Halo-Halong Whatever 3 edited

Punyetang pimple toh! ano ba kaseng silbi neto sa human kind? Hindi namna totoo na kapag may pimple ka eh inlababo ka.. takte! nagsusumigaw ang pimple sa pagmumukha ko eh hindi namna ako inlab, kumekerengkeng lang. Sana sa preydey eh wala na to.. pambihira, its one thing na makita ng mangilan-ngilang friendship sa blogkada ang mala-bloated dolphin kong katawan, its another thing kung makikita din nilang ultimo pimple eh malaki saken! anuverrrr. paksyet.

*****

most of my friends (mga kaibigan sa totoong teleserye ng buhay ha) are guys  errr and gays…Dito sa baguio, mabibilang mo sa sampung daliri mo ang mga kaibigan kong babae… mga tatlo…..kasama na jan ung tindera ng suking tindahan ko ng longaniza. hahahaha.. (joke) yun nga kase most of my friends are straight guys.
bakit straight guys?
     a. naturalesang malandi si yanah
     b. one of the boys si yanah
     c. matipunong lalaki in her past life si yanah
     d. mukhang barako in real life si yanah
     e. all of the above

nasa letter F. ako.. f. none of the above.
a – hindi naman ako kalandian… slight lang.. nasa level 2 lang ung pagkerengkeng ko
b – one of the boys? hindi naman ah.. hindi diba? diba? diba?
c – kung naging lalaki ang gender ko nung past life ko malamang sa alamang eh juding ako.
d – sa awa naman ng aso ng kapit bahay namin wala pang nagsasabi na ung hilatsa ng pagmumukha ko eh parang goons sa mga action films.,

so, bakit lmang na opposite sex ako pume-friendship? eh kase pag sa babae ako pumrenship, massapawan ako.. ayaw ko kase patalo. may angking kaartehan ako.. hahahaha seriously, mas nadadalian akong kausap ang mga lalaki.. kase no pretentions.. i dont have to pretend to be something im not just to fit in.. nagfifit agad eh.. whereas sa mga girls ive to have this certain personality para swak din sa kanila. dont et me wrong im not saying na mahirap pakisamahan ang mga babae… hindi naman.. thats just how and who i am eh.. 😀 got a problem with that? isumbong mo kay tulfo!

******
kanina ko lang pala nalaman kugn bakit kailangan kong bumaba mula ditosa kabundukan patungo sa kapatagan ng kamaynilaan sa preydey. eh kase naman nirequire na umattend ng effective teaching seminar.. (depektib daw kase ako) hekshuli, tutuli, its a 5day seminar na pinaghihiwalay.. so sa susunod na 5 buwan eh may isang araw bawat buwan na kinakailangan kong bumaba sa kapatagan para makipagjinuman… este para umattend ng semi-seminar na yan..

******
bakit kaya pag may kumatok or mag door bell sa pinto.. (sa amerika) ang sinasabi nila… “answer the door” nagtatanong ba yun pinto??

******
FICKLEMINDED..
napakafickleminded kong tao. i kept changing my mind. napakainconsistent ko. napakaprone ko sa casual change. undecided. this is my 10th sa list ko ng things i hate about myself.

******
may nakasabay akong dalawang babae na nag-uusap about sa isang kakilala nila na girl na mahilig mag ukay.
sabi nung isa.. ang cheap-cheap naman daw ni ganito.. kase ung mga damit daw eh sa ukay-ukay lang binili. sabi naman ni girl number 2, eh ang cu-cute nga ng damit niya eh. bagay sa kanya. girl 1: cheapangga naman. sus! baka mamaya nyan may skin disease pa yung unang nagsuot nung mga binili niya.
-kaasar lang eh.. gusto kong sabunutan si girl 1 sa kaartehan nya.. mygawd! wala naman sa kung brand ng damit ang isinusuot ng tao.. were not judge by what we wear.. it should be by what we are and how we treat those people around us. may paismid-ismid epek pa yung si girl 1 sarap ingudngod sa semento.. nakita ko yung girl na pinag-uusapan nila.. at alam ko na kugn bakit ganun si girl 1.. INSECURE.. hindi kagandahan si ukay girl pero.. magaling magdala ng damit at ng sarili niya.. something girl 1 doesnt have in her..

******
a few nights ago…. may nakausap akong friend na namoroblema ng slight sa buhay pag-ibig niya.. nagconfide siya saken..ok nman.. sa tingin ko naman eh nabigyan ko siya ng magandang advice.. (nga ba?! ) at natuwa din naman ako sa sarili ko dahil paminsan-minsan eh may lumalabas na makabuluhan sa bibig ko. akalain mo un?! kaya lang, after some time.. bigla kong naramdaman kung gano ka-empty ang buhay ko 😦 napakarami at napakalaki ng vacant space na kelangan i-fill (kaso wlang magpupuno) to make me complete..im like an empty cup of coffee that needs refilling.
******
 ðŸ˜¦ nakakalungkot isipin na hanggang dun na lang ang buhay niya. natapos ng ganun-ganun na lang ang buhay niya. hindi ko akalain na mamaalam siya ng ganito kaaga. akala ko matagal pa kaming magsasama. hindi ko rin inaasahan ang napakaaga mangyayari ito. nabigla din ako. sabagay, may mangilan-ngilang pangyayari (ok fine fine… maraming pangyayari pala) na ako ang may kasalanan, ako ang may sala kung bakit siya nagkaganun. hayssssss sana man lang nagpaabiso siya na lilisanin niya na ang mundo ko pra hindi ako masyadong nabigla. sana man lang binigyan niya ako ng pagkakataon na magpaalam sa kanya. sana..sana..sana.. mamimiss kita… sobra…


namaalam na pala yung isang pinaka-ngelpown ko.. ung ginagamit ko sa smart ko..for some unknown reason to human kind eh bigla na lang siyang bumigay, hindi na daw kayang marevive kahit ilang CPR ang gawin.. sorry na lang ako… 😦

*****
namili na ko kanina ng mga mga bote ng kung anik-anik na pampabasag ng ulo este pampasalubong sa mga plenchip sa kamaynilaa.. aysus! kabigat ah.. kawawa ako neto sa preydey..sana wag ko makalimutan ung jijicam…..wag ko rin sana makalimutan ko yun sarili ko.. at ang pinakaimportante sa lahat dahil tanga ako sa direksyon.. WAG SANA AKONG MALIGAW!

*****
yehey! tersdei na!

happy tersdei everyone!
sasali ba ko o hindi? naguguluhan ako.. 😦
Advertisements
This entry was posted in Baguio, blogworld, empty, friday, friends, kung ano-ano lang, sad, stories, trip. Bookmark the permalink.

7 Responses to Halo-Halong Whatever 3 edited

  1. DRAKE ay nagsasabing:

    naks ang dami kong nalalam tungkol sa iyo ah!hahaha! Parang novela version ng slambook!hahahah!Ingat yanah

  2. I am Xprosaic ay nagsasabing:

    BWahahahahhahah tama si drake… slumbook ba ito?! pero parang nangyari lang lahat sa isang araw ah… random thoughts… lol

  3. Tong-tong ay nagsasabing:

    una sa wentong pimple, victim ako last week nyan. as in nagsusumigaw… buti now, nagfade na. dinasalan much ko yun…pangalawa… kitang kita naman sa pekchur pa lang na girlie girl at byudibul ka yanah. Hihipangatlo… thursday na?? as in day off friday and saturday? namiss kita yanah miss mo din ako? (assuming lang)

  4. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    Haha… ang pimple ay pampangit! tignan mo ko… di ba di ba… haha

  5. Poldo ay nagsasabing:

    sumali ka! pano na yung pans klab mo na may libreng kiss galing sa founder! wahihihihi…Pareho pala tayong malandi este madaling makipagfriendship sa opposite sex! apir dalawang kamay!! kaya nagkasundo tayo! (nagkasundo nga ba?)good luck bukas sa pagbaba ng kapatagan! mag share ng pictures after! at ipost dito ok?! gow!

  6. nafacamot ay nagsasabing:

    pimple lang yan teh…oks lang yan basta wag maging pigsa…lol…ingats ingats bukas…naway wag kang maligaw… 😀

  7. rainbow box ay nagsasabing:

    tinanong ko na rin bakit "answer the door" ang sinasabi ng mga kano. mga echusero. dapat kase, "ask the door". aga aga, ingay ingay!!sana nakisabat ka sa mga babaeng naguusap, tas tinanong mo kung branded ang suot nung girl 1. kung branded nga, sinabi mo sana, sayang naman yung damit, hindi naman kase bagay sayo. hehe..

Sarado na ang mga puna.