Divided by 3

ang hirap pala.. uu… sobrang hirap… pero masaya… most of the time windang ka.. loka-lokahan ang mga araw mo sa pagkatoxic..sa pag-iisip, sa pag-aasikaso, sa pag-aalala…pero ok lang.. ayos lang… sikad ka pa rin ng sika.. bakit? kasi kailangan.. hmmm hindi lang dahil sa kailangan… kundi dahil gusto mo rin.. bakit mo naman gustong mawindang ng bonggang-bonggang bong revilla? bakit mo naman gugustuhin na mag-isip ng benggalu hanggang sa panawan ka na ng ulirat sa pag-iisip? hindi lang dahil sa kailangan… gusto ko rin kase.. gusto kong mahirapan? gusto kong maging loka-lokahan? OO! aning ako eh! hahaha.. paikot-ikot lang tong sinasabi ko.. what im really trying to say is.. (naks umi-english na.. teka.. back to normal baka tumulo ang dugo) despite the hardships na nararanasan ko…. ayos lang.. go pa rin… kasi i love what im doing kahit hirap-na hirap na.. at kahit ibitin ako ng patiwarik (kung kakayanin nyo! i dare you! hahaha) gagawin ko pa rin.. sisikad at sisikad pa rin ako.. for them…

kahlil, jillian and julyanah

ang buhay ko divided by three… sa lahat ng aspeto divided by three talaga. hindi pwedeng into two lang.. hindi pwedeng isa lang.. kailangan talaga into three.. ang oras, pagmamahal, pag-aasikaso at pera.. ano bang pinagsasabi ko? hehehe… im a single mom to three kids (as if naman hindi nyo alam! hahaha) pinalad akong magkaron ng tatlong magagandang dilag este bunga.. ..masayang , malungkot, magulo, nakakawindang.. pero nangingibabaw ang pagkamasaya… kapag bumili ka ng kendi.. hindi pwedeng uuwi ka ng isang kendi lang ang binili mo.. may magtatampo.. may mag-aaway, mamomoroblema ka pa kung kanino mo ibibigay ung dala mong kendi.  kapag bonding moments, niyakap mo ang isa, dapat yakapin mo rin ung dalawa, kase mag-eemote for sure yung dalawa na yun. kapag bumili ka ng bagong damit.. kailangan tatlo silang bibilihan mo. dahil kung hindi, sangkatutak na reklamo ang aabutin mo. walang katapusang “bakit si ate? bakit si kahlil?” ang buhay ko umiikot sa paghahati ng oras ko at ng lahat-lahat sa akin into three equal parts. hindi pwedeng may nakakalamang at hindi rin pwedeng may nasasapawan. madalas kulang ako sa panahon, madalas din na kulang sa lakas… pero sige lang… kase kailangan nila ako..
at kailangan ko din sila..
minsan iniisip ko kung paano ko hahatiin ang katawan ko para matugunan ang lahat ng pangangailangan nila… sa bandang huli, wala akong maisp na isagot.. walang maisip na solusyon.. kadalasan itinutulog ko na lang at paggsiing ko sa umaga, yehey! riot na naman! hahaha..
mag-uumpisa ang araw ko sa magulong bahay… makukulit na bubwit… at the end of the day, i go back to the same old noise, same old kalokahan hindi man nasolusyunan ang sangkaterbang problema, hindi man nasagot ang sangkatutak na tanong kung bakit ganito at bakit ganyan, at least at the end of the day, u dont feel incomplete… u dont feel useless… although ure tired, but at least youre happy..
sabi nga sa commercial.. (anu nga bang commercial un?) TOMORROW IS ANOTHER DAY!

**********************************************

sumali ko sa marathon! hahahaha akalain mo yun! nung sunday. nagkaron ng milo marathon dito sa city of pines.. i registerd for the 5km run.. natapos ko naman after hmmm 1 hour and 50+minutes hahaha.. di naman kase ang runner… hirap pa tumakbo dito sa baguio.. may mga pataas and everything (ok nagdahilan pa! hahaha) 6am ung sked ng 5k race.. a friend picked me up at home around 5am.. we had coffee malapit sa venue..since may dala siyang sasakyan we decided to just leave our things in his car, hindi na ko nag-abala na iwan ang gamit ko sa baggage counter na inilaan ng milo … hindi pa man nagsisimula ung race nagkahiwalay na kami ni friendship.. hang sa nag umpisa hindi na kami nagkita.. somewhere along the way may mga nakitang kakilala.. napawento pa habang naglalakad este tumatakbo.. hanggang sa natapos… bumuhos ang ulan… nagmukhang basang sisiw… hinanap ang sasakyan……. waaaaaaaaaaaaa hindi ko makita… hindi ko maalala kung san kami nagpark.. madilim pa kase nung dumating kami sa venue.. ilang beses pang nagpaikot-ikot sa buong burnham park. nasa sasakyan ang bag, kugn san nakalagay ang pera, tubig, pagkain, pamalit na damit, suklay, lipistik, alcohol, cologne, digicam at ngelpown.. tnt….. nagkita kami  ng mga kagamitan ko sa bahay.. si friendship prenteng-prente sa pagkakape sa bahay… bait diba?
it was a fun run.. next marathon, sali ulit hehehe… but this time sa baggage counter ko na lang iwan ang gamit ko kahit sampunga truck pa ang dala naming sasakyan!

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

5 Responses to Divided by 3

  1. kikilabotz ay nagsasabing:

    nice, ang kyut kyut ng iyong mga dalaga este bunga pala..^_^

  2. TinAtagOng PusO ay nagsasabing:

    agree sa tatlong dilag mami….hehehenakaktouch ang storya kahit may halong kalukaritan mo….tntnaku mami!nxt milo marathon wag kla magiiwan sa milo baggage kung un ang balak mo!nagkakawalaan after dahil sa kagulo pagclaim nito…cno c friendship?c elmo?tnt

  3. pamatayhomesick ay nagsasabing:

    di bale nang mapagod, wag ka lang magsasawa..pag pagod pahinga lang yan…at nakakwala ng pagod kung may kayakap kang tatlo.

  4. Dorm Boy ay nagsasabing:

    Ang ccute naman nila kuya. Sana me mga chikiting na rin ako para maenjoy ko ang saya at tuwa ng iyong nararamdaman…

  5. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    well, that's life of being a single mom…yon ang sabi nila hehehehehe! but wait, anong konek ni bong revilla sa post na ito? hahaha… si bong na walang malay sinali mo dito… hahaha!about sa race, naku! wag mong iwan sa baggage counter baka mawala pa…mas ok na yon nauna ang bagahe mo sa bahay. hahaha!

Sarado na ang mga puna.