Random

walang katapusan pasasalamat. i will forever be thankful/grateful to all those kind hearted people who’ve helped me in this particular battle in my life…. i will never forget yung araw na napapayag ako ni kuya kenji to blog about my dilemma…..i never thought na ung sagot sa mga problema ko at that time eh dito sa mundo ng blogging ko makukuha. Hindi ko talaga akalain. the truth is, until now, im still finding it hard to believe. superrrrrrr exacited na ako sa pag-uwi ko. (finally!) this time totoo na toh.. ayn na eh! nanjan na sa harapan ko ung ticket.. pero parang there’s this part of me na nagsasabi na wag ka muna maging masaya masyado baka may mangyari na naman…. hangga’t di ka pa nakakatapak sa NAIA, wag ka muna masyado maeksayt..may anim na araw pa….anim na araw na LANG.. pero parang napakatagal pa… ang bagal ng oras.. gusto ko ng hilahin ung a-beinte kwatro….i cant wait! maghapon akong walang ginawa ngayon…. maghapon akong hindi lumabas dito sa tinutuluyan ko, sa kasamaang palad eh binisita ako ng dating matalik na kaibigan kong si FEVER….. kahapon pa toh, nakaramdam na ako. kung kaya’t matapos akong pakainin ni Jen ng walang kamatayang manok, lumaklak na ako agad ng gamot na binigay niya hindi nga lang effective dahil natuloy pa rin. sunod an ininom ko eh advil.. mga naka dalawang advil din ako na sinamahan ko ng valium para makatulog ako ng maayos..nakakapagtaka na nitong nakaraang pagkapraning ko eh hindi ko naisipan lumaklak ng sandamakmak na valium which i usually do before.. siguro ay sa kadahilanang nasa ilalim ako ng mahigpit na pagbabantay ni Jen at ng kanyang pamilya.
***************************************************
Nung isang, isang gabi, nakatanggap ako ng tawag mula kay Kuya Kenji.. may sinsabi siya something about GMA na hindi ko maintindihan… bukod sa maingay sa kinalulugaran ko nung mga oras na yun eh talagang hindi ko pa rin maintindihan. Kaya sabi niya email niya na alng sa akin. the next day when i opened my mail.. ayun na nga ang email nya, he was telling me about this researcher from a certain program sa GMA who wanted to feature my story daw.. mula sa kung paanong nagtulungan ang mga bloggers para makauwi ako hanggang sa maretrieve ko yung mga anak ko…. after reading his email, hindi ko na kinailangan pang mag-isip, sa puso ko ko, alam ko na kung anong dapat maging decision ko. then i read another email.. from the resercher itself. pero hindi ko pinagtuunan masyado ng pansin. nag log in ako sa YM… as usual invi for a few minutes… ang dami na naman offline messages… there’s this two offlines from a fellow blogger who’s also dubai based pero hindi ko siya kilala… tapos meron din from friends kung saan at from dun sa researcher, may kasamang add invite.. nung nag-available ako.. nagchat kami ni kuya kenji and i told him my decision. after a few hours, the researcher went back on line and we chatted for a while.. she told me kung ano ang dapat na maging plano if ever ill say yes..she even asked for my phone number (pero dineadma ko ung tanong nya na yun, sorry naman ms alyx! i know you’ll be reading this) mtapos nyang maipaliwang sa akin ang lahat-lahat ng dapat kong malaman about the program (which hindi namna kailangan explain dahil im not interested) tinanong nya na naman ako if i’ll do it… but still i said NO… she told me na pag-isipan ko… to try to reconsider… pero sabi nga ng friend ko, “kapag buo ung loob mo sa isang desisyon na ginawa mo, kahit anong pangungulit at pang-aakit ng mga tao sayo, hindi magbabago ung desisyon mo.”

Bakit nga ba ako tumanggi??? unang-una, im not a sucker for limelight….tama na yung umikot yung pangalan ni yanah sa kung kani-kaninong mga tahanan nitong nakaraang tatlong araw. (maraming, maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa akin. totoo ngang mas naririnig Niya kapag madami tayong nagdadasal..salamat ulit…..), PERO, ung tipong, i’ll go media? i dont think kakayanin ko… kahit papaano i still value my privacy……and besides, this is not just my story to tell… its not just about me…. its about me, my kids, my family and my new found friends who doesnt want to be mentioned. kung pumayag ako… if i accepted the offer, ano na ang mangyayari? mawawalan ng saysay yung lahat ng hirap ng mga taong tumulong/tumutulong sa akin ngayon. Malabo ba? teka, ipapaliwanag ko…. Bakit ba ako uuwi? uuwi ako para sa mga anak ko, para makuha sila at parang maging safe and secure sila.. … kapag tinanggap ko ang offer, hindi lang ako ang maeexpose, pati mga anak ko at ang pamilya ko. kahit gaano kasama ang family na pinanggalingan ko, kahit papaano ayaw ko ng mag cause ng kahit anong ikakausok ng mga ilong nila dahil baka bigla silang magtransform sa pagiging dragon nila once na mangyari yun… at kapag naman naexpose ung mga bata sa ganung bagay, ano na lang ang mangyayari sa kanila? hindi magiging maganda yun para sa kanila.. pag nagkataon para ko na rin silang kusang loob na inihain sa naghihntay na leon para lapain. ano pa ang saysay ng kagustuhan kong umuwi para masiguro kong safe sila…. kaya nga ako uuwi para magpaka-‘ina” sa kanila tapos ano at yun ang gagawin ko? the first/main priority here eh ung mga bata…..risking it would definitely not do them any good. sabi nila/niya: “in life you should be ready to take risks” that may be true, pero bago ka sumugal…mag-isip ka muna…hindi lang dalawa…tatlong beses… isipin mo muna kung talagang dapat kang pumusta… you have to weigh things evenly.. lalo at may mga batang involve…hindi pwedeng sunggab ka ng sunggab dahil baka sa kakasunggab mo sa biyaya eh sa bandang huli, marealize mo a ung mga bagay na iningatan mo at ikipinakipaglaban mo eh nawala na rin sayo dahil sa hindi tamang pagpusta sa sugal ng buhay. kapag may anak ka na, its not about you…. tapos na yung pagiging nasa limelight mo, it shouldnt be about you anymore, should be about your children, unang-una sila dapat sa listahan mo na sa lahat ng magiging desisyon mo sa buhay mo dapat isipin mo kung ano ang maidudulot an kabutihan nito sa kapakanan nila. yan ang naging basehan ko sa pagdecide ko about dun sa offer na yun..it is tempting… totoo un.. once in a lifetime lang yun noh, pero i value my children as well as our privacy too much.. mas mabuting mamuhay ng tahimik kaysa sa magulo.

**********************************************************
Naremember nyo pa ba si “friendship” ko na pinagkatiwalaan ko re my ticket pauwi ng pinas nung nakaraan? well, i just received this mainit-init na news, fresh from the oven pa (well, not really kase its like 4 hours ago. hehehe) this “friend”, was arrested last night sa AL Ain (isa sa mga 7 emirates ng UAE) and was brought to jail …..ang kaso? Prostitution…. nung una galit ako sa kanya… pero nawala din un… lalo ngaun, hindi ako galit sa kanya..i actually feel sad… i feel sorry for her.. i hope and im really praying na hindi niya niloko lahat ng mga kaibigan niya para may tumulong at dumamay pa sa kanya ngayon.. i hope she’ll be able to get out of the mess she’s in right now..May God bless her…..

***********************************************************
uulitin ko lang, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na makakauwi na ko.. ilang tulog na lang… hindi na nga ulit ako nakaktulog ng ayos eh… hindi na talaga ako makapaghintay.. again…..maraming maraming salamat poh sa lahat ng tumulong at kasalukuyang tumutulong sa akin…i will never stop thanking you….

Advertisements
This entry was posted in blessing, Blogger, friends, home, kids, life. Bookmark the permalink.