REALITY BITES

nakakalungkot isipin na mayroong mga ganitong pangyayari…sabi nga ng new founf friend ko na si toni.. reyalidad yan.. na sinegundahan ko naman ng REALITY TRULY BITES……naranasan ko ng magutom.. hindi alng isang beses… kasama ng mga anak ko nuon nung asa mindanao pa kami. pero hindi naman kami umabot sa ganyang sitwasyon. sabi nga nila.. maswerte pa rin ako/kami kahit papano.. kailan kaya mangyayari na mawawalan ng mga taong magugutom sa buong mundo? kailan kaya mangyayari na lahat ng hapagkainan ng bawat pamilya ay may palagiang nakahandang masustansiyang pagkain para sa kanila.. imposible ba? libre mangarap.. kaya papangarapin ko na lang ang mga ganyang pangyayari.. at magpasalamat sa nasa itaas at isiping.. maswerte pa rin kami kahit papaano… Thank you, Papa God..

http://www.youtube.com/v/993rZrfLBjg&hl=en&fs=1

*************************
sagot sa guess the title echos ko sa last entry:
1. Just when i needed you most
2. Break it to me Gently
3. I dont want you to go

*************************

” feels like home to me…
feels like home to me…
feels like heaven all the way back…”
– guess the song title as well as the singer at pati na rin kung saan show ginamit yang kantang yan.. hehehehe

**************************

superrrrrrrrrrrrr sa thank you nga poh pala kay KUYA NJ sa mga awards na ipnagkaloob sakin… naidisplay ko na agad sa lagayan ko jan over the gilids oh… there========> kita nyo? salamats poh again…feeling celebrity na naman ako sa sangkaterbang awards na nareceive ko……

**************************

trivia?!
– Coca-Cola was originally green.
– Men can read smaller print than women; women can hear better
– Kermit the Frog is left-handed
– sa pera na ISANG daan , meron kang mkikita na nka sulat “Banko Sentral Ng Pilipinas” doon sa mismong building… kung mapapansin mo para lang siyang isang linya na Kasali sa pagkadrawing ng building, pero kung titingnan mo ng mabuti, hindi yun lines, kundi TEXT “Banko Sentral ng Pilipinas”

****************************

“Lose your way
And I will follow
Here today
And here tomorrow
Like my freedom I know
I’ll never let you go “
– guess the song title, singer at kung saang show ginamit…

answers sa susunod na entry….

****************************
mali yata na sinabi ko sa kanya… mali yata na ipinaalam ko sa knya.. maling desisyon.. maling-mali.. pano na ngayon? magkakaron na ba ng lamat?! magkakaron na ba ng rason para magtago? kakailanganin na bang talikuran ang pinagsamahan?

****************************
sabi ni evilwitch… kilala nyo ba si evil witch??? kung hindi pa.. click mo to! so, ayun nga sabi ni evil witch kagabi.. yes, magkausap kami ni evil witch kagabi…. eto ang sinabi nya :” ipokrita ako kugn sasabihin kong wala akong alam sa pinagdadaanan mo. naisip ko lahat ng pinagdaanan mo.. ung mga sakit.. pero mas iisipin ko ang sarili ko…kesehodang may tatlong inosentang bata akong masagasaan at pamilyang masira, wala akong pakialam. bakit ko kayo iisipin? hindi ko kayo kaano-ano. natural na iisipin ko ang sarili ko, kung ano ang gusto ko at kung pano ko makukuha ung gusto ko. at ngayon, alam kong nakuha ko na ang gusto ko, kitang-kita naman.. bakit umaasa ka pa? mas gusto mo pa bang isampal ko sa pagmumukha mo ung nagsusumigaw na katotohanan?” those were her exact words last night….kung ano man ang nagyari kagabi at kung ano ang isinagot ko sa kanya kagabi…. saka ko na ikkwento… masyado pang fresh ang mga pangyayari….

****************************
sabi pa pala ulit nung new found friend ko… “ang mga martir ngayon pinapatay na.”
ano sinagot ko? (baka pag mabasa mo ung sagot ko gustuhin mo na batukan ako… sorry lang…. eto ang sagot ko: “eh siyam ang buhay ko eh..” 😦

Advertisements
This entry was posted in BBW, evil witch, hunger, life, reality, thanks. Bookmark the permalink.