bati, tag, wento

kahapon first bday ng bunso ko na si Lian… sad to say, wala ako sa tabi nya sa lahat ng kung ano-ano pang mga firsts nya…ni hindi ko siya nakita kahapon, walang kahit ano mula sa kaniya. kahapon ng umaga tumawag ako sa aking nagmamagandang mudrax, batiin sana si Lian at makausap ung two other angels ko.. pero ano at ang sabi saken eh natutulog daw silang lahat. after 2 hours tumawag ulit ako pero hindi ko pa rin nakausap kahit ung panganay ko kesyo nasa labas at may ginagawa daw. at kung ano-ano pang dahilan. hanggang sa maggabi na dito… natural mas gabi na sa Pinas at hindi ko na ulit sila natawagan.. hay naku, super bait ng nanay ko, aylabyu somats motherhood… hahahaysssssss yun na lang… syempre umiyak din naman ako ng slight kahapon sa inis dahil nga sa hindi ko sila nakausap.. kaya….

Belated Happy 1st Birthday Jillian Margaret!!!


yan na lang muna ang drama ko..first birthday pero parang ang liit nya? eh pano yan pa yung photo nya mula nung 4 months sya… photo nya yan before ako umalis sa Pinas. hindi naman kasi nila ako pinapadalhan ng mg recent photos ng mga bata di ko na alam mga kahitsurahan nila ngayon…

**************************************************
eto na yung tag ni SuperG saken, sa sobrang tagal bago ko kinuha medyo inamag na.. pasensya na poh… di ko na ipapasa kase sigurado naman na akong naka-ikot na toh eh.. kung sino na lang gustong kumuha, go sago na lang…

***************************************************

hindi na nga miminsang nasabihan ako ni Jentot at Azel na “ang katangahan eh iniiwan sa bahay at hindi sinasama sa kung saan mang lakad mo.” eto na naman..hindi na naman ako nakinig at kung bakit eh itong si katangahan at pagkatulig eh naibaon ko paglabas ko ng ka-hausingan kahapon. nagpunta ako ng abu dhabi kahapon ng tanghali para i-meet ung napakalayo kong kasinsin…nagkita naman kami… matapos nun, hinintay ko si Pogi dahil ililibre nya ako ng dinner… yes dinner… sa Marina Mall.. sa sobrang tagal ng paghihintay ko sa kanya, naikot ko na ang buong al wahda mall, malapit na nga akong mainip at magdesisyon na magcheck in at matulog na lang…dito oh….click mo toh.. pero bigla naman syang dumating kaya nabura na yung ilusyon kong yun.. so un nga lumantak kami ng walang kamatayang manok.. at sa tingin ko ung manok ay may sala.. yun ang may kasalanan ng lahat. dahil habang nakikipag-usap ako kay JoshMarie sa selpon ukol sa isang bagay na napakahalaga biglang namatay! syettttt! wala ng load si Yanah!.. kaya sabi ko tatawag na lang ulit ako after 20minutes.. hanggang sa umalis kami ng marina mall, sumakay ng taxi at nagpahatid tungo sa bus terminal pauwing sharjah.. madaldal si manong driver na may “sweetie” na pinay na iniwan sya at di na bumalik ng UAE.. kase naman si ate “sweetie” gusto na daw magka-anak eh itong si manong madaldal na driver eh ang gusto magtayo ng basketball team, eh kumustahin naman si ate “sweetie” nun diba?! anyways, yun nga at sa byahe patungo sa terminal ewan at kung bakit hindi mapakali ang pwet ko… hanggang sa bumaba na kami, inikot ang buong terminal para makabili ng load, saksesful naman kaming nakabili ng load.. kaso mo lang…….kalkal..cge kalkal… yan ang ginawa ko sa bag ko ultimo ung plastic na pasalubong for jentot eh pinatingnan ko kay Pogi.. ang dahilan? missing in action si selpon.. at ayun nga.. nawala nga sya.. maaaring sa sobrang kalikutan ng pwet ko eh nalaglag mula sa kabulsahan ng jeans na suot ko ng di ko namalayan.. 😦 goodbye selpon.. goodbye etisalat sim card… goodbye sandamakmak na contact numbers….. ayan at ipinamalas ko na naman kung pano ako kagaling magbaon ng katangahan..kaya ngayon, may load ako, pero walang pagloloadan gudlak saken! di pa naman ganun kadaling bumili ng sim dito.. kelangn mo apng magpass ng VISA at passport copy mo apra dun at it takes 24 hours yata bago ma activate ung sim.

*****************************************

“Ang mabigat na bagay ay gagaan kapag binitawan.”

Nitong mga nakaraang araw eh naiisipan ko nang bumitiw, nahihirapan na kase ako ng sobra. sobrang bigat na ng nararamdaman ko, yan ang sabi nila, kapag nabigatan ka na, bitawan mo na. pero, paano ako bibitaw kung alam kong may mga nakahawak din saken. Nung isang gabi nag-usap kami ni Jentot at pinagsabihan nya na naman ako for the nth time, dahil kung gano ako kaproblemado, ganun din kagulo ang utak ko eh ganun din katigas ang ulo ko. Hindi rin kase ako pagkaminsan nakikinig..(okay fine! most of the time!) kahit papaano naliwanagan ang pag-iisip ko.. naisip ko na bukod dun sa mga nilalang na nakahawak saken, dapat magpursige din ako na maging maayos dahil may mga anghel na ubod ng bait ang tumutulong saken. the least that i could do is try to be okay and think positive. pero, ganun nga ba kadali un?! Nabanggit ko sa huling entry ko na magwewento ako ng kaunting detalye ukol sa mga pangyayari sakin nitong nagdaang dalawang linggo.

exactly two weeks ago, lumayas ako sa tinitirahan kong hausing kung saan kasama ko ang mga “kalaban” na alien, na walang ibang ginawa kundi pakainin ako ng mga salitang “wala kang silbi”, “wala kang kwenta” at kung ano-ano pang WALA.. kaya naisip kong umalis na lang dahil wala rin naman silang naitutulong sa sitwasyon ko. Hindi ko na i-elaborate ung tunay na sitwasyon. basta kailangan kong umuwi.. a week before that, naka raise ako para sa pamasahe ko pauwi ng Pinas, inilapit ngaun namin ni X (ibang xyz yan, and2 sya sa dubey at tumatayong “tatay”ko in some ways) kay friendship H dahil nagwoworking sya sa Singapore air para makadiscount ng todo-todo, dahil kailangan ko rin naman talaga ng extra, nakuha nya ung payment namin hanggang sa binigyan nya kami ng isang papel, hindi naman kami nagduda dahil ganung-ganun din naman ugn hitsura nung e-ticket ko before.. hanggang sa 4 times na naipa-rebook ung flight schedule due to some unavoidable circumstances… syempre may i follow up kame lagi sa kanya, dahil un nga ung role nya samin diba? dumating ngaun ung araw bago ung time na gagamitin ko na ung e-ticket na yan… may-i-confirm kami ni X nung ticket via phone sa singapore air only to find out na non-existent si e-ticket.. at si friendship H eh ilang months na palang hindi working duon. ano pa nga ba’t nawindang na naman ako. nangyari toh, a day after the creek park experience with Jen and Pogi…tapos sabay nakatanggap din ako ng magical phone call from my super bait na *tut*tut* informing me sa nalalapit na deadline ng pag-turn over sa aking mga kidlets sa kinauukulan. lalong nataranta ung utak ko. hindi makaisip ng tama, nanghina ng loob.. …….

more kwento tomorrow…. may part time job pa ako in 1 hour…

babush…

ay! sabi pala ni gillboard: ” Mas madali ngumiti kesa ipaliwang kung bakit ka malungkot.”

Advertisements
This entry was posted in depression, dubai, life, sacrifice. Bookmark the permalink.