eh ano naman kung ayaw ko ng butter?????

“it’s funny how you sometimes hate things  but eventually get to like them in the end.”

nung bata ako, ayoko ng BUTTER..kahit anong pagkain na may butter ayaw ko… ayoko ng garlic toast dahil may butter…ayoko ng buttered vegetable dahil sa butter… ayoko magpalaman ng cheese pimiento sa tinapay dahil may butter. magutom na kung magutom.. wag lang makakain ng kahit na anong food na may butter.

Pero, habang lumalaki ako ( hindi literal ha…) natutunan ko na ring kumain ng may butter. kumakain na ako ng garlic bread, sa sizzling plate umoorder pa ko ng extra side dish na buttered vegetable, madalas akong magbuttered corn sa bahay. instead na cooking oil, madalas butter ang ginagamit ko pangluto sa kung anik-anik na food na pinagluluto ko. ngaun naglalagay na ko ng butter sa pancakes, sa bread, kumakain na rin ako ng mashed potatoes ngaun.

habang tumatagal, natutunan kong kainin ang isa sa mga ayaw ko bata pa man ako.. and eventually get to like it more than i thought i should. parang buhay lang din, madalas na hindi natin ginusto ang mga nangyayari. madalas hindi natin gusto ung mga bagay na pinagaggawa natin. ganunpaman, napipilitan tayong gawin.. ginagawa pa rin natin.. dahil…kasi… kailangan… tipong vital part… important factor kaya ginagawa natin… at dahil dun may natutunan ndin tayo sa mga bagay na hindi natin gusto.. natutunan nating makibagay—–natutunan nating sumabay sa malaya at mabilis na agos ng buhay.. at sa bandang huli, marealize natin na its not that bad naman pala.. its not such a bad idea after all…you’d do it again…. you’ll eventually take the plunge again…

kaya sa ngayon, kung meron ka man hindi nagugustuhan sa buhay mo, ayos lang yan…
take time to breathe, sit back, relax and enjoy the ride..
ganyan talaga ang….joyride ng buhay… 😀

**now, would you like some butter with your toast? 😀

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

6 Responses to eh ano naman kung ayaw ko ng butter?????

  1. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    e ano ngayong kung kumakain ka ng may butter?! hahahaayos ah… konek konek ang post… 🙂

  2. Kosa ay nagsasabing:

    anung connect ng butter?hahaha… jokes. ang linaw pala ng paliwanag.pero bakit ayaw mo dati ng butter? hehe

  3. TinAtagOng PusO ay nagsasabing:

    talagang isinangkalan ang butter ha…hahaha

  4. YanaH ay nagsasabing:

    @ MP..ahihihihi lam mo na… hehehe@ kosa…bilis ah…hmmmm parang umay na umay kasi ako sa butter dati eh..@TPkebz mo…. hmp..wapakels.. tnt

  5. EǝʞsuǝJ ay nagsasabing:

    ahah!kaya ka pala tumaba! Kase like mo na ang butter! :))*peace*

  6. BlogusVox ay nagsasabing:

    Kung minsan ang gusot sa buhay ay naayos sa pamamagitan ng pag suong sa hindi natin gusto. Parang sakit sa tiyan. Ayaw nating uminom ng "parigoric" dahil sa masama ang amoy at mapait ang lasa. Pero ito ang nakakapagpabuti sa ating kabag. Okay din ang pag-utot, huwag lang sa matataong lugar.

Sarado na ang mga puna.