trip to memory lane kasama ang TSINELAS

Naalala ko pa nung kabataan ko..every vacay, umuuwi ako sa Nueva Ecija to spend my vacation there together with my lolagrannies na kung hindi mashoshondang daliginding eh mashoshondang widower. o diba, saya! napaka-adventurous ng summer vacation ko lagi, grabe! hayss! napakaraming bawal. Bawal ang candies, chocolates, chips, bawal maglaro ng wala sa oras, ang tv may oras din (well, as if naman may mapapanuod ka din!) tuwing umaga inuutusan akong bumili ng pandesal, bumibili din ako ng bawal, pagdating sa bahay isasabit ko muna sa may gate yung plastic ng bawal pagpasok sa loob ng bahay kukutsabain ko naman yung kasambahay na ipasok niya sa kwarto ko. tapos itatago ko sa ilalim ng kama, then ill make kutkot kapag bed time na. required ang aftie nap, hindi naman ako fanatic neto. (lahat naman yata ng mga bata). pagka sinabing matulog na, papasok na ko sa kwarto.. PERO hindi ako matutulog, dun ako magkukutkot nung mga bawal na pinagbibili ko. kung anu-ano ang gagawin. after 1.5 hours, kukusutin ang mata maige, guluhin ang buhok, lukutin ang kumot at ibahin ang pwesto ng mga unan.. maya-maya, all set to go out and face the judges.. huhusgahan ka ng mga matatanda kung maari ka ng maglaro. “good afternoon lola” ang drama paglabas ng kwarto.

meron ding tinatawag na aftie task. ang task ko magdilig ng halaman..eh pusang gala! napakaraming halaman.. parang orchard! minsan iniinspeksyon ang ginagawa ko kaya hindi makagawa ng kabalbalan, pero kadalasan hindi, kaya tuloy ang kalokohan. yung mga halaman na nasa bandang harapan na malapit sa bahay, yun ang talagang basang-basa ng tubig, yung nasa gitna, papadaanan ko lang yan ng hose. pero ung nasa likuran, sorry sila… tagtuyot kung tagtuyot. ang pinakaayaw kong task eh yung pagwawalis ng veranda. ang instruction tuwing hapon wawalisan mo un, hindi ka maglalaro hanggang may makikita silang kalat dun. eh susmasryosep naman.. ung veranda nasa ilalim ng isang malaking puno ng acacia na konting ihip lang ng hangin eh nagkakalaglagan ang mga bulaklak. kelan ka pa makakapaglaro? after 48 years?!

bata pa lang ako, alam ko ng wala akong future sa matematika. alam ko nuon pa man na bobotics talaga ako sa math na yan. ewan ko ba makakita lang ako ng mga numero na kailangan i-solve eh natataranta na ng major major ung utak ko as in. sa ibang bagay kase nagiging matataba ang ugat ng mga utak ko eh hahahaha.. kaya naman ang isa sa mga lolagranny ko eh (guro ng physics) eh binibigyan ako ng math exercises everyday. diosmio! isang yellow paper na baliktaran ang binibigay sa akin para sagutan. eh hindi naman ako binabatanyan habang sinasagutan ko yun kaya ang ginagawa ko eh pinapasagutan ko dun sa kasambahay namin (paaral nila sa highschool) in a separate paper tapos kokopyahin ko. after one hour…….takbo na kay lolagranny…. YEHEY! pwede na maglaro…

ilan lang yan sa mga kalokohan ko nung bata ako. bigla ko lang naala kung gaano kasarap ang pagiging bata. wala kang major major problema. ang tanging problema mo lang eh kung kailan ka papayagang maglaro, o kung papaano ka makakakain ng paborito mong tsokolate (hindi made in china ha) ang simple ng buhay nung bata ka pa. wala kang isipin, malilit na obligasyon lang na madalas eh tinatakasan mo pa o ginagawan ng kalokohan…….ang sarap maging bata.. ang sarap bumalik sa pagkabata…

kaya naman, sa mga kaibigan nating jan lalo na sa cebu region… inaanyayahan ko kayong suportahan ang proyekto ng tsinelas na “Their Book” kung saan ang mga prominenteng manunulat, kolumnista, musikero, pintor, politiko at iba pang mga prominenteng personalidad sa lungsod ay magdodonate ng kanilang mga libro upang ipagbili sa publiko dagdag pondo para sa iba’t-ibang proyekto ng tsinelas. ang tsinelas ay isang non-profit organization na nagbibigay ng “educational assistance” sa mga kabataang naghihirap ngunit pursigidong makapag-aral. layunin ng organisasyon ang matulungan kapwa estudyante at mga guro sa pagbibigay at pagkakaroon ng tama at nararapat na edukasyong angkop sa mga kabataan.

para sa mga interesado sa proyektong ito at sa mga darating pang mga proyekto ng tsinelas.. maari nyo silang bisitahin ditooo dito nga.. as in dito talaga… click mo yan! šŸ˜€ sabi nga nila…
“children’s right to education is just one step at a time.” kaya… lika na, sabayan nating ang tsinelas sa kanilang marangal na layunin… lets take the one step… and everything else follows..

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

8 Responses to trip to memory lane kasama ang TSINELAS

  1. Super Balentong ay nagsasabing:

    magaling magaling magaling!ako ay nakikisuporta sa adhikain nang may akda nito, layunin nyang makatulong sa mga batang gustong makapag aral lalo na sa mga batang mahilig sa physics.kamukha nya rin yung host ng kapwa ko, mahal ko kaya suportahan natin ito.mabuhay ka! katarungan para kay ka dencio!

  2. rainbow box ay nagsasabing:

    ai naku teh, kung sa math ka, ako sa sibika bobita. ewan ko ba kase kung sino nagpauso na gawing subject yon. stressful lang grabeh.i love this post! mabuhey ang mga bata! bibisit ko ang link! =D

  3. khantotantra ay nagsasabing:

    sakit sa ulo kapag ayaw mo ang isang bagay pero pipilitin ka nila gawin iyon. grabe sa math exercise.

  4. Nortehanon ay nagsasabing:

    Hi Yanah!Nakatutuwa kung paano mo hinabi ang iyong kwento mula sa iyong karanasan hanggang sa pagpasok ng adbokasiya ng Tsinelas. Tunay ngang ang kaisipan ay napakalaya.At isang bagay na hinangaan ko sa iyo, you were true to your words when you commented that you will help spread the word. Maraming, maraming, maraming salamat! Be blessed!

  5. Diamond R ay nagsasabing:

    Ang sarap maging bata at balikan ang mga kalukuhan noon. Yang math subject ang unang nagbigay sa akin ng phobia.Yong pasagutin sa blackboard ng isang equation muntik ko ng e give up ang pagaaral dahil diyan.

  6. mr.nightcrawler ay nagsasabing:

    ganun naman talaga kapag bata tayo… mas nagfofocus tayo sa mga kahinaan natin hindi tulad pag tumanda tayo na yung strengths naman natin ang pinapansin kasi yun naman talaga ang dapat. basta ako mahilig ako sa math nung bata ako. hehe. atleat na-enjoy natin kabataan natin šŸ˜›

  7. I am Xprosaic ay nagsasabing:

    Ayos oh… I remember my outreach programs way back yearsss ago! lol

  8. Vernz ay nagsasabing:

    ay talaga yans….katuwa naman tung experience mu… pero saludo ako dun sa mga taong nagtsisinelas..lol.. pwera biro..galing ng advocay na to…

Sarado na ang mga puna.