Si Kuya Emheng

Si kuya Emheng, isang magkakarne…. nagtitinda sya ng karne ng baka sa MAhogany Market… saan yan??? sa City of Tagaytay….porti years old na si kuya… biyudo, may anim na anak…ang panganay nya si Adam, 18 years old nag-aaral ng kolehiyo sa tulong ng isang boy’s institution kung san sya nakapsok mula highschool, ang sumunod 16 years old si Budo 2nd year highschool yata(di ko matandaan sorry naman…) malakas uminom, nagbubulakbol, malakas manigarilyo, repeater sa skul, kugn ano-anong gang ang sinasalihan..in short pasaway..si Bunini, 14 years old..highschool, panganay sa babae..tamad, hindi maasahan sa bahay, hindi inaasikaso mga kapatid nya… pasaway pa rin..sumunod si Butotoy, 10 years old, pumapasok din naman.. nasa elementary… inaabot ng 12 ng hatinggabi sa kompyuteran, kadalasan hindi na namamalayan na wala pala sa bahay. Si Tinining, 8 years old, nag-aaral din..at ang pinakabunso… si Bebeng, 6 years old..gala..laging wala sa bahay…
(bakit ganyan ang mga nicknames nila? ewan ko rin… hindi ko rin alam kugn san pinagkukuha ng tatay nila yang mga ganyang palayaw.. at dahil sa sila’y mga menor de edad pa lamang.. pinangangalagaan ko ang kanilang identidad kaya hindi ko na sasabihin ang kanilang totoong mga pangalan.. but these children have lovely names.. mga magaganda at gwapong mga bata din sila..)

back to story… si kuya Emheng, umaalis siya ng alas dos ng madaling araw sa bahay nila araw-araw… derecho sa slaughter house kugn san magkakatay sila ng Baka na siya nyang ititinda ng buong araw hang sa maggabi.. uuwi siya ng tanghali upang maligo, magpahinga ng kaunti at kumain na rin pagkatapos ay balik palengke muli.. hang sa gabi na..(kailangan pang sumakay ng jeep mula sa bahay nila hanggang palengke… pamasahe: P7.. sa isang araw ang pamasahe nya? 28P…) kadalasan mag-iiwan siya ng pera sa mga bata para maipambili ng pagkain..umaasang sa pagdating nya sa gabi ay may kanin at ulam na.. pero kadalasan din wala…
nauubos ang pera ng mga bata sa paglalaro ng kompyuter at sa kung ano-anong tsitsirya.

dalawang daan lang ang kinikita ni kuya sa isang araw. para masuportahan ang pangangailangan ng buong pamilya, kadalasan babale na sya sa amo nya… kaya madalas na madalas na gipit din sila.. ilang bata ang araw-araw pumapasok… nangangailangan ng baon.. pagkain sa bahay.. pag makita mo ang bahay nila.. madumi… magulo… palagiang may labahing gabundok ang taas.. mga nakatambak na pinagkainan na mahuhugasan lamang kapag wala ng magamit.

natitirang pag-asa ni kuya Emheng is adam para makatulong sa kanya at sa kanyang mga kapatid. paaral sya ng mga pari sa Rogationist College ( ang paaralang aking pinagtapusan nuong highschool sa cavite)… nag-aaral sya ng Electric Technician… harinawang, palagiang maliwang ang kanyang pag-iisip.. para na rin sa kanilang kinabukasan ng mga kapatid nya.

Kuya Emheng, dama ko ang paghihirap mo.. alam ko ang hirap ng pag-iisa.. tatagan mo pa ang loob mo.. huwag kang bibitaw.. kailangan ka nga mga bata.. kaya mo yan! kaya nyo yan! (gustuhin ko mang tumulong, may mga sariling unos din akong pinagdadaanan ngaun) ang tanging magagawa ko lang ay ang ipagdasal ka sa Diyos na bigyan ka pa Nya ng karagdagang lakas para harapin ang bawat bukas sa buhay mo…


*****
Si kuya Emheng ay asawa ng half sister ko sa aking ama..(bayaw ko in short) may anim na taon ng namayapa ang ate ko.. nang mawala siya ay 1 month old pa lang si Bebeng nuon. naiwan ang pangangalaga ng mga bata sa kanilang ama.*********
Advertisements
This entry was posted in hardships, life, love story, Pinas, reality, sacrifice. Bookmark the permalink.

17 Responses to Si Kuya Emheng

  1. Kosa ay nagsasabing:

    nasan ang may bahay ni mang emheng?ahhhh… iba pa rin talaga ang mga batang may disiplina sa sarili at mga batang ginabayan sa paglaki.pero hindi pa huli ang lahat.. mga bata pa sila(mga anak nya)…

  2. Lord CM ay nagsasabing:

    Kakayanin naman kung iisipin eh, di lang natin kinakaya minsan dahil sa gulo gulong pag iisip.Buti na nga lang may natitira pa syang pag asa, paano na lang kung ang lahat ng anak nya maging pasaway at kalimutan ang kahalagahan ng ginagawa ni Kuya Emheng para sa kanila…wag sanang mangyari dahil kahit ako di ko kakayanin..

  3. RJ ay nagsasabing:

    Kaibiganin mo kaya si Bunini at turuan ng kaunting home management and elementary economics? —-'Yang Mahogany Market na 'yan ay palagi kong naiisip rito, mas may lasa kasi ang mga karne ng baka doon kaysa sa mga nandito sa Australia. Nakaka-miss ang bulalo, papaitan at tawilis doon sa nakahilirang kainan, kung saan tatawagin ka pa ng mga servers at pauupuin sa monoblock chair with skirting! Hahah! Then pagkatapos kumain, diretso sa Sonya's Garden sa Alfonso o sa Caleruega Chapel. Uhmn! Where my mind can go, my body will follow! Instant bakasyon ako nang dahil kay Kuya Emheng. (,"o

  4. YanaH ay nagsasabing:

    KOSAmay anim na taon na pong namayapa ang may bahay ni kuya emheng..etong darating na linggo, malamang na magkikita kami ni kuya emheng at ng kanyang mga anak..di rin maisisisi ang kinahinatnan ng mga anak nya kay kuya… hindi biro yung biglang bagsak na responsibilidad nya.. pinipilit nyang kayanin… alam ko un…CMayun nga po… mabuti na lang at may natitira pa syang pag-asa…alam ko na makakaya nya.. tulad ko.. at tulad mo.. nagkakataon lang din na nakakaramdam siya ng "down syndrome" paminsan-minsan.. alam mo na…

  5. YanaH ay nagsasabing:

    DOC RJhahaha.. mabuti naman an narest ng kaunti ang iyong isipan ng dahil kay kuya emheng…maganda rin minsan itry mo after mag mahogany ang bag of beans.. hehehe then go to sonya's….si bunini? mejo may kalayuan ang bahay ko sa bahay nila.. pero once in a while bmibisita ako dun at nangangaral ng kaunti ukol sa pagpapanatiling malinis ng katawan at ng kabahayan.. 😀

  6. BlogusVox ay nagsasabing:

    Mahirap kumapa sa dilim pag nawalan ng ilaw ang isang tahanan.Meralco ang dapat sisihin nyan!

  7. YanaH ay nagsasabing:

    KUYA EDso true po… nakita ko kung panong biglang nagsaklob ang langit at lupa sa buhay ni kuya ehmeng nang magdesisyon ang nasa taas na kunin na ang ate ko.. hindi biro ang anim na anak na iniwan sa kanya mag-isa.. 😦

  8. Led ay nagsasabing:

    tama. kaya mo yan mang emheng. XD saka…sana ginandahan mo naman ang palayaw ng mga anak mo. XD haha

  9. saul krisna ay nagsasabing:

    hmmm bigla ako nakarelate… kaso in my case… iniwan kami ng nanay ko…. kung baga…. inalisan kami ng ilaw sa munting tahanan namin…pero nakayanan ito ni itay kasi ako lang ang naiwang anak niya…malakas nga lang daw ako kumain kaya dati nahihirapan siya… ahahaha smile naman dyan..ipag ppray ko na lang siya palagi

  10. EǝʞsuǝJ ay nagsasabing:

    kinailangan ko pa kaseng basahin ulit..kaya ngayon lang ako nagcomment…:(ang hirap kase tandaan nung mga pangalan ng mga bata…(tapos nadedestruct pa ko ng bg song)…tama ba sfell?alam ko pala yang Mahogany Marketjan kase kami nabili ng baka(hindi baboy)na binabaon namin pag napunta kami sa isang kamag-anak sa Cavite City(can't remember the name of the exact place)I miss Philippines…ahaiizzz….Sana malampasan ni Kuya Emheng yung hinaharap nyang hirap sa buhay…Just tell him to have faith:)

  11. Axel ay nagsasabing:

    ininterview mo?? lolz

  12. YanaH ay nagsasabing:

    LED-honga eh.. sana nga ginandahan naman nya kahit onti ung mga nicknames diba? hehehedoncha worry makakarating kay kuya emheng heheheSAUL-naku naman may naging problema pala sa budgeting ang tatay mo nun heheh well at least napatunayan nyang kaya nyang i-handle and food budget mo hehehe joke..JENTOT- "DISTRACT" po…ok sertipayd kabitenya ka talaga.. **napunta….**nabili…im telling him the exact words youre telling me..which sinasabi ko rin sa sarili ko hehehe..AXEL- hindi po… hubby po sya ng half sis ko.. hehehe

  13. isladenebz ay nagsasabing:

    In fairness, nakakabilib pa rin naman si Mang Emheng dahil matiyaga niyang binubuhay ang kanyang mga anak.Dalangin ko'y makatapos ng maayos si Adam at makapaghanap din ng trabaho. (Sana sa abroad).

  14. Anonymous ay nagsasabing:

    [url=http://sopriventontes.net/][img]http://sopriventontes.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url][b]shop web software, [url=http://tonoviergates.net/]purchase word software[/url][url=http://sopriventontes.net/]wisconsin student discount software[/url] buying computer software Poser 7 Mac Poseracdsee [url=http://tonoviergates.net/]can i sell used software[/url] cheap software downloads[url=http://sopriventontes.net/]discount software house review[/url] software oems[url=http://tonoviergates.net/]1 Mac Box Set[/url] buy macromedia softwareneed to purchase software [url=http://sopriventontes.net/]free nero express[/url][/b]

Sarado na ang mga puna.