Friendly Neighbor in a Friendly Neighborhood

Ikaw ba ay may mga shopetbahay na nakakajiritate? ung tipong pinangangalandakan kung ano ang estado nila sa buhay?

NAIL CUTTER
– walang nailcutter sa bahay nila at in times of emergency, go over the bakod sila para manghiram ng nailcutter sa kapitbahay and will take forever bago maisoli sayo.. ung tipong 12 inches na ang kuko mo sa sorbang tagal bago maibalik sau….. at bakit wala silang nailcutter sa bahay? dahil sa napakarami nilang kumikinang na salapi, wala silang nailcutter…..kung anu man ang mga pangangailangan ng kanilang golden nails…sinosolusyunan iyon ng kanilang ever faithful na manikyurista sa pagpapahome service nila..

– isang malaking check para sa shopetbahay ko..

PARKING SPACE
– sa dami ng sasakyan nila eh ginagawang parking lot ang buong street nyo.. park dito park doon ang drama.. ( hindi ba dapat bago ka bumili ng vroom vroom eh iconsider kung san mo ipaglalagay yung mga wheels na yan?

– isang check na naman para kay friendly neighbor.. 5 ang sasakyan nila.. isa nakapark sa harapan ng gate ng bahay namin, ang isa pa nasa tagiliran ng bahay namin….. panu na lang kung magpapark ang jerpleyn namin???

SHOPPING KUNO
– weekly shopping escapades sa mga nagpapahulugan… ng sandamakmak na mga bra at panty ang inoorder… yung tipong kung magpalit ng underwear eh 3x a day kaya ganun karami ang inoorder nila …

– check ulit para sa neighbor…. nagkakandakuba si ate aida( ung nagpapa-AVON, natasha at kung anik-anik pang pang 2 gives hehehe) sa pagbitbit ng sangkaterbang order nila. at kung sigaw-sigawan pa nila dahil matagal at mabagal daw dumating ang kanilang order.. hmp… anu yun?! fast food?

BRAT KIDS
– may mga alaga silang mga bratinella at bratinello(meron ba nun?!) na 24/7 ang kakulitan.. masahol pa sa mga nakadroga kong junakis.. 24/7 sa kakulitan at kapasawayan..walang tulugan ang drama.. animoy mga nakawala sa koral kapag nakalabas ng bahay nila..misyon: guluhin at pagtripan kung sinong kapitbahay ang makita.. ultimo walang kalaban-labang mga halaman… mamumurder ng basta-basta.

– isang bonggang check para kay kapitbahay… may tatlong anak sila na isinusumpa ng mga taga street namin sa kasobrahan.. at ang mga beloved peyrents? deadma sa kalokohan ng mga junakis..

SHOW OFF
– kung ipangalandakan ang mga bagong gadgets like ngelpown..maluwanag masyado ang bahay nila , imposibleng walang spot kung san makasagap sya ng matinong signal..

– another check… si shopetbahay, todo tayo sa labas ng hausing galore nya.. major effort sa pagharang sa mga batang naglalaro ng piko… naghahabulan sa street namin habang “kunyaring” may kausap sa ngelpown.. tas kapag nadali mo.. sisigawan ka..:” oy! anu ka ba?! cant you see?! may kausap ako??? asan ba nanay mo? hindi ka tinuturuan ng tama!”

hayssss ilan lamang yan sa mga senyales/palatandaan na may kapitbahay kang mayaman na masarap isumpa… na kung makaasta eh akala mo pag-aari na nya ang buong street kung san nakatirik ang inyong mga bahay..
wala naman masama sa pagiging mayaman.. sa pagiging maalwan ang buhay.. pero…pero…pero hindi ba dapat na maging considerate din tayo sa mga taong nasa paligid natin? matuto dapat tayong makisama sa ibang tao dahil hindi porket mayaman ka eh oobligahin mo ang mga tao sa paligid mo na pakisamahan ka sa paraang gusto mo…

i therefore conclude na HAYDONTLAYK my shopetbahay..(hang kyut kasi ng doggie nila.. sarap patayin.. chureeeee)

****ano ba tagalog ng street?****

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

7 Responses to Friendly Neighbor in a Friendly Neighborhood

  1. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    Feature ang kapitbahay. Malaking check! triple check! hahaha… teka, may naalala ako sa Nail Cutter na yan! hmp.Kalye po ata ang tangalog sa street… hehehe…payuhan mo si kapitbahay na lumipat sa isang lugar, yong tipong farmville na pwede ipark lahat ang kotseness nila. bow! lols

  2. BlogusVox ay nagsasabing:

    Hehehe! meron talagang ganyang kapitbahay, lalo na sa mga subdivision na karamihan ay dayo o di kaya sa matata-ong syiudad na hindi magkakilala ang mga magkapitbahay. Minsan pa nga, patalbugan pa ng gamit.Ako, ngingiti-an ko lang sila.

  3. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    at syempre ako ang nauna! bwahahaa

  4. Kosa ay nagsasabing:

    hahaha.ganun ang kapitbahay mo?isa lang ang naiisip kong solusyon,sunugin mo na ang bahay nila kasama ang bahay nyo at magkanya-kanya na kayo.. hehehe

  5. RJ ay nagsasabing:

    "Love thy neighbor…" U Kaya mo ba Yanah?

  6. YanaH ay nagsasabing:

    marcototsteka.. may dapat din ba ko maalala sa gold plated na nailcutter? hahaha anu un???sorry hindi ako makareak sa farmville… ako alng yata ang tanging may fb account na hindi nagfafarmville sorry naman..KUYA EDtrulalu nga yan kuya…. dito may ibang kilala ako na ganyan din.. nagkataon nga lang na apra saken eh yang neighbor na yan ang pinakaworst kasi tapat na tapat ko sya heheheMARCOTOTSwatever! hahahaKOSA- oh, naligaw ka yata?! hahahahabaket naman isasama ko bahay ko/ san naman kami pulutin? hmmmmm unless aampunin mo kami! nyahahaha…. lapit na berdey ko ninong kosa! hahahahaDOC RJ- di ko naman po sila hate… gusto ko lang isoli nila ung nail cutter ko.. hahahaha

  7. duking ay nagsasabing:

    ang tagalog po yata ng street ay 'kalyehon' o 'kalye'pero pwede ring 'diritsu!'goodluck sa masayang neigborhood!!!

Sarado na ang mga puna.