SEX 101

pinababawi ng kinauukulan ang blog leave ko… BAkit? youre about to find out in a few seconds….

walang kinalaman ang title ng post ko sa entry ko.. at aminin mo na… nakyuryus cat ka maige kaya niclick mo tong title ko na biglang sumulpot sa sidebar mo.. yun eh kung naka add ako sa blogroll mo… mga maduduming utak! nyahahahaha! seryusli, wala talagang kinalaman yung title ko sa whole entry… i just wanted to get your attention.. nagtagumpay naman ako diba? hehehe

mali nga yung naunang statement sa kung san ko man pi-nost yun na kilala ko siya… na ive known him for quite some time… at iba pa rin pala ang pagkakakilala ko sa kanya…… tama nga yung sinabi niya na hindi ko sya kilala ngayon at magpakailanman. akala ko kilala ko na sya base sa mga sinusulat nya.. hindi pa rin pala.. you will never know a person unless makasama mo sya..sa case niya siguro yun… kasi sa iba naman hindi.. marami akong nakilalang totoong tao dito sa blog base lang sa pagbabasa ng mga blog nila. marami akong nakilala na eventually naging kaibigan ko. may mga hinangaan din ako na tao base sa mga pagsusulat nila.. (ang haba ng pasakalye ko) at isa na dito SIYA! nung una, ang laki ng respeto ko sa kanya..na saludong-saludo ako sa paraan nya ng pagsusulat ngunit biglang nagbago ang lahat.. nagsimula ito sa Igorot..palitan ng komento hanggang sa napunta sa Tsokolateng made in China…

eto lang ang masasabi ko: hindi lang PERA ang dahilan ng mga mga taong nangingibang bansa.. at uulitin ko na naman to, mula sa comment ko sa isang post na.. secondary reason lang ang pera..ang tunay at malinis na hangarin ng bawat pilipinong umaalis ng bansa para mangamuhan sa iabng lahi ay ang mainagt ang pamilya nya sa kahirapan. mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga taong mahal nya sa buhay….sinong tao ang hindi maghahangad na maging maayos ang buhay ng kanyang pamilya? kung ang tanging paraan para mabigyan sila ng magandang buhay ay ang mangibang bansa at magkandakuba sa pagtratrabaho ng malayo sa kanila, bakit hindi diba? yun lang…

these are just my thoughts…. you may hate me for this… sue me if you want..i dont care! (evil laugh) joke lang…. eto lang talaga yung mga gusto kong i-point out.. hindi ako OFW… but i think for some time din.. (lets say 5 months? ahihihihi) i was.. ive been an OFW…i knew what its like to be away from my family… i wasnt literally kissing ass there in Dubai… but i was actually taking in jobs na nuknukan ng layo sa pinag-aralan ko… but ive to do it.. in order to survive at kahit papano makapagpadala sa mga umaasa sa akin..hindi biro ang umalis ng bansa para kumayod, para lang maitaguyod ang pamilya.. hindi biro yung wala ka sa tabi ng mga anak mo, na hindi mo sila masubaybayang lumaki. i was gone for like 8 months only but when i came back.. hindi na ako kilala ng youngest child ko, isa na sa pinakamahirap na task para sa isang OFW ang pansamantalang kalimutan ang lumbay na kanilang nadarama dulot ng pagkakawalay sa pamilya.. pansamantala na magkakaron sila ng sarili nilang mundo para magbanat ng buto para mabigyan ng magandang kinabukasan yung pamilya nya. AKO… sa sarili ko… alam ko.. aalis ulit ako… magiging OFW ulit ako… bakit pa ako aalis ulit eh andito na nga ako? hindi sapat para makapagbigay ng magandang buhay at masiguro na makakatapos ng kanilang pag-aaral yung tatlo kong anak yung kinikita ko ngaun dito sa pilipinas. kaya alam ko… aalis pa rin ako.. magpupursige pa rin akong maging isang OFW… hindi para sa pera.. kundi para sa pamilya ko…

**********************************************************
RANDOM THOUGHTS:

– yun bang “dont let the bed bug bites” eh yung surot sa tagalog?
– mag unlimited texting service pa ba ko kung wala naman ako tinetext? kung yung kaisa-isang taong katext ko madalas eh di na gaano nagtetext?
– libre DAW maligaw, wag lang DAW araw-arawin. kasalanan ko ba na rusty memory ako when it comes to directions hmmmm as well as instructions? hehehehe
– ring ring rin (sinagot mo) haller! este hello pala.. (sabi sa kabilang linya) gising ka pa?–>kung sinagot mo ang telepono, ibig sabihin gising ka pa, kailangan pa ba nya itanong?

**************************************************************

What happens when a person dies? is there really a place called HEAVEN and HELL? those people who died, where do they go afterwards? who decide who goes where and when ( alam ko ang sagot but i still wanna ask) I am a Catholic but for some reason i find it hard to believe that there’s a place called HEAVEN. Seeing people i know leave the world im /were living (including my own father) makes me really wonder “where do they go to after here?” is it really true that when a person dies, their spirit wanders off somewhere?

Mr. Jose Ordiz Datu lived 69 years of his life. He peacefully joined our Creator last night. Mr Jose Datu survived by his wife Teresita, his children: Melannie, Joel, Jane and Irene; his grandchildren: John Michael, Elias III, Christa Einnalem, Jmechella, Julyanah Marie, Josef Kahlil, Jillian Margaret………May he rest peacefully..

******************************************************
bibili pa rin ako ng tsokolate kahit made in Iraq pa yun… to-leyt yun weh! ahihihihihi

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

15 Responses to SEX 101

  1. EǝʞsuǝJ ay nagsasabing:

    sauce..akala ko pa nmn totohanan yung taytel..(joke)hmm…nag-init ang dugo ko ng mabasa ko ang post nya…nag-init din ang dugo ko ng nabasa ko ang comment ng iba…nag-init ang dugo ko ng malaman kong naliligaw ka pa din pala…(oink pinas na yan ahh…naliligaw ka pa deen?haha)syasya..gagaling gagaling…asteeg…\m/

  2. YanaH ay nagsasabing:

    JENTOTnapapagalaman bakla… nabubuking ka! hahahahahahaat least napainit ko ang dugo mo ahihihih..boiling point, nareach ba?at ukol sa pagkaligaw… wag ka na epaloids mongoloid jan dahil iabng lugar yun… bago sa paningin ko un.. kaya malamang sa malamang eh maliligaw ako..

  3. BlogusVox ay nagsasabing:

    Sana mabasa ito ng kinaukulan at sa gayon, kahit papano, malinaw-linawan ang kaisipan. Hindi basta magaling kang mag sulat, sa english man o tagalog, at malalim ang bokabularyo mo ay maituturing mo ng malawak ang iyong kaalaman. Ang pagsusulat na ini-ilathala para basahin ng publiko ay may kaakibat na responsabilidad. Ang isang opinyon na walang sinasandigang ibedensya ay maituturing na kathang-isip lamang. Kung ang isang opinyon isinulat hindi para makadagdag ng kaalaman o para pagsimulan ng kuro-kuro kundi para pagtawanan o alipustahin ang isang bagay, tao o sektor ng lipunan, ito ay isang paglabag ng tinatawag na "Journalistic Code of Ethics". Dito mo masisilayan kung ano ang pagkatao ng isang manunulat.

  4. HOMER ay nagsasabing:

    Catchy ng title huh! haha!!I can feel what you are feeling, well on a child's perspective. Kasi yung mom ko was abroad working and when she decided to settle here up to now we're not close.. I remember tuloy ung movie na Anak hehe!! 😉

  5. ka bute ay nagsasabing:

    i agree with blogusvox. may pagka-kontrobersyal yung taong pinatutungkulan mo dito sa post mo ah. hehehe. (–,)

  6. Zweihander ay nagsasabing:

    Kailangan ni Ate Yanah ng hugs. I-hug natin siyang lahat. :)*huugs

  7. Mr. Thoughtskoto ay nagsasabing:

    I say amen sa sinabi ni Blogusvox. Thank you for this post. you redeem yourself na? natawa ako sa first line. Sex 101 ang title, sabi ko kaagad, "Ha? si yanah sa gitna ng kaguluhan sex 101 ang topic?"hahaha, salamat nanay!

  8. shamy ay nagsasabing:

    hmmm… parang may nabasa na rin akong blog about jan sa tsokolate na yan… hmmmm

  9. dhyoy ay nagsasabing:

    hmmm… parang may nabasa na rin akong blog about jan sa tsokolate na yan… hmmmm

  10. Dylan Dimaubusan ay nagsasabing:

    HIndi ako mahilig sa tsokolate, pag may nagbibigay nga nito sa akin mas gusto kong isini-share sa iba.. KAhit may sweet teeths ako.. haha uber sa plural..So true, you will never ever really know a person unless na makita, makausap at makasama mo sya ng matagal. Kaya wag tayong nagbabase sa mga salita lang na naisulat nila..As for that issue, well, there's only one thing I hate about it, the commentors who used profane words, kahit pa sabihin na nating sobra silang nasaktan, kumbaga sa basketball, FOUL yun. At sila ang masasabing talo sa laban. Wala kasi silang ibang masabi sa galit kundi magmura na lang.Kaya dahil sa post na yun, nakilala ko ang mga kapawa kong ka-blog. Nakakadisappoint.

  11. bomzz-in-iraq ay nagsasabing:

    first time ko ata dito ah… 🙂 heheheSabi ko nga marami tayong humanga kay Bro Mike..at hanggang ngayon di ko talaga makuha kuha kong anong basehan niya.sa mga pinagsusulat niya…kahit saan anggulo triyangulo sirangulo titingnan na di yun ang nais niya iparating….i almost conlclude na baka bumalik sa mga Bisyo…niya na halos magkasabay kaming I blog yun na iwanan na ……Fish be with him…..

  12. Desert Aquaforce ay nagsasabing:

    Alam ko na kung papano mapa short-lived ang blog leave mo… hehehe! ayos ah!

  13. gillboard ay nagsasabing:

    kaya pala nag-iinit ang mga pantog nina Jen at Poging Ilocano nang mabasa ko ang blog nila kanina… sadly, di ko nabasa yung post na yun… pagkakaalala ko, meron na rin siyang naging issue sa isa pang blogger dati… last year pa yun.. oh well..

  14. Rej ay nagsasabing:

    mahirap talaga maging OFW. OFW kasi ang tatay ko. every year kapag nagbabakasyon sya nagaadjust kami. ngayon, malapit na sya maging senior citizen pero pinipilit pa rin makaalis kasi may bata pa akong kapatid. hindi naman sapat ang kinikita namin dito sa naspi kaya pinaplano ko na rin magwork abroad para makatulong man lang kahit konti.

  15. JoShMaRie ay nagsasabing:

    tahimik akong naloka. pero hayaan niyo na lang siya. at least nasabi niyo na ang gusto niyong sabihin. im sure dahil sa mga post nio ngagenerate ng bonggang site traffic ito pra sa blog ni mike.

Sarado na ang mga puna.