Mahirap Kang Mahalin

“kung sino daw ang magfall………..syang talo…..”
———> wala na akong idadagdag pa jan kundi: “ang isda raw nahuhuli sa sarili nyang bibig”

*************************************

1. Mahirap akng mahalin kasi……
sa tuwing tatangkain kong mahalin ka…(ok fine! hindi naman nawala yun!) sa tuwing hahayaan ko ang sarili kon na paganahin lang ang puso ko eh sobrang nasasaktan ako. dahil alam kong you wouldnt love me back. (pero, diba, un ang tunay na pag-ibig, nagmamahal ka at hindi naghahangad ng kapalit sa pagmamahal na binigay mo…pero masakit… sobra! sagad-sagad…)

mahirap kang mahalin dahil napakahirap mong intindihin. magbebeinte sais pa lang ako pero nuknukan na ng dami ng uban ko at mukhang na akong sisenta sa pagpupumilit na intindihin ka.

Mahirap akng mahalin dahil makasarili ka… sarili mo lang ang iniintindi mo..

Mahirap kang mahalin dahil nakakatakot. Nakakatakot na pagdaanan ko ulit lahat ng sakit na dinanas ko… nakakatakot na baka sa susunod eh hindi ko na mapulot yung basag-basag na piraso ko na iiwan mo.

Mahirap kang mahalin dahil alam kong hindi ko na rin kaya pa…
Palayain mo naman na sana ako……
Napapagod din ang puso……

“kadalasan may explanation kapag sinasabing “i fell in love” pero kapag ang sinabi na eh “ive fallen out of love” paano mo ipapaliwanag?


****************************************

2. Mahirap akng mahalin kasi…..

HIndi dapat ( karapat-dapat na mahalin ng isang taong DI gaya ko)

Mahirap akng mahalin dahil alam kong walang patutunguhan, masasaktan lang ako. Na kung ano mang espesyal na pagtingin meron ka para sakin eh tulad lang din naman ng sa iba. yung ambisyosang utak ko lang ang naglalagay ng kulay dun.

Mahirap kang mahalin dahil alam kong may ibang nagmamahal sayo at kung magkakaroon ng pilian, tiyak na llamado sya sa laban…

Mahirap kang mahalin dahil…. wala akong karapatan…..

***********************************
alam ko hindi akma sa kwaresma ang entry ko ngaun… wala akong magagwa, yan ang nararamdaman ko eh… at alam ko rin na masyadong maraming problema sa buhay ko ngaun para unahin ko yan… tao lang namna ako eh… nakakaramdam.. nagdadaramdam… paminsan-minsan nakakaramdam ng sakit.. lalo na kapag ung sakit eh nasa paligid-ligid lang ng bahay kubo…at dun sa kahit wala sa paligid ng bahay kubo.. nakakasakit pa rin… eh bakit ba?! basta! magulo ba?! honga magulo nga.. naguguluhan din ako eh..

im still in the process of rearranging my life.. bigla lang sumuslpot ang mga unwanted feelings at realizations…. hindi maiwasan …. hindi maisantabi… 😦

Advertisements
This entry was posted in hurting, life, losing, love, loving, mixed emotions, Pinas. Bookmark the permalink.