di bale ng magutom pumayat lang!!!

OO na… buma-blog pa ko! humahabol ng post bago bumaba sa kapatagan ng Kamaynilaan mamayang alas tri ng ey em.. eh kase naman napaka ANPEYR! oo na, who says life is fair??? lalo na kapag timbang at pigura ang pinaguusapan… totoo naman talagang masakit sa bangs kapag yan na ang topic sa mga usapan. yung tipong kapag natanong ka, “anong weight mo?” unti-unti kang lumulubog sa kinapupwestuhan mo at nagdadsal na sana eh lamunin ka na ng buo ng lupa.. OA na? wahahahaha wapakels.. blog ko toh….walang basagan ng trip. wahahahahaha..o kaya naman eh gusto mong paliguan ng isan libong mag-asawang sampal ung taong nagtanong sayo para matauhan siya sa tinatanong niya…

may mga tao na kung kumain eh hindi normal na kain ang ginagawa kundi LAMON… bonggang bonggang LAFANGGA! na kung lumamon eh aakalain mong end of the world na mamaya at ayaw nyang gutumin siya kapag nilamon siya ng tubig.. tulad nung napanuod sa deep impact o yung something-something na nangyayari sa 2012. walang patumanggang paglamon ang ginagawa.. katatapos lang kumain pero maya-maya, hayan at nagbubungkal na naman ng kaldero sa kusina. animo’y may mga alagang BEN 10 sa loob ng tiyan niya kung san maaring magpalit-palit ng anyo.. malaki-maliit-malaki-maliit. kaya sige, sige ang KAIN.. PERO… isang napakalaking BUT! nakakabuset lang eh kung sino pa tong mga masisibang magsipaglafangan eh sila pa tong kepapaayat ng mga katawan…. sila pa tong kapag tiningnan mo eh akala mo pinagtataguan ng pagkain sa bahay nila at ginugutom ng matitindi. anuverrrrr! hndi ba’t napaka ANPEYR?!

Meron namang mga tao na kung pwede lang eh wag na kumain.. mabawasan lang kahit na isang guhit ang timbang. mga taong ingat na ingat sa kung anong mga kinakain nila. kung minsan sinusukat lahat. kung minsan nakukuha na lang tumikim-tikim.. pinapahirapan ba ang sarili wag lang lumantak ng sandamakmak na pagkain para sa katawang lupa para hindi madagdagan ang bigat… PERO….PERO… at isa pa ulit napakalaking BUT! wa-epek ang pagpaparusa sa sarili… walang silbi ang paninikis sa kanilang paglalaway na tila mga asong ulol na natatakam sa bawat pagkaing masamyo ng kanilang uber sa sensitive na nose! in short.. wala man lang nabawas sa timbang nila kahit na halos patayin na ang sarili sa hindi pagkain..

sabi nila ang mga tao daw na malakas kumain at hindi tumataba eh mabilis daw ang metal.metab..metabolism…whatever that is.. pano ko ba pabibilisin ang metalbol…melta…metabolism ko na yan? pwede bang tatakbo ako ng mabilis tas bibilis na rin siya? pwede bang matutulog ako ng mabilis na mabilis tas bibilis na rin siya???? jusko naman! kung mabilis ang metabolism ng mga taong yun… siguro… yung metabolism ko nilayasan na ko.. kase naman pinarurusahan ko na ang sarili ko’t lahat walang nangyayari(ok fine.. aamin na ko.. nitong mga nakaraang araw hindi naman pagpaparusa ang ginawa ko.. tumikim lang naman ako ng mga shokoleyt galing sa belgium eh.. tikim lang talaga….pramis… mga.. hmmmmm wag mo na itanong kung ilan) inayawan na yata ako ni metabolism kaya mukha akong bloated dolphin.. tsk tsk tsk kawawang nilalang

isa lang naman ang gusto kong sabihin… walang HUSTISYA! silang mga malalakas kumain hindi tumataba… pero ikaw na pinahihirapan ang sarili… wlang iabng nangyayari kundi lumobo ng lumobo… ANPEYR! nasaan ang HUSTISYA?! magra-rally ako! i swear!

(alam ko yung iba magrreak dyan na with proper diet and proper exercise eh ma-aachieve ang target na weight.. wag na mag-abala ikomento un.. alam ko na yun.. gusto ko lang naman maglabas ng hinaing ukol sa hindi makakain ng kugn anu-anong masasarap hahahahaha)

o sya tama na to at ako’y gagayal na upang magtungo sa terminal ng bus pa-Maynila hahahaha.. napakahirap bumyahe.. pagkaminsan eh kailangan din kaseng bumaba sa kapatagan ng mga taong naninirahan sa kabundukan.. 😀

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to di bale ng magutom pumayat lang!!!

  1. Anonymous ay nagsasabing:

    hindi ka naman mataba ah.sakto lang. swak ika nga.wag ka na masyadong bitter, papangit ka niyan.-ABC

Sarado na ang mga puna.