munting tinig

MUNTING TINIG

ang sabi ng iba sa akin
ako ay bata pa
di pa raw marunong mag-isa dahil bata pa nga
nangangamba
natatakot
minsa’y nadarapa
mahina ang damdamin
dahil bata pa nga

munting bata man ako tingnan
ngunit di naman sa isipan
sa puso ko ay may awitin
sayo nakalaan

munting tinig ko’y
iyong pakinggan
sinpleng awit
ika’y hahandugan
pasasalamat ko’y sayo
dahil inibig mo
inibig mo kahit bata ako

inibig mo kahit bata ako…..

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.