Dear BBW

Dear BBW, (Big Bad Wolf)

O, ano? Masaya ka na? alam mo pa rin na masasaktan ako noh? Ginawa mo na ba talagang misyon sa buhay ang saktan ako? What more do you want? Wasak na nga eh. Nagkalasog-lasog na nga ang puso ko, sirang-sira na ang buhay ko dahil sayo. Hindi ka pa rin ba nasisiyahan? Bakit ba hindi mo pa ko patahimikin? Wala na ko—kami sayo. Why cant u just leave us alone? Kung ilang palit na ko ng numero para lang hindi ka magkaron ng pagkakataon na makipagcommunicate sa akin. Lumayo na kami diba? Umalis na kami. Sana tapos na rin. Wala naman akong hinihingi sayo. Wala akong kahit anong hinahabol sayo. Tumigil ka na sana. Sino ba kasing gago sa mga kaibigan ko ang nagbibigay ng numero ko sayo? Taena! Kaibigan ko ba yun?! Magsama kayo sa impyerno! Nung umalis kami, at lumayo sayo ibig sabihin nun ayaw ko ng maging parte ng buhay ng kahit na sino sa amin. Ano at lagi mo kami-akong ginugulo? Ano ba talagang problema mo? Hindi ka namna nakikipagcommunicate para kumustahin sila. Nagtetext ka—tumatawag ka para bwisitin ako—para saktan na naman ako. Alam na alam mong maapektuhan pa rin ako eh noh? Gago ka talaga! Alam mo yung kung kelan pakiramdam ko okay na ko.. ayos na ko.. kaya ko ng magsimula ng ayos… nakakasabay na ko sa normal na agos ng buhay sabay bigla kang magpaparamdam. Para ka lang multo. Guguluhin mo na naman ung matino kong mundo. Shit yun eh! Shit ka! Wala kang awa. Sinaktan mo na ko, iniwan pero binabalik-balikan mo pa rin ako para saktan.. kasama nab a sa sistema mo ang pagpapahirap saken? Gago ka talaga!

Ngayon, magtetext ka, meron ka pang nalalaman na truce-truce jan! truce-truce-in mo mukha mo! Hihingi kuno ng pabor! Hindi ako tanga para pumayag sa gusto mo. Hindi pa ganun ka-sira ang ulo ko para pagbigyan ko gusto mo. Mapapayag mo man akong gawin un, panigurado, pagkatapos nun sa mental ang bagsak ko. Hindi ko maatim na gawin. Isang taong may matinding saltik lang ang gagawa ng isang bagay na papatay mismo sa kanya. Alam ko nung malaman mong hindi tuloy—hindi nagworkout ung pinasok ko, natuwa ka ng husto.. alam mong miserable ako. Yun ang gustoung-gusto mo yung Makita akong hirap na hirap. Taena mo! Ngayon, ipapamukha mo saken na ano… ikaw lang ang may karapatan? Sira ulo ka talaga. Isasali mo pa ko sa mga katarantaduhan mo sa buhay. Bumabanat ka pa ng, “kahit naman papano may pinagsamahan tayo, sana maging Masaya ka para saken.” Kagaguhan! Kung anu-anong kabulastugan ang trip mong hayup ka. Mag-isa ka sa pagiging Masaya mo!

Shit ka talaga! Alam mong masasaktan ako. Alam na alam mo rin naman na hindi ako papayag sa gusto mo.nakuha mo pa talaga makiusap kuno saken. Bahala ka sa buhay mo! Hindi ko gagawin at ayokong gawin ung gusto mo. Di pa nasisira ng tuluyan ang tuktok ko.

Maghanap ka ng ibang kakanta sa kasal mong tarantado ka!

I wouldn’t say best wishes…hope you rot in hell you jerk!

Advertisements
This entry was posted in anger, BBW, mixed emotions, pain, past. Bookmark the permalink.

9 Responses to Dear BBW

  1. TinAtagOng PusO ay nagsasabing:

    how sad…snobto death na lng mami!!!

  2. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    wak mag pa apekto

  3. Lord CM ay nagsasabing:

    Hehehe 😀 wag paapekto masyado at baka lalong di makapagsimula

  4. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    langya… ok ka pa ba? im one text away ok! wag ka masyado paapekto jan.. smile to ease ur pain :-_

  5. Hotcakes ay nagsasabing:

    AWAYIN MOOOOOOOOOOOOO!!!! 🙂

  6. duking ay nagsasabing:

    hahaha!ang bagsek.natakot akong bigla.balik na lang ako sa ibang araw.mainit ang ulo ni yanah.

  7. Fickle Cattle ay nagsasabing:

    Panalo ang post na ito. Gusto kong tumayo at pumalakpak.ficklecattle.blogspot.com

  8. Super Balentong ay nagsasabing:

    10% of life is made up of what happens to you and 90% of life is decided by how you react.add mo yan 100% – hahahaha.para kang si miss tapia na odet khan kung magalit.

  9. Anonymous ay nagsasabing:

    pak cge ako nalang kakanta para ang saya ng kasal nila dahil sintonado aketch bwhahha….deadmahin mo nlng sisteret sayang ang mask na iaapply natin papangit tau bwahh..pak~~anonymous kuno ako kakatamad mag log in sa account ko..ako na ang tamad lols~~-unni-

Sarado na ang mga puna.