Kwento ko at kwento nila

Kanina nung nagpunta ako sa market.. may nakita akong mashondang tutyalin na babae na bumili ng pandesal sa danes.. (ang danes ay isang bakeshop na kilala ditei sa begyoow citeh.. para syang julie’s sa kapatagan)
Eksena belles:
Tindero: yes ma’am ano pung senyo?
Mashonda: gib me terte peyses of pendesel (kung pano mo binasa ganun nya tlga binigkas, premises)
Tindero: ano po yun ulit ma’am?
Mashonda: ay sed, gib me terte peyses of pendesel. Did u not hear me?
Tindero: ma’am, thirty pesos po ba or thirty pieces?
Mashonda: that’s wat I said, hndi ke be nakekeneg seken? My god! Such an idiot..
**malay ko kung ano na nangyari sa kanila. Umalis na ko dahil nabili ko na yung vine tea peysos na pandesal na binibili ko..
PLASBAK:
Naalala ko nung ako’y maliit pa.. tuwing bakasyon sa school, I spend it sa nueva ecija with my grannies na kung hindi biyuda eh mga matatandang dalaga.. ang saya diba! Heniweys… tuwing umaga lagi akong inuutusan na bumili ng pandesal, ang layo ng nilalakad ko eh.. parang mula Ayala MRT station hanggang glorietta. Natatandaan ko pa na 75 seyntabos pa lamang nuon ang isang pirasong pandesal. Kapag nakabili na ko.. maglalakad na ulit ako pauwi sa bahay.. habang naglalakad, at naamoy ang nakakaengganyong amoy ng pandesal.. manaka-nakanag nagnanakaw ako sa loob ng plastic at nanginginain (tnt parang kambing lang) ang ending… hindi ko na namamalayan na nababawasan ng nababawasan ung pandesal na binili ko. Pagdating sa bahay mapapagalitan ako kase bilang un. Pero ako deadma na lang kase busog na… inom na lang ng tubig.. pagkatapos sabay takbo palabas ng bahay. Susme naman kase.. alam naman na nilang ganun ang ginagawa ko, wala silang kadala-dala.. ako pa rin ang niuutusan nila..
KASALUKUYAN:
Ang haba ng hair ko! Hahahahaha feel na feel ko ang pagiging mahaba ng hair ko! Eh sa literal naman kase talagang mahaba na ang buhok ko.. kaya napagdesisyunan kong magpakalbo na lang at patattoo-an ang ulo ko———pagupit na… pero…. Next month pa… hahaha
Paksyet! Ber months na starting tomorrow.. humaygawd! This cant be happening… cannot borrow one from three! Hindi ako makapapayag na basta-basta na lang darating ang oktubre.. ..hindi dapat ganun.. kung ako ang magiging pangulo ng bansa, ang unang batas na ipatutupad ko eh ang pagpapawalang bisa ng pagiging valid ng oktubre. Ako mismo ang magbubura sa face of the earth ng oktubre. I hate October. I freakin hate October. Syetness to the core.  January-febraury-march-april-may-june-july-august-septemer-november-december…yey!
Nasabi ko na bang andami ko ring napag-isip-isip nitong mga nakaraan araw dahil sa napakahabang oras ng pagtangla ko? Ahhh hindi pa? pwes ngayon alam mo na! oo! Sinasabi ko sayo.. marami akong napag-isip-isip at napagtanto.. (syet! Akalain mong nag-iisip din pala ako) at isa sa mga napagtanto ko eh kung gano karumi ang utak ko. Oo, tama ang pagkabasa mo.. yung tipong blak n wayt lang ang kulay pero ano’t ang tingin ko eh berde! Tnt(tawa ng tawa)gamit na gamit sa kabalahuraan at kabastusan ung mga matatabang ugat ng utak ko….meron akong plenchip… kahit gano kainosente ang usapan namin.. nauuwi at nauuwi sa kabastusan.. hahahaha hindi mapigilan.. feeling ko kase talaga malakas ang impluwensya niya saken eh.. premises.. diba beshy? Hahahahaha
At dahil sa tapos na ang ang holiday sa ibang lugar.. at kami na lang dito sa malamig na lugar ang nakaholiday (I wonder kung nakaholiday din sa neybor nightcrwler ahihihi) ano pa nga ba at hayan na nga..naramdaman ko na ang mga kaluluwa ng mga taong qumuality time hahahahaha.. tapos na daw siguro  ang vacay kea back to…ewan kung san-san sila nagbabalik hahahaha

umani ng sangkaterbang tanong/pang-uusyoso at umulan ng sandamakmak na kantiyaw ang pagpapalit ko ng profile photo.. eh ano ba kase?! hahahaha minsan lang wag ng kontrahin ng mga kontrabidang rubi jan please lang.. hahahahaha

Kanina… gumorra akechiwa papuntang SM ….para magwatch ng movielation. Kahit na majilo-jilo pa ng dahil sa trangkaso nitong nagdaang dalawang araw.. keribels naman na rumampage for the sake of libre hahahaha… hindi ko na sasabihin kung sino ang nanlibre saken.. kase hindi nyo naman siya kilala hahahaha… (oo na! ako na ang freeloader! Ako na! happy now?) ayun, napili namin ang step up 3.. hekshuli, late na kase dito ang mga movies.. hindi sabay sa showing sa manila bay… kase naman sa mga pagpipilian eh isa ang in my life ni Richard Gutierrez, tnt(tawa ng tawa) hintayin ko na lang sa cinema one yan.. malapit na rin yan hahahaha, ang mamarazzi na hindi ko alam kung sino ang bida at ang expandables.. hindi ko rin alam kung sino.. kaya nauwi kami sa step up 3.. which is ok lang naman… kase napanuod ko din naman ung step up 1 and 2.. astig tong movie na toh, bukod sa 3d sya (at gustong iuwi at gawing souvenir ng sisterette ko ung 3d glasses nya) astig na astig ang mga dance moves.. ang mga effects as in… worth yung price ng movie (250php.. may free snack daw na kasama. – daw kase hindi ko kinuha ung samen- your choice kung popcorn or hotdog on stick)  natapos ang movie ng  mga bandang alas seven.. .kung inakala kong malamig sa loob ng sinehan.. paglabas naming ng SM.. pakensyet… nanginginig ako sa lamig… nakajacket na ko’t lahat ramdam ko pa rin ugn pagsundot ng lamig sa balat ko.. at dun ko napatunayan na hindi makapal ang balat ko.. hehehe kaya feeling ko.. mabibinat ako.. sabi  ng plenchip.. inuuna pa kase ang kalandian.. hahahaha I beg to disagree hahaha… nagiging friendly lang ako noh. hahahaha
Tama na nga toh, I guess ive said too much for today.. next time ulit.
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

7 Responses to Kwento ko at kwento nila

  1. The Gasoline Dude ay nagsasabing:

    LOL! Sarap tadyakan sa mukha nung bumibili ng pendesel! Haha.Hindi ko pa napanuod 'yang Step Up 3D, pero maganda nga daw.

  2. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    waaahhh…. adik si sosyalerang frog. hehehe.. sayang di mi natapos yung eksena nila.Papanoodin ko din yan. hmmp

  3. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    hahaha… englishing si sa manang maton ah… tntsino nagsabing malandi ka? papakulo ko…! tnt

  4. TinAtagOng PusO ay nagsasabing:

    kiriray ka talaga!!!hahaha yun lng!!!tntfull

  5. Jag ay nagsasabing:

    Sana tinapos mo ang nangyari dun sa sosyel na babae at sa tinderow. hehehe…Hahaha ang kulet mo pala nung bagets ka pa hehehehe…

  6. Tong-tong ay nagsasabing:

    hahahaha grabe naman yong mashondang yown!!! pinasulat na lang sana sa paper kung ano need nya sa danes..:Dkapatagan pala tawag nyong taga bagiuo dito samen? =))

  7. Unni-gl4ze^_^ ay nagsasabing:

    waahh nahilo ako sa mga ibang terms..u bekimon?lols~~natawa naman ako dun sa mga grannies na sinabi mo na kung di byuda matandang dalaga ahihi,,kamusta ang pandesal lols~hate mo nga ang october kasi minention mo jan~dec di ko napansin ang oktubre hahaha..waahh sayang ang popcorn di mo kinuha hahaa,,anyways nag enjoy ako sa story telling mo~~hhahaviva~happy weekend~

Sarado na ang mga puna.