaraan.

 DUKING: tama ka naman,kaya nga dapat kakaingat talaga sa sasabihin o gagawin,dahil ‘di tulad ng typing,walang backspace ang mangyayaring mali. 

DHYOY: hindi naman natin mabubura ang mga yun kasi nakatatak na yun… may mga araw na makakalimutan natin pero darating din ang araw na maalala natin… hindi man natin nabura,nagsilbi naman itong pamparingas sa atin para ayusin ang storya ng buhay natin…

ADDICTEDTOGREENBELLPEPPER: minsan naisip ko sana merong function na “UNDO” sa buhay gaya sa Microsoft Office.. yung pag nagawa mong mali pede mo lang i-UNDO para bumalik sa dati. kaso wala. once nagawa mo andun na. the only good thing about being human is we have a choice. a choice to do and be better the next time around…

 
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

17 Responses to Lapis at Papel

  1. Lord CM ay nagsasabing:

    Hehehe πŸ˜€ Ano pa ba iko-comment ko eh kasama ako sa usapan sa taas! lolzz

  2. Anthony ay nagsasabing:

    "At dahil ang tutuo, kailanman wala tayong pwedeng burahin sa mga nagawa na natin…"-tama, kahit naman ang pambura sa lapis ko hindi nabubura ang lahat, may naiwan, para makasigurado, tignan natin sa microscope-kung sa buhay, mahirap talaga ang pabura bura, lalo lang dudumi ang papel, ninipis at mabubutas, kung sa buhay yun, pero sa ideya at pagkatuto, mas gs2 kong nagbubura, at nagpapalit ng bagong idea.

  3. Anthony ay nagsasabing:

    yes! nakadaan din dito :)nakikipag friendship πŸ™‚

  4. khantotantra ay nagsasabing:

    in a ballpen's point of view(naks may ganun), hindi tayo pede magbura. Ang magagawa lang natin ay maglagyan ng pharenthesis sa mali o kaya maglagay ng footnote at erratum sa dulo. wala lang, naisip ko lang naman

  5. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    Sa buhay ng tao. palagiang bolpen ang ating gamit dahil di mo na toh kailanman mababago pa.-Kapalaran

  6. Poldo ay nagsasabing:

    Ang galing naman (nag pagnakaw ng kwots joke hihi)… sabi nung pilosopong tambay namin kung di mo man mabura ang mga pagkakamali mo nung nakaraan pwede mo naman magumpisa… Let from experience kung baga… kung nagkamali ka man sa nakaraan at wala nang pagasang mabago edi magumpisa ule… sabi nga ng isa sa mga friendster ko online e…-ayos lang matuyo.. aanhin ang katas kung wala namang sisipsip nito… Oha!

  7. Mokongβ„’ ay nagsasabing:

    Nice post Yanah… Tama ka about ballpen at lapis. Dapat ngang pag isipan muna lahat ng bagay at desisyon.Salamat sa comment mo, hiningal nga ako sa paggawa ng post ko na yun wala ngang tuldok…hehhee mbilis kasi yung utak ko mag isip non, hahaha!

  8. Led ay nagsasabing:

    Haha, tama yung isang comment, meron namang liquid eraser para sa ballpen. XD lol

  9. Vernz ay nagsasabing:

    walang undo sa buhay… kung nagtatype ka halimbawa… walang pakialam kung malili-mali yun ..yung ang maraming typo.. pero kung gusto mung siguradohin.. kahit hinay-hinay basta sigurado..hahha..haha.. daan ako yan..

  10. Traveliztera ay nagsasabing:

    hahaha anlalem ng naging usapan pero super may point… kahit anong instrument pwedeng gamitin sa pagsulat… kahit burahin mo pa yan, may bakas pa rin yan kasi talagang lahat ng ginagawa mo, kahit anong bura mo, may bakas yan. ang magagawa nalang natin e matuto ron at alamin pano na ang tamang diskarte sa susunod na mga araw… πŸ™‚

  11. gesmunds ay nagsasabing:

    agree ako… kung sakaling nakagawa ka na ng mali.. you dont necessarily have to erase it, mahirap na un. what we can do about it is to face it, deal with it and learn from it. (charged to experience!)tc Yanah! πŸ™‚

  12. Lio Loco ay nagsasabing:

    para sakin walang kaso kung bolpen o lapis ang gamitin mo sa pagsusulat ng takbo ng buhay mo. dahil kahit mali pa 'yan, maipagmamalaki mo pa ring di hamak na ang pagkakamaling 'yun eh tumulong sa ikalalago ng iyong mga naranasan bilang tao at pagkahubog ng iyong pangkalahatang pagkatao.

  13. duboy ay nagsasabing:

    yanah babe!musta, si chico to sa dubai. im opening my blog again, pls add me to your blog roll. na add na kita. hmm dami na nagyari ah since umuwi ka pinas. ur a survivor and fighter so kayang kaya lahat ng challenges sa buhay.heres my site, http://www.oslekdude.blogspot.comslamat!

  14. bosyo ay nagsasabing:

    muling bumabalik, at dumadaan, by the way, thanx sa pag daan sa wala kung kwentang blogs..:-)sa uulitin

  15. Anthony ay nagsasabing:

    -ayos lang matuyo.. aanhin ang katas kung wala namang sisipsip nito… natawa ako dito πŸ˜€

  16. pamatayhomesick ay nagsasabing:

    simple pero may dating at aral toh…hi yanah! hope makabawi ako ngayon month nato sayo..:)

  17. Nortehanon ay nagsasabing:

    Sana marami akong oras mag-fb, baka sakaling makabuo ng isang kwento tungkol sa mga magiging usapan doon ;)Magandang hapon, Yanah! Have a great Monday to start the week with.

Sarado na ang mga puna.