fishballs

hindi ako makaconcentrate sa pagbabasa ng librong hiniram ko kay marcotots dahil sa walang tigil na pagbabangayan ng mga junakis ko. eto ang latest nilang pinagtalunan: bakit arf-arf ang tahol ng aso?

nung saberdei bago naman mag alas dose ng hatinggabi ay nakauwi na ko.. hehehe joke lang… early ako nakauwi nun.. galing kasi ako sa kamaynilaan, kung saan ako’y nakipagkita sa dalawang nilalang (nilalang nga ba?) anong meron? wala lang… siguro bored na si kuya jin sa buhay nya at namiss ako ng todo ni marcotots kaya gusto nila kong makita… (nyaks! feelignera!) at dahil sa ako ang pinakamalayo ang lokasyon, napagdesisyunan na sa MOA na lang daw magkita… anubeh.. ako pa ang nauna.. hindi naman ako masyado naghintay.. mga 30 years lang naman (joke lang!)… duon ay wala kaming ginawa kundi magdebate kung san kakain at kung anung kakainin, kung sinong maiiwan sa table dahil jampacked nung mga oras na yun…at dahil sa ako’y iosang magandang dilag! ( sabi ni marcotot….*vomits*..amputek hindi lang sarilign bangko ang binuhat.. buong bahay! hehehe) ako ang naiwan sa table ang ang dalawang macho(???) ang bumili ng malalantakan namin… sa awa ni superman, nakabalik silang may dalang palaman sa nagrerebolusyon na tiyan, nagsimula kaming manginain… pansamantalang nanahimik..nangangailangan kasi un ng full concentration… matapos kumain, sinorpresa namin ni marcotots ng isang keyk (na ang flavor eh hindi ko na maalala dahil mahaba ang ngalan nun!)na may kulay BLUE na kandila… sinindihan ko, nahiya pang hipan ni amrcotots.. (arte kase!) bakit may ganung drama? wala lang ulet.. uber sa late lang na bday surprise kay marco. natouch naman daw sya.. ( ewan kugn totoo! bwahahaha) matapos un, nag-usap-usap tungkol sa april… anu meron ulet? secret! walang clue.. basta! hintayin na lang sa mga newspaper jan!

pagtapos nun dumating ako sa bahay sa pag aakalang tulog na ang mga bubwit… ano’t nagttalo na naman sila.. pinagdedebatehan nila kung bakit ang 5 piso kulay gold at ang piso kulay silver… sabi ni marco, hindi daw kaya nakadrugs ang mga anak ko? dapat daw iparehab ko na… sabi ko naman… normal lang yan… (*kung anong puno, syang bunga*) tinanong ako kung bakit gna daw ganun, eto ang sagot ko: “julyanah, kahlil, tama na yan! gabi na! oras na para matulog!.. brush your teeth!” tapos ang usapan, natahimik ang bahay.. tapos nun tinulugan ako ni marco sa txt at tinulugan ko si kuya jin sa txt bwahahahaha…

nagkita pala kami ni evil witch sa hometown ni DOC RJ…at huwawwwww! may bebe na sya.. nanganak na sya at kamukhang-kamukha ni big bad wolf ang kidlet nila….

namamangha (naks!) talaga ako sa buhay…kung kailan pakiramdam mo eh kinalimutan ka na ng langit, na lugmok na lugmok ka na….bigla sa kung saan ay may liwanag kang mababanaag…biglang may window of opportunity na sisilip at magbubukas para sayo…..para sayo kasi may tag.. nakapangalan talaga sayo.. oh eh anung gagawin mo?ano pa nga ba? eh di babangon…. babangon ako’t dudurugin kita…. i mean, babangon at magsisimulang muli….

kapag binato ka daw ng bato, batuhin mo ng tinapay…papaano naman kung paulit-ulit kang batuhin ng bato… paulit-ulit mo rin bang babatuhin ng tinapay? paano kung ubos na yung tinapay mo? ano pang ibabato mo? ano pang pwede mong gawin?

natapos ang walang katorya-toryang DARNA ni marian rivera… nanalo si Melai sa PBB.. nanalo sina sarah at steven sa strstruck..nakidnap na naman si gewn sa kung tayo’y magkakalayo… gumawapo na si prinsipe almiro sa last prince.. nagbati na si agua at bendita.. ilan lang yan sa mga palabas na sinusubaybayan ni julyanah at kahlil tuwing gabi sa abs at gma.. (ok fine! pati ako na din!) kaya ang tv namin… mahihilo na sa kakalipat-lipat…

sabi nila kapag may katangahan kang nagawa or nangyari sayo sa unang pagkakataon, ayos lang un.. charge to experience na lang yun…pero kung maulit ulit…masasabihan ka ng tan.ga pero ok lang yun katanggap-tanggap ka pa rin sa society..PERO….ang ulitin uli at uli at uli.. hanggang sa umabot ng tumataginting na LIMANG beses, wala na akong masasabi dun.. no further comment your honor na ang drama ko…….i shatap na.. baka mabaril ako ni AJOMSL sa luneta! hahaha… Go stressball!

anong nakain ko? two post in a week? wala lang…

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

11 Responses to fishballs

  1. Jinjiruks ay nagsasabing:

    asan ang fishball dun?

  2. The Gasoline Dude ay nagsasabing:

    Yanah! Parang antagal kong hindi nakadalaw dito.Mabuti naman at mukhang nakakangiti ka na hindi tulad ng dati na sobrang dami ng problema mo nung nasa ibang bansa ka pa. Teka nasa Pinas ka na ulit 'di ba? Umuwi pala ako diyan two weeks ago…Keep smiling! I-enjoy lang ang buhay. 🙂

  3. RJ ay nagsasabing:

    Anong opportunity ang naka-tag para sa 'yo? Congratulations, Yanah! U Regarding kina BBW at Evil Witch, mukhang marami kang iku-kwento. 'TOng mundo talaga, punung-puno ng… Huh! Hulaan ko ang nakain mo kung bakit nakadalawang post ka this week, fishball. o",)

  4. Lord CM ay nagsasabing:

    Di na ako kakain ng fishball, 2 post lang pala sa isang linggo, gusto ko 4 eh 😀

  5. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    oo nga… nasaan ang fishball? saan mo kinonek ang fishball sa post mo na ito? hmmmm isip isp… got it… dahil ba sa stressball? hahaha…talagang bidang-bida kami dito yantotski ah… hahaha!natawa ako doon sa pangalawa mong paragraph. hahaha ayop na yan!

  6. YanaH ay nagsasabing:

    KUYA JIN-kumain po ako gn fishball nung sunday bago ako magpunta ng MOA para makita kau.. hehehe ok na ba? forgiven na? nyahahahaGAS DUDE-ayos lang yun.. patas lang! matagal din akong hindi nakadalaw dito sa blog ko! =))ganun pa din naman madami pa rin problema.. pero ayos lang.. kaya pa… (naks.. kamag anakan ko kasi si darna! ako ung fat version nyahahaha) yes pinas na ako… sayang nagbakasyon ka pala hehehe.. neks taym tsokoleyt ko ha…DOC RJ- may koneksyon po sa nalalapit na panibagong paglipat at pagsisimula ko po.. 😀 hopefully maging ok na rin talaga…at sa kaso ng evil bitch i mean witch pala at bbw… hayaan na lang sila.. kiber ko! hahahahaPARENG CM- anubeh! hindi ka naman yata kumakain ng fishball eh hahahha…MARCOTOTS-ayan, nakita mo na bna ang koneksyon? adiiikkk ka! hahahasa pangalawang mahabang paragraph ka natawa? bwahahahaha

  7. Amorgatory ay nagsasabing:

    bat alang pictyurets?hahahah

  8. Amorgatory ay nagsasabing:

    bat alang pictyurets?hahahah

Sarado na ang mga puna.