usapan, obserbasyon, kwentuhan atbp…

CHILDREN’s PARK (Baguio City)

Anak: Daddy! i wanna play there!
Daddy: where?
Anak: there!
Daddy: Dir? (meaning, “THERE”….sabay turo sa malayo)
Anak: No, daddy! There!
Daddy: thats what i said, DIR!
Anak: Daddy! THERE!!! You make your tongue hard! (whatever that means hahaha)

***** gwapo pa naman the daddy…sayang… T.O. (turn off) ….hirap ung anak turuan yung daddy. the kid must be around  5 or 6 years old.

*****************************************************

CHILDREN’s PARK pa rin..

Estudyante 1: ayun oh! dun tayo sa swing!
Estudyante 2: sa slide na lang!
Estudyante 1: see-saw na lang kaya? sarap dun!
Estudyante 2: swing na lang kesa see-saw.
Estudyante 1: dun sa may rails.. bitin-bitin tayo dun, dali na! tara!
Estudyante 2:  Yoko! lika na, see-saw na lang tayo.
            *nainis si estudyante 1*
Estudyante 1: Kaasar ka naman eh! gulo-gulo ng utak mo! lika na, uwi na lang tayo!
             *sabay alis*

*********************************************

nilagang mani——–adobong mani——–mangga——–bayabas——-chicharon——–fish cracker——-taho——- kumpia———–pancit———itlog pugo———MASSAGE——–tolda——-banig——-hula——-henna tattoo

Lahat yan inilalako araw-araw sa burnham park..

**********************************************

Sa JEEP…

may sumakay na mama nagtitinda ng pamatay insekto..

TINDERO: ma’am! pamatay insekto po oh.. epektib to! madikit langaw-lamok. kahit anong insekto, siguradong patay! tustado!
ALE: di ko kelangan yan! pamatay ng asawang lasenggo ko kelangan ko, meron ka ba nun? bibilhin ko kahit magkano!

***********************************************
MAKABULUHANG USAPAN
MP: ano kayang magandang name?
ME: Yanah
MP: ANG KAPAL! (emphasis sa all caps)
ME: TNT (tawa ng tawa) eh nagtatanong ka eh!
MP: ano ba tagalog ng journal?
ME: tala-arawan?
MP: weh? di nga?
ME: tadu ka! tnt. honga!
MP: di ka nagjujuk?
ME: leche! itanong mo sa pulis!
MP: “ang tala-arawan ni empee” tnt ang panget!
ME: buti lam mo!
MP: tnt. taena. anung title? punyeta. tnt.
ME: wag mo na kase palitan. umaarte ka lang eh.
MP: e gusto ko eh
ME: bahala ka sa buhay mo! ma-aning ka kakaisip ng pangalan jan!
MP: tnt. oa naman un.
ME: oa ka kase eh. wak mo na palitan.
MP: bahala na! pag-isipan ko n lang muna. tnt.
ME: tnt. bahala ka sa buhay mo!

******************************************

MT – Magtataho

MT: taho! taho kayo jan! may chocolate at strawberry flavor!
Ale: manong pabili nga ho. yung strawberry ha!
MT: ilan ho?
Ale: isa lang, magkano ho?
MT: kinse ho.. ung chocolate, 10..
     **sabay abot ng taho na strawberry with syrup color brown**
Ale: akala ko ho ba strawberry?
MT: strawberry ho yan!  di ko na lang nilagyan ng kulay…yung powder ba yun—yung food coloring! masama sa kalusugan un eh! nakakapagpasakit. alam nyo ho ba, ung anak nung kapatid ng kapitbahay ko eh naospital dahil dun.. nagkaron daw ng sakit na hindi ko na maalala ang tawag.. basta dahil daw un sa pagkain ng mga pagkaing may mga food coloring. kaya ako ho di na naglalagay nun sa taho ko. sige ho, bebenta muna ko…kwentuhan ulit tayo one time kapag napadaan ulit kayo dito.
***umalis si MT..ang ale, napatunganga sa kanya**

****ang inyong mga nabasa ay hango sa totoong buhay…mga tunay na pangyayari na aking nasaksihan nitong nakaraang tatlong araw… ahihihihihihi

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

9 Responses to usapan, obserbasyon, kwentuhan atbp…

  1. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    hahaha… adik to! ipost ba ang conve… hahaha… di ka rin chismosa enoh… lahat ata ng mga tao nakapaligid sa burnham e pinakikinggan mo ang pinag uusapan.

  2. pamatayhomesick ay nagsasabing:

    ok yung usapan ng tatay at anak..dir oh, nasa unahan.:)

  3. AdroidEnteng ay nagsasabing:

    naaliw naman ako dito…nice! nice!more!

  4. MiDniGHt DriVer ay nagsasabing:

    hehehe.. natawa ko sa hinahanap pamatay nung ale 🙂

  5. Tong-tong ay nagsasabing:

    funny hahaha more more

  6. Jag ay nagsasabing:

    hahahaha kakatuwa naman yung observation mo lalo na yung nasa children's park hahaha…hays nakakamiss ang Baguio…Salamat sa dalaw sa bahay ko…

  7. Jag ay nagsasabing:

    Pinalo na kita (follow) hehehe…bumalik din tulad mo LOL…

  8. kuri ay nagsasabing:

    daddy followed you! 😀

Sarado na ang mga puna.