Bolpen

Halos isang taon na rin pala…….

na ganito ang pagmumukha ng blog ko. nakakasawa na yung puno na kulay green dyan sa tuktok ng page na to. Nakakairita na yang header na yan. Parang gusto kong gumawa ng bago (pero tinatamad ako). Parang gusto ko na ring magpalit ng layout, nasasaktan na mata ko.(pero tinatamad ako lalo at uulitin ko na naman ung blogroll ko) maganda rin namna ung paminsan-minsan eh magpapapinta ka ng bahay mo or kung keri mo, total renovation.(pero wag na lang, tinatamad ako eh) Pero hindi ba parang nakakatamad magsulat nakkaumay na yung background mo? kahit you have this urgent need to write eh you cant do it, nabablock yung thoughts mo ng pagkaasiwa mo sa nakikita. (or ako lang ang ganun?! hmmm) Parang Pansyet canton lang din yan eh kapag araw-araw mong kinakain, masusuya ka rin. Kailangan paminsan-minsan may iba—-may pagbabago para ma-enjoy mo rin namna yung pagiging PATAY GUTOM mo…

Parang buhay lang din natin. Hindi pwedeng laging ganito-ganyan. Hindi pwedeng paulit-ulit ang lahat. Hindi pwedeng yun at yun ang ginagawa mo—ang sinasabi mo—ang sinusuot—kinakain mo at pinupuntahan mo…
                                                                 TAO KA!
                                            (kahit minsan mukhang hindi, believe me, tao ka pa rin!)
hindi ka isang makina/robot na nakaprogrm at limitado ang mga kayang gawin. May kakayahan kang kumilos at baguhin ang gma bagay-bagay sa buhay mo to further improve it. We may soemtimes fail, break down, fall apart, but thats just normal….parte ng buhay yan… ang importante-mahalaga, how you deal with it..how to take it and how to use it. its normal to commit mistakes, to sometimes do something stupid..normal yan, tao ka eh! Buhay ka! at senyales yan ng youre growing up..Yes, life can sometimes be shitty..but we gotta put up with whatever shit that comes our way in order to survive and to be a better person. We should welcome change and be not afraid of it…take whatever it is that we can get from it…iimbak natin sa kaban ng bayan este kaban ng buhay natin para pag dumating na yung oras na kailanganin natin, kampante tayong harapin ito kasi may aral mula sa pagbabagong ginawa mo sa nakaraan na dala-dala natin. baon natin ngayon hanggang sa kinabukasan.

Kaya, napagdesisyunan kong wag na lang muna magpalit ng header at layout(tinatamad pa kasi ako eh) saka na lang pag sinipag na hihihihi (cguro mga after 50 years pwede na.. sisipagin na ko.. dudlak dude! hahaha)
tama na nga toh! akalain mong may lumabas na may kabuluhan saken ngaun… naks!

PS.
HUwag mo na balaking itanong saken sa pamamagitan ng comment section ko kung bakit bolpen ang taytol netong blog post na to. wala akong maisip na i-taytol kaya kung anong makita ko yun ang ginamit ko..

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

7 Responses to Bolpen

  1. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    bolpen kasi sa notebook mo siya una sinulat bago mo post? hehehe!oo nga… nakakaumay ang bahay mo… renovate mo na yan! 😀

  2. Jag ay nagsasabing:

    May bago ngayon ang blogger ah…isang click lang u can change ur background design…check mo sa settings…madali lang xa pramis! hehehe…

  3. YanaH ay nagsasabing:

    @ MP…tanga! derecho blogger yan.. walng draft-draft! (naks yabang! hahaha)tse! palibhasa ang dalas mong magpalit ng damit ng blog mo.. ikaw na lang gumawa! tnt@ JAGhmm meron ba? thanks sa tip… pero next time ko na alng i-try tinatamad pa ko eh hahahaha@ TPgo wer? hehehe bilis mo ah!

  4. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    yown eh.. bakit bolpen? lolz.. di ba ko nagbasa ng PS?waaahh.. ganda kaya ng blog mo! di naman nakakaumay 🙂

  5. Kunwaring Writer ay nagsasabing:

    yung blogsite parang papel yan… mahirap magsulat pag di mo feel ang pagsusulatan mo…well Yanah i already add you in my blogroll… exchange links tayo para masaya! hehe

  6. Tong-tong ay nagsasabing:

    amm… dili ko itatanong kung bakit bolpern kasi knows ko kung bakit.naka tablet and pen ka sa paggawa mo ng entry na to hihiprens na tayo hah

Sarado na ang mga puna.