Singular

Wala daw masama sa pagiging single, nakakainggit lang minsan.

sa totoo lang madalas kong maranasan yang inggit factor na yan.. naturalesa na kasi sa akin ung pagiging inggiterang froglet.  kaya kahit papano, nasanay na rin ako ahahaha.. kibit balikat na lang.. kaya lang pagkaminsan, hindi mo rin maiwasan na hanap-hanapin ung mga bagay na meron ka dati.. may mga panahong para kang pinagbagsakan ng bubong ng kapitbahay niyo ng langit at lupa sa sobrang sama ng pakiramdam mo, minsan alam na alam mo na sa ganitong pagkaaktaon eh kailangan na kailangan m ng isang taong uupo sa tabi mo, hahawakan ang kamay mo without saying anything, tipong just by being there sa tabi mo, alam mo..ramdam mo na everything will be alright. nakakamiss din ung HHWWSS.( Holding Hands While Walking with matching pa-Sway-Sway pa) tama naman diba? pagkaminsan hinahanap-hanap mo din ung makakasama mo sa ibang lakaran lalo na kapag andun sa sitwasyong ang mga kaibigan mo sa grupo nyo eh isa-isa ng nagpupulasan dahil may kanya-kanyang pagrampa kasama ang mga jowa nila. nakakamiss din minsan ung pagkakaron ng petty arguments.. mga selosan blues.. mga higpitan issues.

Its been over three years since my last serious relationship. what lies ahead? wala. zero. nada.zilch. There are times na naiisip ko na sana may dumating pa.. pero mas natatalo yun ng isipin na “wag na.. ok ka naman na sa ganyan eh. at sa sitwasyon mo, mahirap ng makahanap ng apra talaga sayo.” kaya somehow tanggap ko na rin ung katotohanang, ill be single forever. being single is not that bad.. may mga panahon ng lang  na mamimiss mo ung mga bagay na meron ka dati.. nung mga panahong hindi ka nag-iisa. 

Ano ba talaga tema nitong post na to? wala lang.. tamang emote lang… kailangan ng panandaliang outlet.. masyado ng masikip…kailangan kahit paminsan-minsan mailabas. sa totoo lang din naman, ok naman ako.. masaya ako.. (nga ba?) (what makes you happy? sabay tanogn sa sarili hahahaha) i–enjoy na lang ang pagiging single, kapag may tumukso.. magpatukso.. i mean umiwas.. para walang kumplikasyon..single ka na nga, magdagdag ka pa ng kumplikasyon sa buhay mo.. nababaliw ka na!

kanina sabi ng isang friendship, “im ready na! ready to fall in love again!” (or something like that!)  nakakahawa ng mood.. im happy for him.. sana nga trulagen na yan.. wish you all the luck..! keep me posted! ahihihihi

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

11 Responses to Singular

  1. kikilabotz ay nagsasabing:

    nakikiramay sa iyong pagiging single. ahahaha. ^_^

  2. Jag ay nagsasabing:

    malay mo may makatisod sa'yo na mayamang adonis o db? hhehehe…

  3. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    Yanig, ito pala ang sinasabi mong nag-eemotot ka kagabi… tnt ka! akala ko naman kung anong emotot… tnt!sabi ni jag oh, malay mo may matisod… tnt

  4. Tong-tong ay nagsasabing:

    kung choice mo maging single, there is nothing na kaiingitan mo tama?and being singular has many options and ano… being plural isn't always the best way dibadarating din tayo sa point na magkakamerong pakner in life. there's no need rushing :Dhi yanah

  5. duking ay nagsasabing:

    i'll say na ang pag-ibig,para lang yan nagtitinda ng taho,posible mong malampasan sa umaga pero may maglalako naman ng daing sa tanghali.kung namiss mo pa din,hindi pa rin huli ang lahat dahil bago ka humimlay,may naglalako pa ng balot.abang abang lang yan eh.anu ba 'tong pinagsasasabi ko.hahaha!

  6. Kunwaring Writer ay nagsasabing:

    Masarap maging single! Yan ang pakiramdam ng mga nanay na nagpapasusuo ng kaniyang 10 anak. Saka malaki ang tipid pag single, lalo na pag kakain ka sa labas. Single Order lang. ayos na! pwede ng i-upgrade si Coke at si Fries. Saka mo na lang hintayin ang taong magmamahal sa'yo habang nakatingin ka sa salaming bintana ng lugar na yong kinakainan. SARAP!

  7. Kunwaring Writer ay nagsasabing:

    ironic ba? yung sa nanay… hehe

  8. -=K=- ay nagsasabing:

    Naku wag mo naman sabiheng gusto mo maging single forever. Mahirap rin naman tumanda mag isa! 😀 Enjoy your single-blessedness for now but still aim for your happy ending.Mwah!

  9. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    ahahaha… ikaw na single! mabuhay ang mga single.. yahhhoooo@!

  10. iskang_sabaw ay nagsasabing:

    go girl. ganun talaga…minsan kelangan ding magpahinga ng puso ;)http://iskangsabaw.blogspot.com/

  11. YanaH ay nagsasabing:

    @ marvin…salamt sa pakikiramay..chos! hahaha@ JAG…hindi na akesh umaasa ng ganyan hehehe, nasa kakaibang mahirap na kumplikasyon ako eh :D@MP….tseeeeeee naman! sa comment.. sana naman naiba sa comment sa text.. anuverrrrr tnt@ TONG…minsan pinaniniwalaan kong choice kong maging single para hindi ko masyadong amramdaman ung bagsik ng impact na hatid ng katotohanang ito hahahadumating na ko dun sa point na nagkamerong(parang nagkamens lang amf hahaha) partner in life.. kaso, sumablay eh big time.. hehehe kaya tulad ng sabi ko, ok na ko sa ganito .:D di alng maiwasan ng paminsan-minsan eh naghahanap ka ng makakantahan mo ng "grow old with you" hahahaha@ DUKING…..i beg to disagree with you on this one.. hahaha kase ung taho dito.. 24 hours nagtitinda.. hindi ka mahihirapan maghanap hahaha anytime—always available. maaring tama ka na abang-abang lang yan.. kaya in my case, hindi pwedeng basta-basta ang pagbili.. kahit na anjan na sa harapan ko ugn paninda, mahirap na basta bumili.. no return no exchange product diba? hehehe@ KUNWARING WRITER…..uu, masarap nga maging single.. i love bein single.. pero masrap din ung plural ka.. may kakaibang saya na pupuno sa lahat ng voids sa buhay mo..@ K…hindi lahat ng fairy tale ay may happy ending.. hehehe i didnt choose to be single forever pero looks like un ang patutunguhan ko.. literally i will not be alone.. ive got my angels.. pero darating din ung time na hihiwalay sila saken.. at yun yung iskeyrrrriii part… oh, well, thats life!@ MIDNIGHT DRIVER…hahahaha… kumusta ang qumuality time? hahahaha@ ISKANG SABAW…hehehe.. kahit na sabihing matagal-tagal na rin, hindi pa rin namamahinga ung puso ko eh.. patuloy pa rin siyang nasasaktan at nahihirapan ng dahil sa nakaraan.. 😀 thanks for dropping by..

Sarado na ang mga puna.