SEX 102

Bwahahahahaha! napapaghalata ang mga HAYOK!!!!! aminin mo na! kaya ka andito dahil naakit ka sa taytol ng entry na toh! nakyuryus ket ka noh? hahahahaha

Almost 2 weeks na kong bangag! bangag sa puyatan.. 2-3 hours na tulog kada isang bente kwatro oras. kape—-kape—–kape…..coffee keeps me sane. Puro kape na nga lang laman ng katawan ko. Less food kase walang gana.(pabor din naman hahaha wak na rumeak ung iba jan! alam na! hahaha) dahil sa puyat. caffeine keeps me going. ano bang kaadikan ang pinaggagawa ko bukod sa paglalaro ko ng plants versus zombies at pagbabasa ng santambak na e-books na inipon na ng panahon sa sobrang tagal ng pagkakaimbak? hahahaha shempre wuma-yam-em din ako ng slight., ep bi ng slight (slight lang talaga pramis! peksman talaga..), blog hop at forumming… nothing much.. hhahaha

Sumasaydlayn din kasi ako.. nakikipag cam to cam ako. isinasapubliko ko yung tone-toneladang bilbil ko at stretchmarks.. (hahahahaha adikk lang nilait ung sarili) Taena! nakakarimarim na isipin! Mygawd! ikakahiya ako ng mga kakilala ko.. hahahaha ay! kamtutinkopit… pwede rin pala.. may takip nga lang na bayong sa ulo para hindi ako mamukhaan. hahahaha.. seriously, suma-sideline ako…sa hirap ng buhay ngayon, kailangan rumampage ng bonggang-bonggang bong revilla para may extra anda rin para sa paggagala, pang shot, pambili ng lalaki emergencies. kailangan mayron kang madudukot kapag may mga emergencies na mangyari.. para prepared ka. I do freelance writing (naks! tutyal pakinggan)  at the past two weeks, halos magkakapanabay ang mga deadlines ko kaya mawindang-windang ako… halos wala na tuloy oras para matulog. may pinag-iipunan din kasi ako.. pinag-iipunan ko kase ung pambili ng lalaki Vigan trip with MYXJJ friends.. (kung matutuloy nga) next month. Adbans berdey treat ko sa sarili ko. at kailangan ko ring pag-ipunan ung napipintong pagbaba ko sa kapatagan ng kamaynilaan kaya mega-sideline akesh.

Madalas, madaling araw (bakit ba tinawag na madaling araw ang madaling araw?) na natatapos ang araw ko. Habang ang ibang mga normal na tao eh nakahilata na sa kama at naghihilik na, ako naman eh abala sa pakikipag sayber seks paggawa ng mga artikulong kailangan i-submit. Dinatnan-alisan na ko ng mga taong kakilala ko sa way-em at ep-bi ako, mulat na mulat pa rin.

Normally, i wake up ng 5am, motherly duties till 6am.. send my kid to school then prepare myself for the day’s tasks.motherly duties…tas pwesto na sa harap ng komfyuter ng bandang 10pm. yan eh kung hindi ako pahihirapan ng Paksyet na jinternetz koneksyon ko. sabi nga ni Super B.(hahaha) loser daw koneksyon ko. hahahaha kung mamalasin ka nga, talagang loser nga.. kaya habang waiting, ginagawa ko muna ang draft ng artices ko, habang nakikipaglokohan sa text kina MP, ASA, TR at nitong mga nakaraang gabi kasama na rin sina MD at PR..(lolz sa mga initials… isipin nyo na lang kung alin kayo jan hahaha) at shempre yung kras ko na (sasabihin ko ba pangalan? hmmm wak na.. baka madiskober nya pa tong blog na to.. malaman pa nyang kras ko sya.. baka di pa kami magkatuluyan bwahahahaha ilusyunadang froglet.. hahaha) basta yung kras ko na taga-dito rin sa city of pines. ayun, matatapos ang landian este kulitan sa text kapag umayos na ang koneksyon ko.. then i start to work..(seriously) or kapag sumuko na rin sila dahil sa esfiritu ng jantokz. ako, naiiwang mag-isa (diba, nakakawa ako? 😦 ) to do my thing.. hanggang madaling araw na yan.. madalas nakakatulog ako bandang 3:30 na..

minsan may magtatanong, “bakit hindi ka pa natutulog?” sagot ko: “ay! kailangan ba matulog?, nekstaym tatandaan ko yan!” “o bakit gising ka pa?” sagot:, ” may amnesia kase ako eh. nakalimutan ko matulog” o, di ka na naman natulog?” sgot, :” hindi noh! tulog ako ryt now.. nananaginip ka nga na kasuap mo ko eh!” tipong mga ganyang usapan lang.. pang-aliw sa sarili ko kapag inaantok na at may nakakusap ako mapa online man o sa text.

kaya pag minsang makausap mo ko at nagtse-tsekwa ako o naghahapon o nag ge-german.. hindi ibig sabihin, marunong talaga ko ng ibang lenggwahe.. jinojowk lang kita.. tinetesting ko lang kung gising ka o nanaginip ka rin habang kausap mo ko. inaalam ko lang kung sino sa ating dalawa ang nanaginip hahahaha.. isa alng ang ibig sabihn kapag hindi mo ko maintindihan…. ibig sabihin nun, bangag ako sa antok… next time mo na lang akong kausapin lalo na kugn may importante kang sadya saken kase, wala ka rin lang mapapalang matino saken.. hehehe…
tama na nga toh..

tara! tulog na tayo…

ZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzz

PS:
kagabi, naitanong ko kay Super B.. kung pano ba mamimiss kugn higaan para naman makatulog ako agad. hindi ko nagustuhan ang sagot niya.. ang hirap kase eh…….sabi niya kase kelangan daw ilagay ko sa kama yung pinakapoging litrato niya… hmmmmm…ayoko na! mahirap masyado un.. pakamatay na lang ako..
goodnight everyone!

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

11 Responses to SEX 102

  1. Anonymous ay nagsasabing:

    Ginawa ko rin ang sinasabi ni Super B. epektib, nananaginip ako at sobrang basa… bwahahaha

  2. Super Balentong ay nagsasabing:

    tsk. tsk. tsk.tatlong beses ko nakita ang pangalan ko sa entry na 'to. hirap akong basahin entry mo, puros kabaklaan yung words, namimilipit at napapanguso ako. hahaha. pero natapos ko naman. kaso ang basa ko dito sa kamtutinkopit ay…kamtutinkopit – kantutin ko pit.pasnesya na, di ko maitago e, hayagan lang. hahahaha. tulog na!

  3. Jinjiruks ay nagsasabing:

    anu ung seks?

  4. kikilabotz ay nagsasabing:

    adik. excited p nmn ako ng binksan ko tong link mo. i hate u . ihate u. ahahahapayo ko lng matulog ng maaga .

  5. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    bwahahaha! certified adiktus ka talaga yantot! hahaha!buti na lang at dinalaw ako agad ni antok at di mo ko nadisturbo sa text… hahahaha! kung nangyari yon baka pati ako nakipagpuyatan din sa sekstrip mo. tntaba! aba! sino sino yang mga initials na yan… gumaganyan ka na ha… busog na busog ka ba sa mga yan? o binubusog ka ba nila? hahaha…reaksyon sa: Puro kape na nga lang laman ng katawan ko. Less food kase walang gana.(pabor din naman hahaha wak na rumeak ung iba jan! alam na! hahaha) dahil sa puyat.— bwahahahaha! wag na umasa yanig!tnt sa coding! adikkk!

  6. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    kamtutinkopit – kantutin ko pit.hahaha… pareho tayo ng pagkabasa balentong… inulit ko pa talagang basahin… hahaha!ano ibig sabihin n'yan yanig?

  7. YanaH ay nagsasabing:

    @ ANONYMOUS….sigurado kang epektib? hndi ka ba nibangungot? ahahaha.. basa talaga? naihi ka cguro sa kama mo.. yuckkkkkk@ SUPER BALENTONG….3x.. hmmmm yaan mo nekstaym… 4x naman hahaha.. adikk ka kase….madali naman basahin ah.. sorry naman… at least na-widen ng slight ung vocab mo.. hehehehe..kaloka ka.. napapaghalata! hahaha@KUYA JIN…its all n your mind! hahaha@KIKILABOTZ….hahaha… wow mali.. 😀 u hate me? o sige na nga.. ayheytyutu! hahaha.. ay ganun pala yun? kailangan pala matulog ng maaga… nekstaym@ MP…necessity talaga na 2x ka magcomment??? har har har….pasalamat ka nga at nakatulog ka agad hahaha…kung makabusog ka naman! ano naman akala mo sa kanila mga masasrap na putaheng bente kwatro oras nakahain sa hapag kainan ko..nyahahahaha laveeeeeet!at sinabi ng wag na rumeak sa less food.. leche ka!coding ka ba today? hahahaang ibig sabihin niyan MP.. parehas kayo ng takbo ng utak ni bumabale-balentong.. parehas kayong madudumi ang utak hahahaha.. wag kulayan ng berde ang fffuuuullllaaa! hahahahah

  8. Jag ay nagsasabing:

    Ay sorry pero clear conscience ako…hindi ako naakit sa taytol kaya nandito ako pramis! hahaha adik! Ang hirap talagang kumita ng areps noh? hays! At ang pagiging bampira ay pinapasok mo na din pala hahaha adik!

  9. Tong-tong ay nagsasabing:

    dili ako naakit no!!! nasa taas lang kasi ng blogroll kasi recent post. hihi ok sige na nga. dagdag factor na rin. lolbisto

  10. Tong-tong ay nagsasabing:

    basahin ko po completo kapag nakauwi na ko sa house. abangan mo me hah hihi

  11. duking ay nagsasabing:

    kala ko talaga usapang sex.nagdala pa naman ako ng agwa bendita at rosaryo….sayang.sleep deprivation.yan ang nararanasan mo.yung tipong ayaw mong bigyan ang katawan mo ng pahinga o tulog.every chance na may pagkakataon ka,dapat talaga matulog ka.nagkakasakit kasi ang hindi palatulog…at ang sakit nila—antukin.

Sarado na ang mga puna.