Kwento ko. Kwento NIla. Kwento Naming Lahat. Kwentong Kung ano-ano lang. Kwentang walang kwenta. Kwentong walang Kaparakan. May maiblog lang.

Ang sabi ko kanina maaga akong matutulog ngayon. Kase naman 2 oras lang ang itinulog ko kagabi errr kanina pala.. kaya napagdesisyunan kong matulog ng umaga este maaga. Eh bakit buma-blogablog pa ko ngayon? Eh bakit ba? Maaga pa naman ah.. wala pa ngang alas eyt ng evening. Gusto ko kase magwento muna ng walang kawenta-wentang istorya sa pali-paligid ko.
Eto nga, may nagtatanong din.. “yanah, bakit umi-english ka sa mga post mo? Ano meron? May sakit ka ba?” diosmio! Wala ba akong karapatan umi-english ng kaunti? Hmp.. pramis di ko na ulitin.. kapangdugo ng jutaks.. eto pa isa.. “affected ka pa rin? Hindi ka pa rin ba makalet go? Kaya ang seseryoso ng mga post mo. Umayos ka baka ipasok kita sa aparador mo.” Aba! Eh nakikigamit na nga lang ng YM aawayin pa ko. Carebears mo ba kung affected ako or hindi. *major eye roll*

Sa totoo lang eh depress-depressan pa rin ako.. may hang over pa ko dun sa dear bbw . okay na sana eh. Maayos na sana ang mood. May naisip na nga ko solusyon hekshuli, c Pareng CM ang nakaisip ng kabulastugan na yun isinuggest nya pala saken. At kaya naman nya naisip na isuhestiyon saken eh dahil sa naniniwala siya——malakas ang paniniwala niya na wala ako sa tamang katinuan.. o diba? Napakasupportive ng kumpare ko.. tsk tsk. Heniweys, goin back.,. ayun nga ayos na sana.. kundi lang nagkaron ng sigalot sa aming komunidad dito. I mean sa family affairness weekend. Instead na maging relaxed at ease ako sa family ko.. aba at naging RIOT pa lalo.. nagkaron ng malakihang away sa pagitan ko at ng sisterette kong maldita-antipatika-kontrabida. Hindi ko na sasabihin kung anong pinagawayan. Basta nag-alsa balutan kami sa housing galore ng lowlah dear matapos umani ng sangkaterbang sayote at kalabasa sa likod bahay nila. May sayote farm kase sila. (bwahahahahaha farm talaga.. kebz) ayun nga, nagkaron ng away, napilitan kaming umuwi ng mga bagets instead na magspend kami ng gabi dun.. BINGO night pa naman.. malakihan ang taya.. tsk tsk tsk (25 centavos isang card hahahaha) kaya umuwi akong luhaan at masama ang loob. Hindi dahil sa BINGO…dahil sa naging away namin ng kapatid ko.. nagcreate ng matinding issue. Pati na rin ang mga nakaraan nabungkal.. nahukay sa ilalim ng lupa ang kasalukuyang nagmumulto sa amin.  I wouldn’t go into details. Hmp. Kaya heto tuloy, depress-depresan ang drama.. san pa nga ba itutuon ang atensyon kundi sa paglafangga ever! Paksyet.. kung ano-ano pinaglalalamon ko dito sa nakaraang 2 araw. Kung iisipin ko hindi ko rin maipaliwanag kung san ko pinaglalalagay ung mga pagkaing nilamon ko.. jusko!

Nung isang araw, may nakasakay ako sa jeep na mag-ama. Yummylicious si daddy.. bata pa.. sa tingin ko nasa late 20’s lang..(bagay kami.. mag 27 pa lang ako.. wahahahaha sana singular dad hahaha) yung anak niya, mga 6 or 7 years old. Nag-uusap ang magdaddy.

Anak: daddy, where are we going? Why didn’t we ride in a taxi?( with the maarte-spoiled tone)
Daddy: were gonna visit your grandma Lucy at church. We will attend her funeral.(mahinhin naman uber. Hindi bagay sa kagwapuhan niya ang pagkalamya ng pagsasalita… hmmmmm)
Anak: why do we have to?
Daddy: because we have to. Don’t ask anymore questions.
Anak: daddy, one na lang…
Daddy: ha? What?
Anak: ddddaaaa-dddddddyyyyyy arrrrreeeee yyyoouuu gaaaaaaayyy?? (alam mo yung tunog ng cassette tape na binackmass? Parang ganun.. tas mabagal)
Daddy: ANO?! HINDI AKO BAKLA! (kaloka si daddy biglang lumaki ang boses)

Mabuti na lang pababa na ko ng jeep ng maulinigan ko un kundi.. hahagalpak ako ng tawa sa loob ng jeep. Kalerki. Yung anak pa mismo ang bubuking sa fudang niya hahahaha.. kung trulagen man na lamyatin si daddy.. hayssss sayang siya! Hahahaha

Pansamantalang nakapahinga ang globe ko. Bakit? Wlang nagtetext hahahaha.. yung iba kase kumu-quality time tuwing weekends diba UNNIversal remote? Hahahaha yung iba naman.. walang load (parang ako lang hahahaha) at yung si KRAS naman.. hmp… busy daw sa …skul

Hindi ko alam kung anong pumapasok sa kukote ng mga taong to at ako ang naiisip nila na i-email. Ano ba naman kase ang mapapala niyo saken. Pambihira naman. Sa tingin nyo ba may matino akong mai-aadvise sa inyo? Eh bali-baliko din ang utak ko. Hahahah.. pero dahil sa nag effort ka na i-email ako (naisip ko rin na baka talagang wala ka na ibang mapili kaya pinagtiyagaan mo na lang ako) magpapakatino ako kahit sandali, at pipilitin na mabigyan ka ng maganda-gandang (at hopefully kapaki-pakinabang para sa ikauunlad ng sambayanan) payong este payo.

Itago na lang natin ang email sender ko sa pangalang PETRA. (sorry.. wala akong maisip na ibang pangalan para maitago ko ung identity mo. Kung anong bango ng real name mo siya naman ikinabantot ng binigay kong codename sayo.. sorry naman) Hindi ko na ilalagay dito ung kababuyan este kabuuan ng liham niya dahil nuknukan ng haba. Nobela kase.

Dear Yanah,

I hope I didn’t catch u in a bad mood with this email. I just don’t know who else to ask for help anymore. I think im going crazy here already. I don’t know what to do. The past few days all I do is just to stare into an empty space. I could not keep my mind off of it. I couldn’t concentrate with whatever it is im doing..

– So feeling naman niya may maitutulong ako para maging normal ang katinuan niya! Diosmio! Petra nagkamali ka ng nilapitan.

**skip several paragraphs**

Kasi yanah, im pregnant. Im 1 month pregnant. Ayaw panagutan ng boyfriend ko. Kasi pala he’s married na. lately ko lang nalaman, I found out when I saw them sa *bleep* mall sa *bleep* city. I confronted him in front of his companion un pala wife niya yun. And the wife is also pregnant. How lucky can I get?Now, I don’t know what to do. Kapag nalaman ng family ko specially my dad, palalayasin niya ako. And if that happens, wala akong mapupuntahan. I don’t know how will I get through this ordeal. Im only 18, still in school. Umaasa lang ako sa allowance from my parents. If they find out about my pregnancy surely puputulin nila agad allowance ko.

Blah blah blah blah…

****here’s what I think Petra, haysss sa totoo lang mahirap ang sitwasyon mo considering na estudyante ka pa lang. hindi na kita sesermunan sa kabulastugang pinasok mo kase it wont do any good. Nakita mo na ngayon ang resulta ng ginawa mo. Hindi ko rin sasabihin sayo na “hindi naman siguro ganun ang parents mo at for sure tutulungan ka nila. Kase alam ko.. ako mismo naniniwala na may mga magulang na nakakatiis sa mga anak (tested and proven)” what I wanted to tell you is, despite na ganun ang alam mong magiging reaksyon ng magulang mo, tanggapin mo. Kasalanan mo eh. Walang magulang ang magtatalon sa tuwa once malaman lumandi at nabuntis ng may asawa ang anak nila. Expected na magagalit sila. Maari pa ngang itakwil ka. Magkaganun man, tanggapin mo pa rin. Wala ka naman ibang mapagpipiliian. Walang kang ibang masisilungan. Sa ngayon, harapin mo sila at ipagtapat ang lahat para kahit papano gumaan din ang pakiramdam mo. If after you told them the truth eh magresolve sila sa pagpapalayas nga sayo(wag naman sana) email mo ko ulet. Yung pinagusapan natin kanina.. aayusin natin. Pero, ang naisip ko lang pano kung after what you did eh tanggapin ka naman nila? After all anak ka nila. Apo nila yang dinadala mo. Alam kong iniisip mo na maaring ang mga magulang mo eh tulad ng magulang ko.. walang taong magkakapareho Petra, iba sila sa magulang mo. Malay natin diba? We’ll never know unless gawin mo.. kausapin mo sila. From there lets see what happens kung ano man ang magiging sunod hakbang mo. I wish na sana maging maayos ang lahat para sa iyo at sa magiging anak ko. Dasal ka lang.. it’ll all be alright.. ..keep in touch.***

Ayan.. may permiso ni Petra ang paglalathala ng piling parte ng kanyang liham. I decided to blog about it para malaman na rin ang opinion nyo. Tama ba yung pinagdadaldal ko sa kanya. May katinuan ba yung pinagsasabi ko? Kase kawawa naman yung bata kung puro kagaguhan lang ang makuha saken.. hehehehe..

Tama na nga toh.. 8:30 na… bukas ulit..

Bye. Goodnight.

Ay nakalimutan ko… HAVERDEY pala sa blog.. 2 years na siya today! Yipeeeeeee! Umabot ng 2 years ng walang create-delete na nagaganap. Umabot ng 2 years na wala ni isa man sa mga kamagrelativity ko in both sides ang nakadiskober nitong kagaguhan kong toh. Kaya ang masasabi ko lang saken.. : Im’ so proud of you Yanah!

KONGRATSUMELEYSHUNS!

Happy birthday Life’s a Twitch!
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

18 Responses to Kwento ko. Kwento NIla. Kwento Naming Lahat. Kwentong Kung ano-ano lang. Kwentang walang kwenta. Kwentong walang Kaparakan. May maiblog lang.

  1. The Gasoline Dude ay nagsasabing:

    Tagabigay ka na pala ng advice ngayon. LOL! At natawa ako dun sa usapan ng mag-ama. Nyahahaha! 🙂

  2. Poldo ay nagsasabing:

    ang haba!! pero binasa ko… kawawa naman si petra.. ang bantot na nga nung screen name ganun pa nangyari sa kanya.. tsk…at panghuli haburdei sa life's a twitch! keep blogging! \m/ Blogenroll! 🙂

  3. YanaH ay nagsasabing:

    @ GAS DUDEnaku! ewan ko ba. feeling yata nila eh ang taba ng ugat ng mga utak ko sa katinuan.. Pwes! nagkakamali sila! wahahahaapir! natawa din ako eh hahaha. sayang si daddy! hahahaha@ POLDOhonga ang haba nga.. kahit ako nahabaan din ako hehehe.. namiss ko kase magpost ng ganyan kahaba.. since berdey ng blog ko pinagbigyan ko naman siya hahaha..ewan ko ba kung bakit Petra unang naisip ko :Dsalamat sa bati(greet) hahahaha

  4. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    Kaasar naman tong post mo… di ko alam saan ako magkokomento… dito na lang ako magkomento:*hagalpak ako sa tawa sa eksena ng mag-ama… tnt ka.. totoo ba yan?* happy birthday Life's crazy like you este life's a twitch!

  5. Lord CM ay nagsasabing:

    "I wish na sana maging maayos ang lahat para sa iyo at sa magiging anak ko"…buntis ka?!!! lolzzzWala ka nga sa katinuan at pati entry magulo :DAt alam ko kung bakit sa kwentuhan ng mag ama nag comment si empi 😀

  6. Anonymous ay nagsasabing:

    dear yanah paano ba lumablyf pak!ikaw na ang ang advisory update bwhahaha..pwede ka nang guidance counselor sa skul namin haha…ang adik~~naku ang adik ni daddy u gay?lols~sinong kumuquality time yanah?di ko ata kilala yun bwahhaha..hayss penge nga ng sayote haha,,namiss kita,,hang busy ng life mo at ang depress natin lols~~~ikaw na hahaa….happy bday sa blog mo wag ng delete-create ha hahahaa….sorry namen late aketch gumala kami at nag pa alipin nyahaha~~~-unni-(tamad mag log in)lols~

  7. TinAtagOng PusO ay nagsasabing:

    josko!binukelya pa ng junakis nya ang kanyang pudra in public pa ha… i love u son..lolzhoy petra!!!kaw ang landi landi mo!wala kang pinagkaiba sa nagpayo sau!choz!!!!hahaha peacenet!!!heype bday twitch…

  8. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    waaahh. akala ko di ko matatapos. pero ang naalala ko lang is yung haverday. hahaha.. Happy 2 years anniversary ditetchiwa. lolz

  9. Tong-tong ay nagsasabing:

    wahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhaahahahhaha npasigaw me ng tawa sa wento ni daddy gay at batang mausisa.happy blog aniversary. sana naging part me ng iyong blogging life kahit sandali palang me here at sandali palang you sa lugar ko.

  10. an_indecent_mind ay nagsasabing:

    awwwww!!! di ako makacomment at makapayo… iniiwan ko sayo ang bigat ng kanyang dinadala… hehe!natawa naman ako sa arrrreeee yyyoouuuu gaaaayyyyyy… hek hek!

  11. Nortehanon ay nagsasabing:

    Magandang gabi, Yanah.Maraming salamat sa pagbisita sa blog ko. Taga-Baguio ka pala. Isa sa mga gusto kong lugar yan. In fact, nitong long weekend ay napabiyahe ako bigla dyan. Sarap ng klima. Pero di ko na-enjoy ang Burnham noong Sabado dahil malakas ang ulan.Happy second anniversary sa blog mo. Mine is also going two in November.I think tama naman ang advice mo kay Petra. It is better na maging honest siya sa parents niya and to be ready with the consequences, sa reaction ng parents niya. Tama ka, wait niya ang reaction ng parents niya and from there, saka na siya mag-decide ng next step. Basta she should just make sure that the next move should always be in favor of the new life that's in her womb. I wish your friend the best of luck.I noticed that you spared a space for me in your blogroll. I am honored. Maraming, maraming salamat sa pag-add, Yanah. Will be visiting you as often as I can.

  12. Jag ay nagsasabing:

    Naku magpapasko na bati na kayo ng sis mo ha? At natawa namn ako dun sa daddy na yun hahaha…Congee sa Blog mo! Keep writing! Thanks sa chat last time. I had fun hehehe…

  13. YanaH ay nagsasabing:

    @ MPWeh… sabihin mo tamad ka lang hahaha..Uu trulalu yun walang halong eklavoo premises..@ CMSorry naman sa typo error anuverrr tao lang hahahaWats new.. naninibago ka pa ba sa kawalan ko ng katinuan?Hmmm alam mo? Bakit? Share naman..@ UNNI(versal remote) Susme ako pa tinanong kung pano lumablayp adik ka din eh noh. Gusto mo humingi ng advise saken? WahahahhahaHmmm cno nga ba ang “mga” kumuquality time ? sinooo? SABIHIN MO! LolAmisyutu sisturrrr!Apir!@ CUTIEHahaha naamoy cguro ng junakis ang daddy nya hahahaTnt naman kung makalandi.. oo na, kaw na ang santo! Bleh!@MDWahahaha kalian mong natapos mo..Thankish much.@ TONGNamiss kita. Ayihhhhhhhhhhhh hahahaUu naman part na part ka hahaha@ INDECENTAt tlga namang nabigatan ako sa iniwan mo.. :D@ MS NORTEHANONSayang.. sana nameet na po kita.. next time mapasyal kayo dito sa baguio let me know po :DAdvance happy berdey sa Nortehanon.. :DThanks thanks po..@ JAGHmmmm :DSalamuch.. ako din natuwa sayo..;)) next time ulit hehehe

  14. mr.nightcrawler ay nagsasabing:

    wow. una, congrats ah. two years na pala ang blog mo! sana humaba pa ang kagustuhan mong mag-blog para masaya. hehe. pangalawa, ang haba ng post mo! haha. pero binasa ko ha? ganyan din kasi ako minsan, mahabang mag-post pero sabi ng ilang kaibigang blogero eh iniiskip read nila. hehe. pwede ka nang pumalit kay ate charo ng mmk. hehe. congrats ulit 😛

  15. Jinjiruks ay nagsasabing:

    amegad, happy anibersari sa blog mo reana. more blogging years to cum.

  16. DRAKE ay nagsasabing:

    natawa ako dun sa dyalog ng mag-ama ah!heheheNaks pwedeng kang kapalit ni charo sa pagbibigay ng payo!Ingat yanah at happy anniversary sa blog mo

  17. YanaH ay nagsasabing:

    @ NEYBOR..naks.. talaga? binasa mo? as in tlaga? true tlaga? hahaha sorry adik lang..@ KUYA JINmaka reana ka naman eh! ayheytu na!@ DRAKEako din natuwa dun pramis..apir! hahahahaingat-ingat din.. slamat drake!

  18. duking ay nagsasabing:

    ever wonder kung bakit mas madaling magbigay ng advice sa ibang tao rather gamitin ang advice sa mismong sarili?ganyan ako minsan eh.good adviser pero palpak na practitioner ng sarili kong advices.hehehe!

Sarado na ang mga puna.