Death Comes Swiftly

I almost died TWICE! yesterday…
ung jeep na sinasakyan ko muntik nang mahagip ng rumaragasang truck… galing ako ng baclaran nun at since rush hour na hindi ko na inambisyon na sumakay ng aircon na bus dahil wala na akong lakas para tumayo sa bus….kaya i decided na magjeep….
bakit ako nasa Baclaran on a monday?
i went to meet with a friend..i was in need of someone sensible to talk to (badly) yesterday tha is why i immediately texted him and (thank God he agreed.) and asked if we could meet up. i was not able to show up for work yesterday… BECAUSE… something happened at home.which makes me decide to go for another one of those blog leave na pakulo ko. it will be a very LONGGGGGGGGGGGGGGGGG blogleave..

I was hurt..
isang libong piso lang ba ang halaga ng buhay ko? na kung nagkaroon ng pagkakataon, pinaglalamayan na ako ngayon. kung namatay ba ako, iiwan mo ung isang libo? kung napatay mo ba ako dadagdagan mo yung isang libo na yun? nakakapanliit. ganun lang pala ang halaga ng buhay ko sayo.
nakamarka sa katawan ko ang ginawa mo sakin. sa totoo, hindi ako nasaktan. wala akong sakit na naramdaman habang ginagawa mo yun. nagpupuyos sa galit yung kalooban ko sayo ng mga sandaling yun. walang patid ang mga luha sa pagdaloy sa aking mga mata. oo, umiiyak ako.. pero hindi kita iniiyakan. umiiyak ako dahil sa pagkatao ko na niyurakan mo..sa dignidad ko na inapakan mo. tao rin ako gaya mo. nasasaktan.
maaring isang linggo mula ngayon mawawala ang mga latay na iniwan mo sa katawan ko ngunit ang latay ng pagkatao ko at ng puso ko na binigay mo…. habang buhay kong kikimkimin. para kang isang mabangis na hayop na nauulol sa pag-atake. nang dahil sa isang libong piso nagawa mo yun.
would it made any difference if i had just died that time? will it make u happy? will it make your day?
by simply hurting me, ano ang napala mo dun?

nakakalat na dos por dos sa sahig, naunahan kita. itinapon ko palayo sayo. muntikanan mo ng maabot. kung nakuha mo yun. malamang ipinagpapalo muna yun. kulang ang tigas ng pader. kulang ang mga sampal at mga sipa para sayo wala pa yun na kailangan pang dagdagan. ngayon? kulang pa rin ba?

nakita ka pala ng bata. nakita nya ang ginawa mo.

natakot ako. pero mas nananaig ang pagkamuhi ko sayo. mas nangingibabaw ang galit. patawarin ako ng Diyos na kung magkaron man ng ganitong pagkakataon, baka ako na ang makapatay sayo.

kung nasira ang bisekleta mo na hindi mo nagamit kahit minsan dahil hindi ka amrunong, ipapagawa mo pa ba ito? saan, kanino at paano?

salamat sa mga taong walang sawang tumulong at tumutulong sa akin. sa mga naging kaibigan ko ng totoo. sa mga taong walang sawang nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay..maraming salamt din sa mga taong nagdasal para sa akin. salamat na rin sa mga taong laging bumabalik-balik dito sa aking tahanan. special thanks to Jen, for always bein there..kay Batman, sa alam mo na yun at sa pagiging mabuting kaibigan sa akin..kay kuya kenj sa walang sawang pakikinig and who makes it his mission to check if I AM OK… to kuya NJ…to kuya Ogie…to toni, di na tayo syado nagkakachat ngaun…to kuya ejay for the smiles and everything and to marco, for being a true friend who will stick with you till the end… am so grateful ive got you as a friend.. salamat sa pagtitiyaga…thank you for making me smile.. laugh… i remember sabi dati ni kosa, “napangiti ka na agad sa ganun? ang babaw naman ng kaligayahan mo” ano naman magagawa ko kung mababaw ang kasiyahan ko.. i find it hard to really be happy about the thigns that really matters. sabi naman ni jen dati:” iyak ka na alng ng iyak. wag ganun. ” i just cant help but cry. its the least that i could do. at isa pa libre ang umiyak.may maniningil ba sa akin pag umiyak ako? mahaba na to masyado… to those i fail to mention… pasensya na… blame it sa rusty memory ko.. basta thank you talaga sa lahat-lahat… God bless each and everyone of you.

my soul aches… im so tired i wanna take a rest… i wanna take a break from EVRYTHING…

mas madaling bumitaw at tumakbo kaysa humarap.. tatakbo o haharap? bibitaw!

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

23 Responses to Death Comes Swiftly

  1. EǝʞsuǝJ ay nagsasabing:

    teka nalimutan mo na ba yung kanta naten?"Wag kang bibitiw, laglagwag kang bibitiw, laglaaaaaagggg!"tsktsk..Yanah for sure alam mo na may lesson pa din behind those things na nangyari, nangyayari at mangyayari pa sayo. You almost died twice but still HE saved you!bakla…words will remain as words if you're not going to take it as an advice….never ever lose hope and faith in Him..kase pag iniwan ka na ng lahat ng pwede mong takbuhan, HE will always be there for you…I'll continue praying for you..wag kang bibitaw baklakakain pa tayo ng slurpee at iinom ng goto sa may bayan..heheh :Dkeep in touch, orayt?:)

  2. Mr. Thoughtskoto ay nagsasabing:

    hindi ko nagets yung isang libo na part na yun? sino yun? ang ano yun?ingat ka, at kahit anong hirap ng buhay, harapin mo, lilipas din yan. ang problema namamatay, ikaw magiingat, okay?ay base pala ako. hahaha! ayan maraming makabasa sa comment ko!

  3. Mr. Thoughtskoto ay nagsasabing:

    ***JENha!!! jen! ikaw ang nakabase! sige na nga, second base na lang ako… hay iba na talaga apg inspired, ang ganda mo dun sa pic niyo ni pogi at chico, hehehe, sila pogi at chico, hindi maganda. hahaha

  4. RJ ay nagsasabing:

    Sino 'tong nakabangga mo lately? Mag-ingat ka palagi Yanah….at higit sa lahat ipagpatuloy ang mataimtim mong pagdarasal.

  5. A-Z-E-L ay nagsasabing:

    parang naintindihan ko kahit hinde….habang binabasa ko ang story ng 1T eh inilagay ko ung sarili ko sa "crime" scene.laban ng laban Yanah.kapag sumuko ka para mo na ring isinuko ang mga taong umaasa sayo… at alam kong hindi mo hahayaang mangyari iyon!kaya mo yan!wala akong isang libo, pero meron akong mahabang pasensya para sa mas nangangailangan…

  6. Jinjiruks ay nagsasabing:

    naku mag-ingat ka palagi mami yanah! delikado panahon ngayon!

  7. jodi ay nagsasabing:

    HARAPAIN MO LANG NG AYOS KAHIT ANO PA YAN, MATATAPOS LAHAT NG YAN KASE DI NYA IBIBIGAY YAN NG DI MO KAYA..GOD BLESS YOU HIJA AT SANA AY MAGING MAAYOS ANG MGA DARATING NA ARAW SAYO..

  8. poging (ilo)CANO ay nagsasabing:

    1K? kelan yun? yun ba yun?.hehehedito lang kami sa tabi tabi tutubi..hanggat kaya ko, tutulong ako para sa ikaka unlad ng mundo este ikakabuti ng kapwa ko pala..adik is for adik…toinkz..@kuya kenj,hindi kami maganda ni chico pero gwapo naman kami. si jen ang hindi gwapo..heheh..teka! inspired nga ba si jentot?..

  9. MarcoPaolo ay nagsasabing:

    wag kang bumitaw…isipin mong ang mga anak mo… paano na lang kung mawala ka?stay up! be brave! and pray!

  10. Jez ay nagsasabing:

    sisssssss, text me kapag pumpupunta ka dito sa metro city, baka sakaling pwede tayong magkita..medyo busy lang kasi lately, sensya nah..katulad din ng sinabi nila, hindi mo pa panahon kaya di ka pa kinuha ni papa God. it means, my mission kapa dito sa lupa..sis, be brave, be brave..and pray!believe in your dreams.believe in your self.

  11. saul krisna ay nagsasabing:

    takte isang libong piso lang ang binayad sa iyo?adik ba siya eh mukhang nasaktan ka ng sobra…. okay ka na ba? teka baclaran ba kamo? hahahahah layo naman nun… anyway i'll pray for you palagi…..

  12. Kablogie ay nagsasabing:

    Parang di ko ma-gets yun 1k..nwei, dito lang me na walang sawang tutulong sa yo…Cheer up!

  13. dhyoy ay nagsasabing:

    wag kang bibitaw!

  14. Zweihander ay nagsasabing:

    Hindi ko alam ang talagang nangyayari sa iyo Ate Yanah. *hug na lang.

  15. gillboard ay nagsasabing:

    ok ka lang? tagal na kita di nakakatext?

  16. Dhianz ay nagsasabing:

    awww… sana everythin' will be ok for u ate Yanah… i'll pray for 'u at 'ung lang kc ang kaya kong icontribute… take care… God is w/ u… He will never leave you nor forsake you… Godbless! -di

  17. Nobe ay nagsasabing:

    life is full of unexpected things no matter how much we try to control it.love,nobewww.deariago.comwww.iamnobe.wordpress.com

  18. melai ay nagsasabing:

    Kumusta ka naman ngayong nailabas mo na yung mabigat sa dibdib mo? sana umokey naman miski papano.Sa susunod pag ganyang problemado ka wag na wag kang lalabas ng kalsada, hinga ka muna ng sampung beses, yung malalim.. tignan na lang natin kung hindi ka makahinga ng maayos :)Hindi ko sasabihing "kaya mo yan! at alam ko kung ano ang nararamdaman mo" kasi hindi naman totoonng alam ko kung ano ang nararamdaman mo.basta, hinga lang ng malalim mga sampung beses.

  19. The Pope ay nagsasabing:

    My family here and in the Phils have offered prayers for you and your kids… Keep on Believing.

  20. Everlito (ever) Villacruz ay nagsasabing:

    pagdating ng tamang panahon,pagnagkasalubong kayo,deretso kang lalampas sa kanya, at siya ang liliko na nakatungo..

  21. HARI NG SABLAY ay nagsasabing:

    kala ko dati nsa abroad ka din. nsa pinas ka din pala,heheibig sabihin may saysay pa buhay mo sa mundo kaya ka b=nbuhay ulit.hehe yun isang libo pwding isang daan nlang,lolsteka ano ba yjun?nghuhula lng ako eh. ang gulo ko,haha

  22. ~~m$. DoNNA~~ ay nagsasabing:

    Naku sistah, sa susunod ingat ingat.. wag makontento sa tingin sa kaliwa at kanan, hanggat maari gawing apat ang mata, pati harap likod na rin… hehehe.. be alert… mahirap mamatay… lalo na mga mga umaaso sayo..anyway, salamat sa pagbisita sa page ko…ingat lagi 🙂

  23. Kosa ay nagsasabing:

    tatakbo ba o haharap?depende sa hinihingi ng sitwasyon.bakit anung nangyari? nanood ka ba ng pelikulang ma-aksyon? joke!sige sige ipagdasal mo nalang lahat kay PapaGOD.pasensya na hindi na ako nakakapasyal pasyal at nagpaparadam ng madalas. busy lang talaga..kitakits

Sarado na ang mga puna.