Bounce Bounce Bounce

“Don’t go chasing the sun unless youre really sure youre ready to hold it in the palm of your hand.”
A friend and a friend are involved with each other. They started out as friends naman tlaga.. then nabuo ang group. Kahit ako ang pinakamalayo, hindi naman ako nahuhuli sa chika.. ano na lang ang silbi ng text, blog, fb, calls etc etc.. wala man ako physically everytime na magkakasama sila, well, spiritually andun naman ako hahahaha ang mga unang subo ng pagkain at unang lagok ng mga inumin inaalay (parang santo lang hahahaha) sa akin. (sabi nila) Masaya.. as in Masaya talaga ang grupo. Madalas bumaha ng mga sms..mula alas por  ng hapon hanggang alas eyt ng gabi… magreresume ng alas payb ng umaga hanggang alas yet minsan alas nayn din ng umaga. Depende sa mga skeds nila. Bumabaha rin ng mga komento sa FB.. yurakan ng mga larawan. Blah blah blah.. nito ngang nakaraang buwan eh umakyat ang buong grupo ditto sa kabundukan to spend the weekend with me. (naks! Special yata toh.. pinupuntahan pa talaga!) we had loads of fun.. two of them were first timers here.. kaya major major gala to the max ang ginawa hanggang sa ang mga human powers na nila ang sumuko. In those times… uber sa close talaga si friendship R and friendship J…kainggit na nga minsan eh… parang napapalibutan sila ng sangkaterbang langgam PERO, wala silang pakialam.. you and me against the world (yung mga nakapalibot na langgam ang world nila) ang dramarama nila. Ang alam ng lahat okay sila. Ang alam ng lahat.. magtatagal talaga sila.
Bago pa lang naman din talaga sina J at R…. ilang buwan pa lang.. pero naisip naming na since friendships na sila.. mas magiging madali para sa kanila ang mag-adjust into being a couple.. kase halos kilala na nila ang bawat isa. Wala pala talagang kasiguruhan. Walang tiyak. At walang nakakaalam. Umalis sila dito sa kabundukan na puno ng pag-ibig (I hope im not exaggerating) ang puso para sa isa’t-isa. Masaya ako. Masaya kami. Para sa kanila.. nitong nagdaang lingo lang yata ng ng magcelebrate sila ng kanilang monthsary. Binati (greet) namin sila.. ang alam naming okay pa.. ang akala naming maayos pa sila.. akala lang…. hindi na pala..
Dahil sa namahinga na ang isang ngelpown ko para sa smart, hindi ko na sila gaanong nakakatext.. nakikibalita na lang ako sa isang kaibigan na katext ko malimit dun sa isang ngelpown ko na panglandian  globe. Ngayong araw na to, bumulaga  sa akin ang isang blog entry na talaga naman nakapagpagulat sa akin. Wala na sila. Inamin ni J na kasalanan niya. Na siya ang nagbago. He fell out of love. Madalas na may rason tayo why we fall in love with a certain person. Hindi tayo nauubusan ng dahilan pero kapag usapang fell out of love na, wala kang maaapuhap ni isang rason why that person has fallen out of love. I guess this is what happened to J. ewan ko, I don’t wanna assume anything. I don’t know the real story. But based from J’s blog post, ang conclusion ko is, hindi pa talaga siya ready na maging Masaya na kapiling ang ibang tao. I think he still has a lot of issues to resolve with his innerself para maging happy talaga siya. I just hope na hindi muna siya pumasok sa isang relasyon ulit agad-agad. Kase unsure pa sya. Undecided. Hindi lang sarili ang pinahihirapan niya, madalas na nakakasakit na siya ng damdamin ng iba.
The sun signifies happiness. If you aren’t really sure you wanna be happy.. don’t go chasing the sun. dahil kung hindi ka pa rin talaga sigurado, mapapaso ka ng todo sa init ng araw, mas lalo na yung mga taong masasagasaan mo. Whereas if youre really really as in 100% sure that you wanna be happy, go and reach for your sun.. cos no matter kung gano kainit ang sinag ng araw, as long as sigurado at alam mo sa sarili mo na gusto mong maging Masaya, you’d be willing to risk your whole life in order to hold YOUR SUN in the palm of your hands..
***paano na ang grupo..? **
This one’s for you R… miss yah friend!
Advertisements
This entry was posted in frienship, lost, love, story. Bookmark the permalink.

9 Responses to Bounce Bounce Bounce

  1. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    I feel for you…. *parang inulit ko lang to ah…. tnt*

  2. YanaH ay nagsasabing:

    @ MP.. adik much.. sana ni-link ko na rin dito ung blog post mo saka ung wall post sa FB ko noh? anu sa tingin mo? ahhh hindi mo makita… anong sa palagay mo? ahhh hindi ka mapalagay. oo na cge na.. umuwi ka na! hahahaingaterz pag-uwi beshy… heksaytment much to see you ulit hahahahaha

  3. Jinjiruks ay nagsasabing:

    mga adik enoh, parang hostage taking ang balita. hehe. tama ka naman sa lahat ng sinabi mo yanah. siguro kelangan iresolve muna ang mga issues sa sarili para kung ok na, ma rerecprocate ang pagmamahal sa iba. bow.

  4. The Gasoline Dude ay nagsasabing:

    Bloggers sila? Sino? *Chismoso mode* LOL

  5. Super Balentong ay nagsasabing:

    hhhmmmm. sino si J? e tsismoso ako eh. fell out of love daw, gasgas na 'yan.

  6. khantotantra ay nagsasabing:

    da who ang couples? hehehanyway, it's true na madaming reason para sa fall in love pero bihira sa fall out of love.Maybe, just an assumption, baka ang friendship ay inakala talagang love.

  7. Vernz ay nagsasabing:

    sorry dear.. di ko na nabasa ang post mu … mamayang gabi nalang … wait you ask about my email? its vlyluga at gmail dot com..

  8. Nortehanon ay nagsasabing:

    Hmn, pwede ka nang gumawa ng section na Dear Yanah. Para yun sa mga may problema sa pag-ibig hahaha!

  9. YanaH ay nagsasabing:

    @ JINJIRUKSganun tlaga ang balita parang apoy kugn kumalat hehehe.. @ GAS DUDEtsikertong malupet@ SUPER BALENTONGsauce! umandar ka naman! hahahaha palibhasa kase siguro linya mo rin yan. kaya gasgas na gasgas na sayo.. behlat… isa ka pang tsismoso! wahahahaha@ KANTOso true… hmmm baka nga ganun.. minsan kase mahirap i-distinguish ung affection for a friend saka yung isa…@ MS. VERNZemail sent na po! hihihi@ MS. NORTEHANONhehehe thank you naman po Ms. N. i just hope i wont be receiving any email from you soon about breaking up with bf stuffs hehehehe

Sarado na ang mga puna.