ang kwento ni Selya

dalawamput dalawang balde ng tubig, tatlong beses isang linggo.. ganyan kadaming tubig at ganyan kadalas mag-igib si Selya. Nakatira siya kasama ng dalawang anak nyang ni Mykah at Potchi sa isang bakanteng bahay katabi ng biyenan nya. nakikikonekta lang sila ng kuryente dun. ang tanging gamit nila sa bahay ay isang maliit na electri fan, radyo at isang 18watts na light bulb. nagbabayad sila ng hindi bumababa sa 700.00 buwan-buwan, share nila sa kuryente, pagkaminsan tumataas pa hanggang 1, 000.00

Ang asawa ni Selya, si Tony nagttrabaho sa Sun…. siya yung nagloloaad sa mga nagpapaload. may kinikita sya araw-arw na 350, tuwing sabado ng gabi ang sahuran, mayroon syang 2,100.00 na siguradong pera pagdating ng araw ng linggo. ang gastos ni selya sa araw-araw 100.00 lumalabas na 600-700.00 ang gastos nya sa bahay sa isang buong linggo, samakatwid, malaki pa ang natitira sa sahod ni Tony.

Ang pasok ni Tony mula 7 ng umaga hanggang 6 ng gabi anim na araw sa isang linggo. perto ang normal na uwi nya sa bahay 10-11 ng gabi, kapag araw ng sahod, inaabot sya ng 3ng umaga sa pag-uwi. nung minsan nagkalokohan sa “street” namin…..sabi nung isang ka[pitbahay na si ate malou, ” mukhang shumortaym pa si tony ah kaya hindi pa umuuwi” sagot naman ni selya, ” ang short time, 3hours, sobra anim na oras yun kaya LONG TIME na yun” **tawanan** Matagal ng tanggap ni selya ang sitwasyon nila ni Tony, tiis na lang daw para sa mga bata. Hindi sila kasal, wala syang pinanghahawakang kahit ano kay Tony. Bakit nagkaganun?

BABAE….

may babae si Tony..

Eksena 1 ( si mykah ay pitong taong gulang pa lamang)

MYKAH: ma, may babae si papa
SELYA: pano mo nalaman?
MYKAH: may kausap sya babae sa celpon nya.
SELYA: pano no naman nalaman na babae nya nga un?
MYKAH: sinabihan ni papa ung babae ng i lab yu at i mis u eh.

Eksena 2

MYKAH: ma, bakit lagi ka inaaway ni papa?
SELYA: pagods lang si papa mo sa trabaho.
MYKAH: napapagod pa sya eh bago naman siya uwi dito nagpapahinga pa sya dun sa babae nya.

sabi ni selya, “tama na! sobra na! ayoko na!”
Nagdesisyong umalis kasama ang mga anak. lumisan ng walang lingon likod. ipinangako sa sariling hindi na muling babalik. mula sa oras na yun.. patay na ang ama ng kanyang mga anak.

******base sa totoong kwento ng buhay ni Selya… sya rin mismo ang nagkwento sa akin nyan.. ngaun wala na akong balita kung nasan sya, magmula nung umalis sila nung isang linggo lang*****

mga PUNTO:

selya – matagal ko ng tanggaa ang naging relasyon namin, nagtitiyaga ako para sa mga anak ko, mahirapo ang walang ama.. ang hindi ko matanggap yung kawalan nya ng respeto sa akin bilang ina ng mga anak nya, hindi nya ako alipin.. inirespeto nya sana ko.. nakakalakiha ng mga bata ang kalokohan nya.

tony – hindi na ko masaya. matagal na namatay ung nararamdaman ko sa kanya, kesa maging miserable ang buhay ko, humanap ako ng ibang saya…

ang masasabi ko?

hindi ko alam ang puno’t dulo ng problema nila, kung anu man un, sana parehas silang naging responsable para masolusyunan ung naging problema dahil MAY MGA ANAK sila na magsusuffer sa mga consequences ng mga pinaggagawa nila.. maaaring may mali si SELYA hinyaan nyang magkaganun ang lahat, hinayaan nyang umabot sa ganun, pero mas may malaking MALI si Tony.. alam na nyang mali ung pinasok nya.. pinanindigan nya pa rin at the expense of their kids….. sa bawat relasyon, normal ang pagdaan sa mga sangkaterbang humps..walang perpektong relasyon, pagkakaiba lang ng lahat ay kung pano nila to harapin at hanapin ng solusyon… kapag nagpamilya, lalo nat may mga batang involve, as much as possible… or sabihin na nating… kapag nagkaproblema, ang pinakaunang maapektuhan ay ang mga bata.. kaya nararapat lang na ang pinakaunang iisipin bago gawin ang naiisip ay kung anong epekto ang mabibigay nito sa mga bata… hindi ka na importante.. hindi na importante ang nararamdaman mo.. balewala ka na… hindi ka na bida…..mga anak mo na ang lead star sa pelikula nyo…

hindi ko masasabing tama ang naging desisyon ni selya… dasal ko lang na sana ay nasa mabuti silang kalagayan ng kanyang mga anak….

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

3 Responses to ang kwento ni Selya

  1. EǝʞsuǝJ ay nagsasabing:

    HINDI AKO MAKARELATE…AMF!!!!!HINDI NAMAN TO TUNGKOL SAKENKASE WLA PA KAMING ANAK NI JAMES :))

  2. Kosa ay nagsasabing:

    Ganun talaga ang mga nagmamahal…nagiging martyr.nabubulagbulagan.nagbibingi-bingihan.IN SHORT,NAGIGING ENGOT!haaaays

  3. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    hayss… walang ma-ikomento.

Sarado na ang mga puna.