Kapehan sa Lamig

Dati, problema ko kung panong hindi makakatulog habang nag-aaral. Eto ung mga panahong sinasabing nagsusunog ka ng kilay (estudyante days)andyang magpapakurot ako every 10mins sa kasama ko sa bahay(shempre ibig sabihin hindi rin siya matutulog nun) o kaya maya’t-mayang hilamos. (anlameggg pa naman ng tubig sa tagaytay) o kaya naman eh kakain ng kung anu-anong kutkutin. Manatili ka lang gising lahat gagawin mo. Tipikal na estudyante, mag-aaral kinagabihan bago ang eksaminasyon, kaya ang eksena? Nagkakandakumahog sa pagrereveiew, di magkandatuto sa pag-aaral. Problema pa na kahit sandamakmak ang mememoryahin, kusang bumabagsak ang mga mata. Kulang na lamang tukuran ng tutpik o palito ng posporo ang mga mata para manatiling dilat. Mangilan-ngilang taon ko ring tiniis yun, hanggang sa dumating ako sa edad na legal na magkape.(yes, sa aming tahanan nuon, kapag bata ka pa hindi ka allowed magkape, bad for kids health daw..watever) at yun nga, natuto na ko magkape, sa pagkatuto ko, siya rin naman ikinalulong ko dito. Normal na sa atin ang magkape paggising sa umaga, magpaminsan sa hapon, sa breaktime.. pero normal pa bang matatawag yung 5-7 na tasa ng kape sa isang araw? Hindi na diba?! (I therefore conclude, ABNORMAL ako! Yay!) sa isang araw, kumokunsumo ako ng 5-7 na tasa ng kape, sometimes more. Depende sa mood, depende sa pangangailangan, depende sa sitwasyon. Mag exceed ako sa 7 cups kapag sobrang stressed, sobrang burn out, sobrang depressed at sobrang praning( sa kawalan ng jowa hahaha) sabi nila coffee addiction is a mental problem. Oh eh anu naman ngaun?! Eh di dalhin nyo na ko sa mental?! Kusang loob akong sasama as long as may kape dun…yoko ng instant ha.. choosy ako eh! Common signs of coffee addiction daw ay ang mga sumusunod:
1.       Couldn’t resist the urge to have coffee every 2 hours  – (grabe naman! Every 3 hours naman ako para equally divided anubeh)
2.       Irritability – (ay! Hindi ako irritable noh.. pwera na lang kung talagang kajiritate naman talaga fezluk ng katabi ko noh.. sino hindi majiritate dun? Annoying much diba?
3.       Headache  – (madalas talaga sumakit ang ulo ko sa kunsumisyon sa mga junakis ko isama mo na yung walang wentang si big bad wolf)(sino si big bad wolf? Gusto mong malaman? Click mo toh! At eto pa! at eto pa ulet!)
4.       Couldn’t sleep – (natutulog naman ako paminsan-minsan.)
Ang sabi ni uncle google.. marami pang iba.. pero hindi ko na ilalagay lahat. Kase alam naman nating kokontrahin ko lang din lahat.. tama ba? Taaaaamaaaaa! (oo na! may tama na ko! Happy now?! Hmp)
Pero tulad nga ng sinabi ko kanina, choosy ako.. ayoko ng basta kape lang.. ayoko ng instant. Maarte eh.. pero hindi mo ko mapapagstarbucks (pwera na lang kung libre.. ano libre mo ko?) (dati, nag-iistarbaks talaga ko, nung mga panahong nasa gitnang silangan pa ko. Mura lang yun dun) nasuyod ko na lahat ng kapehan dito sa city of pines. Alam ko kung san may masasarap na kape at kung san hindi masarap..(mapapamahal ka pa pero di ka masasatisfy sa kape nila)mura ba kamo? Kape ng mister donut.. di kasingmahal ng istarbaks (di rin kasing sarap…PERO pwede na…) ewan .. basta, para saken, ok din ang kape ng mister donut.. hmmmmm di ko na iisa-isahin kase hindi naman lahat ng nagbabsa nitong kalokohan nato eh familiarization sa environmentalization ng begyowww citeh diva?
O, eh anu ba pinupunto ko dito? Wala naman, gusto ko lang naman ikwento na may nagregalo saken ng kape.. yung  lalaking dating classmate nung classmate ko nung sikond yir hayskul kami  sa Rogatio*bleep* sa may parte ng Sil*bleep* Cavite(in short, klasmeyt ko din siya). Ayun, pinadalhan niya ko ng kape mula sa AMADEO, CAVITE.. hekshuli, tutuli…last time na naligaw ako sa tegeytey citeh.. dumaan ako ng amadeo para lang bumili ng kape(at makichika ng slight sa mga dating kakilala).. at nabanggit ko(parunggit much talaga) nga ito dun sa lalaking dating klasmeyt ng klasmeyt ko nung sikond yir hayskul ako nung minsang nagkakitaan kami sa FB. At heto na nga.. apter jaz tu deys… ang lolo mo, walang patumpik-tumpik..di man lang  nagsekontots..(hindi naramdamang inuto ko lang siya) pinadalhan na nga akez ng kape…*insert Team LBC..Hari ng padala* (anu nga meaning ng LBC? Ang makasagot.. sa kanya ang unang higop ko ng kape pagkatapos kong ipost tong wlang wentang entry na to..hula na! text in your answers blah blah blah)
O basta yun na nga, pinadalhan ako ng klasmeyt ko ng pinakamamahal kong kape.. im so tatz… kaya tinawagan ko siya kanina at nagpasalamat (with tears and everything) at sinabing next month ulit bwahahahaha.. sumagot naman siya ng, “oo bah! Basta ikaw! Malakas ka yata saken!” anuver! Hahahaha uto-uto ka talaga kuya! (joke lang) (hehehe alam ko nagbabasa ka netong walang wentang blog na toh hahaha)
Seriously, salamat sa kape..salamat sa mega effort mo na magpadala.. kaloka ka.. bisita ka minsan dito.. (at magdala ka na rin ng sandamakmak na kape ahihihihi) mas masarap inumin ung kapeng amadeo dito sa begyow dahil kasama mo akong iinom nito.(naks! Nakanaman!)
Tama na nga itong kalokohan na toh.. alas tres y medya ng umaga mulat na mulat pa at ginagawa tong kabulastugan na to, pano kaya ako makakatulog? Samahan niyo ko..sabay-sabay tayo magbilang ng tupa. Magumpisa ako sa wan kayo magumpisa sa 1000, magbilang kayo pabalik. Bwahahahaha
Anu ba yan?! Ang bilis lumamig ng kape ko hmp!
Coffee anyone? 
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

7 Responses to Kapehan sa Lamig

  1. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    bakit di mo kami pinagkape noong nandyan kami? hmp! peboritisim ka talaga!liligawan ka nyan… ooooooyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy

  2. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    Ayowwnnn.. pakape ka naman…LBC: loose and bowel collision?hula lang.. sana tama.. lolz

  3. TinAtagOng PusO ay nagsasabing:

    ang masasabi ko lang..wag kang magkape..?y? wala lng….tnt

  4. YanaH ay nagsasabing:

    @ MP…isang malutong na TANGSKI! wala pa yan nung and2 kayo… kahapon nga lang dumating anuber.. magbasa ka koya! tntMIDNIGHT DRIVERhahaha..cge bah.. punta ka dito.. pagkapehin kita.. weeeeee hahahaTPkaloka… magbigay ka ng rason! hindi ung wala lang.. magbigay ka! NOW NA! tnt

  5. stevevhan ay nagsasabing:

    ay ako din. pero twice o trice depende din sa mood. Nga lang instant yung akin, pang masa eh, yung nescafe 3in1, ang sarap ng lasa pag nanunuot sa lalamunan mo at bibig. yung aroma sobrang sarap talaga. Lagi ko ngang naiinvsion ang sarili ko every dinner at morning or kapag may projects(usually puyat or hindi ako natutulog) na nagkakape.Tamang tama exam week namin ngayon. Habit ko kasi gabi hot chocolate habang gumagawa ng project then pag pasado 2am na, tulog then kinabukasan para magising ng 8am dahil kelangnag magreview for exams kape kagad habang nagrereview, refreshing at nakakagising!:)

  6. Super Balentong ay nagsasabing:

    tara kape kape kape.

  7. Tong-tong ay nagsasabing:

    you're adik nga sa kape, ako once or twice a month lang, kasi dili ko nakahiligan.pero parang ngayong nagwowork na parang need ko na. hihisaludo ko sa imo – 7 kape a day. waw. color coffee na blood mo. jok

Sarado na ang mga puna.